Chapter 6: I'm Really Jealous

1.3K 33 1
                                    



Lance



Kanina pa ako naiirita at hindi mapakali, pinipilit ko ang sarili ko na mag-focus kay Juan Miguel pero hindi ko magawa dahil kanina pa ako linga ng linga sa puwesto ni Reaven at sa kasama niyang 'investor' pero hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi niya dahil ang bata pa nung babae, Yes! babae, hindi ko expected na babae ang magiging ka-meeting niya ngayon, mukhang 16-18 years old pa lang yung babae at nakasuot ito ng halter dress na sinamahan ng black gladiator na sandals at may dala-dala siyang purong kulay gold na Louis Vuitton na bag, kanina pa nga ako na-aalibadbaran sa kulay ng bag niya dahil sobrang sakit sa mata nung kulay na parang neon tas ang pinarehasan pa ng kulay ay black, ang sakit talaga sa mata! Kaasar! at yung babae naman ang harot masyado dahil kapag nagbibiruan silang dalawa ay naroong 'pabebeng' tatawa yung babae at hahampas sa braso niya at pipisilin ito, at ang gago natutuwa pa sa ginagawa sa kanya nung babaeng haliparot na yun na kamukha naman si Ursula, nagulat nalang ako ng bigla napadako ang tingin sa akin ni Reaven at ngumisi ng nakakaloko, agad akong lumihis ng tingin, nagulat na lang ako ng bigla pinisil ni Juan Miguel ang ilong ko,

"Aray naman! Ang sakit 'nun' ah" medyo napalakas ang boses ko at pinag-titinginan naman kami ni Juan Miguel kahit sina Reaven at ang kanyang kasamang babae ay napa-lingon din sa puwesto kung saan kami naroon, sinimangutan ko naman siya dahil sa ginawa niyang pagkurot sa ilong ko at agad itong nag-pout na kanyang labi na mas lalo niyang ikina-cute, agad naman akong naka isip ng kagagahan at nagsabing

"Honey, kiss me please! sa ilong kasi masakit eh" medyo inartehan ko at talagang nilakasan ko ang pagsabi nun kay Juan Miguel at nakita ko naman si Reaven na naka-kunot ang noo na sinabayan pa ng nakapukol niyang masasamang tingin sa akin, nakita ko naman ang naguguluhang mga mata ni Juan Miguel at namumula niyang pisngi

"Get a room, masyado kayong PDA, tsaka coffe shop toh! Hindi Motel, so please! get a room if you also want to cuddle" nawindang naman ako sa bigla pagsasalita nung babaeng kasama ni Reaven, inirapan ko naman siya dahil masyado siyang nakikisaw-saw sa paguusap namin ni Juan Miguel, lumingon na lang ako kay Miguel at hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi ng babaeng yun dahil kapag pinatulan ko pa iyon ay magmukha akong low-class individual at walang pinag-aralang tao, maya-maya ay hinalikan na nga ako ni Miguel sa Ilong at agad naman akong napangiti,

"Yan, hon napagbigyan kana ah!" ngumiti ito ng pilyo at sabay subo sa slice ng cake na kinakain niya, nakita ko naman si Reaven na nagtitipa sa cellphone niya, napabalikwas na lang ako ng biglang nag-ring yung cellohone ko ng 'tweet tweet tweet tweet sms' agad ko na mang kinuha yung phone ko at binasa ang message

From: Unknown

Magpahalik ka pa jan sa kasama mong lalaki, sasapakin ko na yan at hihilain na kita palabas dito sa coffee shop

-Reaven

Hindi ako makapagsalita dahil intense ang text ni Reaven, hinigop ko naman ang inumin ko dahil parang natuyo ang laway ko, at bigla namang nagsalita si Juan Miguel

"Lance, I'm really really sorry, nagtext kasi si mama sa akin na kailangan ko daw na makipag video-call sa mga stockholders dahil medyo may kaunting problema eh" nakita ko naman na napasimangot siya at umiirap na lang sa kawalan,

"Okay sige, thank you na lang sa paglibre mo sa akin ah" ngumiti ako at nakipag beso-beso sa kanya

"Gusto mo bang ihatid muna kita?"

"No! Hindi na i can handle myself!, go on, bye" ngunit bago pa ito makaalis ay humalik agad ito sa labi ko at lumabas na ng coffee shop, akmang tatayo ako ay biglang sumulpot sa harapan ko si Reaven, nakasimangot ito at hindi maipinta ang kanyang itsura, lumingon ako sa kung saan siya unang naka puwesto at wala na nga doon ang babaeng kasama niya, bakit hindi ko iyon napansin, bumalik ang tingin ko kay Reaven at nagsalita siya

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon