Chapter 24: Lost of a Friend

509 10 1
                                    

Lance

Nanginginig ako sa'king kinatatayuan habang nakatitig sa kalagayan ng isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit nahantong sa ganitong sitwasyon si Miguel, para noong nakalipas na buwan ay maayos pa ang kanyang pangangatawan, halatang malakas ang tindig at postura nito at higit sa lahat wala kang mababakas na anumang sakin sa kanya ngunit noong makita ko siya sa bahay nina Yves ay napaghahalataan ko na ring may sakit siya pero hindi ko sukat akalaing ganto kalubha ang sakit niya.

Unti unti akong umupo sa tabi niya at marahang pinagmasdan ang kanyang nakaratay na katawan, mababakas mong payat na payat na ito, wala na ang matikas niyang pangangatawan, dumako naman ako sa kanyang mukha, malalim na kanyang mga mata, maputla at namamalat ang kanyang labi, hulmang hulma na ang kanyang panga at walang kabuhay-buhay ang kanyang pisngi na dati ay hindi naman ganoon. Dumidikit na ang kanyang balat sa kanyang buto na labis na nagbigay ng pangamba saking dibdib. Napaisip na lamang ako 'Miguel ano bang nangyagari?'

Hindi ko namalayan na mulat na ang mga mata nito at dahan-dahang umukit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti na naglalahad kung gaano siya kasaya at kasabik na makita ako dito

Itinaas nito ang kanyang kanang kamay at marahang pinunasan ang luhang kong tumutulo

"wa....g ka..ng um..i..yak, hindi...bagay sa ..kagandahan mo..haha" mas lalo akong napahagulgol nang magsalita siya parang may maliit na bagay na paulit-ulit na tumutusok saking dibdib at may kung anong bagay din na humawak sa leeg ko kung kaya't kinakapos ako sa paghinga. Inginudngod ko ang aking mukha sa dibdib ni Miguel at marahan ko siyang niyakap at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa tadhana!! Bakit lagi nalang kinukuha ang mahahalagang tao sa buhay ko? Bakit? Nung una ay sina Daddy, Mommy at yung unborn sibling ko then ngayon si Miguel? Bakit sobra-sobra magparusa ang Diyos sakin? Ano bang nagawa kong kasalanan at bakit nararanasan ko ang ganitong uri ng impyerno!

Naramdaman ko na lamang ang malamyos na paghaplos ni Miguel sa likod ko at muling may na buhay na katanungan sakin kung kaya't tumayo ako at nagsalita

"BAKIT KA NANDITO SA HOSPITAL? BAKIT AMPAYAT PAYAT MO NA? ANONG BANG SAKIT ANG INIINDA MO? BAKIT KA ANDOON SA BAHAY NINA YVES? BAKIT MOKO SINIGAWAN NUNG ARAW NA YUN? BAKIT HINDI KA NAGPAPARAMDAM SAKIN NETONG MGA NAKARAANG BUWAN? BAKIT BIGLA KANG NAWALAN NG KONEKSYON SAKIN? bak...it?" naghyhysterical kong pahayag na halos mawalan ako ng hininga sa sunod sunod na tanong ko "bakit big..la ko nalang malalaman na nandito kana sa hospital? Miguel.. ano bang nangyayare? wala akong kaide-deya!" napasubsob na lang ako sa sahig at humagulgol ng todo "magiging okay ka naman diba? gagaling ka naman diba? hindi mo naman ako iiwan diba? babalik din yung kamacho-han at kagwapuhan mo diba?" pagak akong tumawa, hinaplos naman niya ang aking pisngi at ramdam ko ang lamig sa kanyang palad.

"mahal na mahal kita" hinagkan niya ang aking leeg at hinalikan ang aking noo, tila isang malakas na bagyo ang aking mga luha, panay ang pagtulo at walang tigil sa pagpatak simbolo ng sakit at paghihinagpis.

"ipaliwanag ko naman sa akin kung bakit ka nandito oh, gulong gulo na kasi ako" pinunasan ko ang aking luha, kinuha niya ang aking palad at hinawakan iyon ng mahigpit.

"matagal na akong may pancreatic cancer, genetic ito, na mana ko sa side nina papa, hindi ko naman alam na makukuha ko yung ganitong sakit, sabi din kasi ng mga doctor, at first hindi talaga visible yung symptoms kaya mahirap i-distinguished, noong una akala ko over fatigue lang dahil sa stress sa work, and syempre alam mo naman ako masyadong workaholic, at kung pagod ako mas gustong kong hindi kumain, at matulog nalang, kaya pala minsan paggising ko sa umaga akala ko gutom lang ako dahil hindi kumakain, ayun pala, pancreatic cancer na" halatang hirap na siya sa pagsasalita, hinawakan niya lamang ang aking kamay at hinalikan ito. "hindi ko naman ginustong magkaganito, pero alam mo ba? kung mawawala ako ngayon--"

"pwede ba?!! hindi ka mawawala ngayon! at walang mawawala!" tila isang sugat na binudburan ng asin ang kanyang mga sinabi, isang matatalim na salita na bumabaon sa puso't isip ko, hindi ko kayang isipin na mawawala siya, isa siya sa mga taong sobra 'kong pinapahalagahan. Walang mawala!

"lan... ce, hindi impos....ibleng m... awala ako, alam... ...mo yan, ilang araw nalang ang ilalagi ko sa mundong ito" singkislap ng mga bituin sa langit ngayon ang mga pumapatak na luha sa kanyang mga mata, ngunit bakas naman sa kanyang mukha na siya ay masayang kasama ako sa sandaling ito na hinding hindi ko pakakawalan. "hindi ka pa ba inaantok?" pagtatanong niya sa akin

"hindi pa naman" pagtugon ko sa kanya "ikaw inaantok ka naba?" lumingon ako sa aking orasan at nagpatuloy "12:37am na"

"inaantok na, oo nga pala, bago 'ko makalimutan, may paper bag jan sa tabi mo sa kaliwang bahagi ng lamesa" lumingon ako doon sa direksyon na kanyang tinuro at nakita kong may isang maliit na paper bag, akma kukuhain ko na sana iyon para iabot sa kanya "hep hep, tsaka mo na yan kuhain at buksan bukas, basta't paniniwalaan mo lahat ng nakalagay doon ah?" tumango naman ako

"ano ba ang laman nun" nginuso ko naman ang aking labi para ituro ang paper bag

"basta, gusto kong ipangako mo sa akin na paniniwalaan mo aking aking mga sinulat doon at ang tito tristan mo. Mahal na mahal ka namin" napakunot naman ang aking noo sa mga katagang kanyang binigkas

"alam mong kaya kitang paniwalaan at pagkatiwalaan pero ang tito kong walang ibang alam kundi ang tawag ng laman? huh! no way!" tinaasaan ko lamang siy ng kilay at pinamaywangan

"please just for me? alam kong isang malaking kahayupan ang ginawa sayo noon at hanggang ngayon pero kailangan mo siyang pagkatiwalaan, dahil siya na lang ang magpoproktekta sayo kung sakaling mawala ako" isang nangungusap at nakikiusap na mga mata ang ginawad niya sa akin kaya napatungo nalang ako. Maya maya lamang ay humikab na ako at agad ko namang tinakpan ang aking bibig

"hindi daw siya inaantok" tumawa naman si miguel "sige, ipatong mo na ang ulo mo dito sa kama ko" umusod naman siya para ako ay makapatong "gusto kong kantahan ka"

"hindi kaba mahihirapan?" tugon ko dito

"hindi naman, kaya ko pa namang kumanta" hinaplos haplos lang niya ang aking buhok "kakantahin ko yung theme song natin noong mga bata pa tayo"

"alin doon? yung klasmate ng hambog ng sagro crew?" humagikgik naman ako

"hindi ah, alam kong favorite mo yun pero hindi naman yun yung theme song natin" napakatamis marinig na tumawa tawa din siya pabalik

Synesthesia by Mayonnaise

Save your smile
Everything fades through time
Lost for words
Endlessly waiting for you
Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes
I'll say good bye to you when I'm done
Through the sun...

Because I'm waiting for you
Waiting for this
Dream to come true, just to be with you
And if die, remember these lines
I'm always here, guarding your life...
Guarding your life...

I am yours
I'm completely trapped in your soul
Dazed and confused
Swept away with your whole world
You're my star
Invincible, haunting and far
Grace under fire
Something is deep in my heart, in my heart...

Because I'm waiting for you, waiting for this
Dream to come true, just to be with you
And if die, remember these lines
I'm always here, guarding your

Slowly falling into you
I'm obsessed with the fact that I'm with you
And I can't breathe without you...

Because I'm waiting for you, waiting for this
Dream to come true, just to be with you
And if I die, remember these lines
I'm always here, guarding your life...
Ooohh ooohh... ohoh

Kasabay ng pagtatapos ng kanyang kanta ay ang pagkawala ng aking ulirat at nagpalamon nasa kaantukan.

****

Try to listen to the song while reading this chapter guys, a short update for you muahwps

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon