Chapter 22: Different Stories (Part 2)

472 13 0
                                    

Lance

Juno Kie and Yves Montero

Nandito ako ngayon sa Pasig City, dito kasi ang address na ibinigay sa akin ng Interviewee ko, nang makuta ko ang kulay dilaw na bahay na merong isang garahe at meron ding terrace ay agad akong lumapit sa pintuan nito ay sunod-sunod kong pinagpipindot ang naturang door

Naramdaman ko naman na meron ng taong pagbubuksan ako ng pinto, bakas sa aking mukha ang kaligayahan na meron na naman akong maririnig at masasaksihang bago at ibang storya, pinihit naman ng taong nasa loob ang bahay, nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang nagbukas sa akin

"Juan Miguel?" bulaslas ko dito, nanlaki din ang kanyang mata at laglag din ang panga ng makita ako, umiwas lang siya ng tingin, hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang lalaking walang ibang ginawa kundi paligayahin ako, nakasuot siya ng Grey na bonnet, naka blue na jacket at ang nasa loob nito ay kulay puting T-shirt na tinernuhan ng fitted white jeans, kumunit ang noo ko! Alam ba niyang summer ngayon? Bakit kaya siya nagsusuot ng pang-Winter na outfit? Bakit kaya siya balot na balot gayong napainit ngayon at ang lakas ng sikat ng araw? nababaliw na ba siya?

At ang mas lalo kinakunot ng aking noo ay kung bakit namamayat siya! ang dati niyang matipunong katawan ay naging buto't balat, ang dating firm niyang jaw-line ay mas lalong naging firm, ang black circles na nakapalibot sa mata niya! ang pagkakatanda ko nung huli kami nagkita ay mapungay pa ito at punong-puno pa ito ng aura kumbaga 'killer eye' pa ito pero bakit ngayon ay ang lamya at walang kabuhay-buhay, ang noong mataba niyang pisngi at mamula-mula ngayon ay kitang kita mo na ang cheekbones niya, pati ang Adam's Apple niya ay mas lalong naging firm, sobrang laki ng pinagbago mo Juan Miguel! hindi lang sa pisikal na kaanyuan, pakiramdam ko din ay sa emosyonal at mentalidad ay nagbago ka na

"Tapos ka na bang titigan ako?" ang malamig niyang tono ng pananalita ay ang siyang gumising sa napaka raming tanong sa aking isipan

Kahit medyo may tampo ako sa kanya dahil hindi man lang siya nagpakita sa akin sa halos dalawang buwan ay masaya ko siyang sinalubong "Juan Miguel miss na miss na kita" agad kong inilapag ang bag kung saan nakalagay ang camera ko at agad ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap, ngunit ang inaaasahan ko ay yayakapin niya ako pabalil, yayakapin din niya ako ng mas mahigpit pa sa pagkakayakap ko pero hindi! hindi niya ginawa 'yon bagkus ay pinanatili niya ang kanyang dalawang kamay sa tagiliran niya

"Juan Miguel? anong problema?" nagtataka kong tanong dito, umiling lang ito sa akin bilang pagsagit at muli siyang nagsalita

"Bakit ka andito?" kung siguro'y kaya akong gawing yelo ng tono ng pananalita niya, ay kanina pa ako nanigas dito sa kinatatayuan ko, at kasabay nun ay ang pagpukol niya sa akin ng tingin na nagsasabing hindi niya ako gustong makita

"Bakit? ayaw mo ba?" pinilit kong tumawa bagkua ay hindi siya nahawaan at nanatili ang nagyeyelo niyang tingin

"Ano nga ang kailangan mo?" may kainisan na sa boses niya ng sabihin niya iyon, umasim kasi ang kanyang mukha

"Ahh... kasi dito nakatira yung i-interview-hin ko" malumanay kong pahayag, humalukipkip ito sa akin at kasabay ay ang pag-kunot ng kanyang noo

"Si Yves ba ang tinutukoy mo?" tumango lang ako sa kanya

"Pati rin si Juno" saad ko

"Ano bang kailangan mo sa kanila?" mukhang mas lalo siyang naiinis

"Pwede bang papasukin mo muna ako bago ako magkwento sayo?" tinaasan ko naman siya ng kilay, kaya naman ay nag-igting ang kanyang panga na paniguradong senyales na mas naiinis na siya sa akin pero pinagsawalang bahala ko muna iyon

Lafamilia Series: The Transwoman (TRANSXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon