Chapter 20: The First Interviewee

643 15 5
                                    

Lance

Inayos ko ang mga taong uunahin kong interview-hin, nagsimula ako sa bagong relasyon, i mean yung baguhan palang sa relasyon tsaka sa pinaka matagal na relasyon, bali ang ayos ng listahan ko ngayon ay ganito:

1. Lance Kyle Anhathaway & Reaven Valintine (1 month)

2. Rylie Saw & Nick Gee (2 months)

3. Perry Dela Cruz & Akemi Soo (1 year)

4. Kyle Lester Sanchez & Zachary Eros Kiss (2 years)

5. Angelo Cortez & Nico Sims (4 years)

6. Juno Kie & Yves Montero (10 years)

7. Ralph Quirino & Erwin Kim Serrano (15 years)

8. Zeke Montenegro & Paul Ziegler (20 years)

9. Imogen Delevigne & Mighty Zeus Phoenix (40 years)

10. Francis Sandoval & Jairus Kiji (50 years)

Agad ko iyong itinype sa computer at sa Facebook Page ko muna ipinost, cinopy-paste ko naman at agad ding ipinost sa iba't iba kong social media account specially sa wattpad, maraming nanghinayang bakit hindi ko daw sila napili, meron din namang nagsasabing baka daw nagandahan ako sa mga story synopsis na pinasa nila kaya ko sila kinuha, at nagpasalamat din naman sa akin ang mga taong napili ko via Private Message or Direct Message sa Wattpad and Twitter, lalong lalo na si Ares yung batang fan na fan ng love story ng dalawa niyang lolo

Nagpost din naman ako na nagpapasalamat ako sa mga taong nagsend sa akin ng kani-kanilang identity kahit na hindi ko sila na pili, at humingi din ako ng paumahin sa mga taong hindi ko napili pero ang iba ay nanghihinayang pero ang iba naman malugod na tinggap ang paumanhin ko

Inayos ko din naman ang schedule kung kailan ko sila i-interview-hin.

---***---

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa madaluyong kung saan na napagkasunduan namin ng una kong interviewee, umorder lang ako ng Cappuccino, at dahan dahan inimon ito,

"Hi uhm? kayo po ba si Mam Lance?" lumingon ako pakanan sa biglang nagsalitang lalaki

"Yes? Ako po yun? Kayo na po ba si Rylie Saw?" nakangiti kong tugon dito

"Opo uhm at eto naman po si Nick Gee" pakilala niya sa kasama niyang lalaki din

Si Rylie ay nakasuot ng gray sweat-shirt at naka tokong na pang-ibaba at naka old-school na vans na kulay olive-green, matangkad si Rylie siguro mga nasa 5'10 ang height niya, brownish ang buhok, chinito, at pouty yung reddish lips niya, maputi, makinis, medyo may kapanguan nga lang at medyo may kapayatan din

Si Nick Gee naman ay nakasuot ng plain v-neck white-shirt na tinernuhan ng faded maong jean at dark blue na top-sidder shoes, Matangkad din naman si Nick, mas matangkad ng ilang pulgada kay Rylie, siguro mga nasa 6'2 pataas ang height niya, purong black ang buhok nito, ang tangos ng ilong, kissable lips, moreno, mapungay ang mata at halatang-babad sa gym dahil maskulado ito, kitang kita mo ang firm na biceps at yung jaw-line niya

Kung titignan mo silang dalawa ay mapagkakamalan mo silang magkaibigan lang o magkatropa pero dahil alam ko ang sikreto nila (kung hindi man nila sikreto ang relasyon nila)

Inakbayan naman ni Nick si Rylie at umupo na sa tapat ko "So? order na tayo hon? mukhang naka-order na si Ms. Lance?" nakangiting pahayag ni Nick

"Oh! I'm sorry kung nakaunahan ko na kayo umorder at hindi na ako nakapagintay ah" pagpapaumanhin ko

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon