Chapter 13: Bring back the past

841 16 0
                                    

Lance

"Lance you're next" naka ngiting sabi ni Tanya, Tumayo naman ako at kumuha ng white rose at pumwesto sa gitna

"White rose ibibigay ko to sa taong gusto kong hingan ng kapatawaran dahil sa pag-aakalang basta basta niya lamang akong itinapon at iniwan, pero meron naman talaga siyang sapat na rason pero sadyang bingi ako at hindi siya pinakingan, tinatak ko kasi sa aking isipan na katulad pa rin siya ng dati, isang playboy, Casanova, at womanizer, pero pinatunayan niya sa akin na lahat ng tao nababago ng paigibig, kasi isa na siyang loyal and faithful suitor sa akin" lumapit ako kay reaven at iniabot sa kanya ang rosas, rinig na rinig ko ang pagkantyaw ng aking mga kaklase at sumigaw pa si Anton at Devin ng 'Kiss'

Bigla nagsipagtayuan ang mga balahibo at binalot ako ng kuryente ng isigaw nila iyon, kahit naman ilang beses na ako hinalikan ni Reaven ay ibang iba kapag maraming tao ang nakakakita,

"Shall we kiss?" nginisian pa niya ako ng nakakaloko, ngitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis, hinagkan naman niya ang batok ko at binigyan ng malambot at nakakalasing na halik

Umiwas na ako at pinutol ang aming paghahalikan dahil baka mas lumalim pa iyon at mabigyan namin ng 'live show' ang aming mga kaklase, at nang matapos niya akong halikan ay naghiyawan na sa kilig ang lahat at nakayuko lamang ako dahil nahihiya ako sa nangyare, i mean hindi ko ikinahihiya na halikan siya pero kasi hindi talaga ako mahilig na ipakita sa public ang mga bagay na dapat sa 'private' place dapat ginagawa

Inayos ko na ang aking sarili at kinuha ang Red Rose, "Uhm! Etong red rose ay ibibigay ko kina dad, mom, at kay baby, mahal na mahal ko sila at miss na miss na! ang daya nga kasi ang aga nila akong iniwan" sunod sunod na lumas sa mata ko ang masasaganang luha, agad ko iyong pinunasan at muling nagpatuloy sa pagsasalita "kelan kaya tayo magkikita dad, mom, at baby? haha kidding aside! I LOVE YOU DAD, MOM, AND BABY" isinigaw ko ang mga huling katagang binanggit ko

Naglakad naman ako malapit sa dagat at inihagis ang pulang rosas, unti unting bumalik sa akin ang mga masasayang alala namin ng mga magulang ko

*start  of flashback

"Anak?" inalog-alog naman ni Mommy ang paanan ko, tinatamad pa kasi akong tumayo, masyado kasing maaga ang pasok namin, nagkunwari akong natutulog at hindk pinapansin ang sinabi ni Mommy

"Hay nako nagtulug-tulugan ka na naman Lance!" lalo pang nilakasan ni Mommy ang pagalog sa akin kaya naman napa-ungot ako

"Daddy ikaw na nga muna ang gumising dito at mag luluto pa ako ng almusal niyo" tumayo naman si mommy paalis sa pagkakaupo sa kama ko at nararamdam ko ang yabag ni daddy patungo sa kama ko, umupo ito at inalog na din ang paa-nan ko

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon