Chapter 2: Meeting 'Him'

2.4K 63 4
                                    





Lance





*kriiingggggggg



Napamulat ang mga mata ko dahil sa malakas na tunog nang alarm clock, agad ko iyong pinindot dahil nakaka bingi ang lakas at namatay din iyon, kinapa ko sa ilalim ang cellphone ko ata agad na tiningnan ang nang mga messages, 1 message from Angela At 13 messages from unknown,

From: Angela at 9:36

Baklita ka! gumising ka na dahil meron tayong workshop ngayon at gusto ka din daw makita at makausap ng bagong president ng publishing corp, kanina pa kita tinatawagan, alam kong tulog ka pa hanggang ngayon dahil tulog mantika ka kaya lang plss sana magising kana tsaka 12 noon daw ang meeting mo sa bagong president.

Agad akong napabalikwas ng bangon, hindi na ako nakatira sa mansyon namin sa Cavite, dahil maraming masasalimuot na alala meron ako doon pero nandoon parin sina manang Lucia, ang asawa nitong si manong Tonio at si kuya Bugoy dahil ginawa ko silang katiwala ng bahay, nandito ako sa condo unit ko sa Taguig, sobrang convenient ng kitatayuan ng building na to, kasi katapat lang nito yung Market Market at konting lakad lang ay SM AURA na, binili ko ito last month lang, gusto ko nang magkaroon ng sarili kong buhay at tumayo sa sarili kong mga paa at ayaw ko ng nagpapagamit sa tito ko, tiningnan ko sa cellphone ko kung anong oras na, at meron pa akong 1 at kalahating oras para maghanda dahil 10:30 palang naman, tumayo ako at naghubad na nang damit at tumapat sa salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko na hubo't hubad sa tapat ng salamin, sa wakas ganap na akong babae, kahit peke ang nasa bandang 'ibaba' ko atleast nagawa ko na ang matagal ko nang pinapangarap, ang maging transgender, kahit naman nabubuhay pa si papa at mama ay panigurado ako ay susuportahan nila ako kasi alam kong mahal na mahal nila ako at ang gusto nila ay matupad ko ang matagal ko nang gusto, nandoon ang balingkinitan kong katawan, ang mayayabong kong dibdib, ang mahahaba kong binti at hita, ang payat kong braso , mapupulang labi, asul na mga mata, 5'10 kong height at gold na buhok, na mana ko kasi ito kay papa kaya mas nagmumukha akong babae, pinihit ko na ang shower at nagsimula nang maligo, nang matapos ako ay nagsuot lang ako ng turtle neck na kulay skyblue at itim na square pants na tinernuhan ng converse na sneakers na kulay puti din.

**

Nang makarating ako sa publishing company ay agad 'kong hinanap si Angela, at nakita ko naman siya na busy sa pagtitipa ng keyboard.

"Angge" pagtawag ko sa kanyang palayaw at agad din itong napalingon sa akin 

"Bakla ka, buti dumating ka kana at kanina ka pa inaantay ng bago nating boss at gusto ka raw niya makausap tungkol sa mga sinusulat mo na story" tumayo si angge at hinila ang kamay ko at inihatid ako sa opisina kung saan nagtatrabaho ang bago naming boss at wala akong ideya kung anong meron sa mga story ko? ayaw niya doon? gusto niya ba ng merong happy ending? eh ako naman ang pinaka sikat na author sa larangan ng wattpad ah tsaka mataas naman ang sales ng bawat librong na i-publish ko.

"Angge sino ba yung bago nating President at bakit kailangan ako pa ang kumausap" huminto muna ako saglit na lumingon sa kanya at ang gaga ay inirapan lang ako

"wala akong ideya kung sino ang bago nating boss kahit tanungin mo pa ang lahat ng staffs dito sa buong kompanya ay wala pa silang ideya kung sino ang boss natin maliban kay Grizela" si grizela kasi ang executive assistant ng CEO dito sa pusblishing company, at nakakapag dududa lang kasi bakit sa dinami dami ng mga empleyado dito sa kompanya at ako pa ang unang unang makakakita kay sir, masyado siyang pa-Mysterious ah!

"masyado namang pa mysterious si Sir, anyway baka majombag na ako ni Direk Ana Dahil hindi ko pa malinaw linaw yung plot ng bago kong i-pupublish na libro ngayon at ikaw pumasok kana sa opisina ni Sir Mysterious" tumalikod na si angge at bumalik na siya sa puwesto niya at nagsimulang muli sa pagtitipa ng keyboard, bumuntong hininga ako at nanginginig ang buong sistema ko sa pagpihit ng doorknob ng pinto, tumambad sa akin ang walang ilaw na pasilidad ngunit ramdam ko na may nakatalikod na tao sa bandang lamesa at nakaupo sa swivel chair.

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon