Chapter one: the meeting

317 6 1
                                        

     CHAPTER ONE

                                                                ( the meeting)

“Oh, nakakita kana?” tanong ni Abby sa kabilang linya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa parking lot ng isang restaurant saMakatikung saan ka-meeting niya ang Korean investor ng kanilang kompanya.

“Hindi pa nga e” 15 mins na lang late na siya. Kailangang kailangan pa naman niyang i-close ang deal na iyon $ 100000 ang papasok sa kompanya nila pag na-close niya iyon. “Late na ako, mamy ko.”

“Sinabi na kasi sayong matulog ka ng maaga para hindi ka ma-late ng gising. E hindi nanuod ka pa ng pelikula ng AJ na iyan.” Sermon nito sa kanya. Daig pa nito ang kanyang Ina kung manermon kaya nga mamy ang tawag niya dito kahit isang taon lang ang tnda anito sa kanya. “O anu ka ngayon di para kang hinahabol ng kabayo.” Patuloy pa nito.

“Mamy naman e, late na nga ko senisermunan mo pa ako.” Nakasimangot siya na para bang nakikita nito iyon. “Promise hindi na talaga ako manunuod ng movie ni Aj.” Pangako niya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinabi iyon. Super fan kasi siya ng K-POP artist na si AJ Del Mundo college pa lang siya ay baliw na baliw na siya dito. Pumupunta pa siya from batangas to manila para masilayan ito sa mga mall show nito. Pati rin poster ng Gallery ang grupong kinabibilangan nito ay hindi niya pinalampas maski na ang mga album nito. Ganoon siya ka- addict sa naturang artista.

“Sus! Matigil ka Jovelina. Ilang beses mo na bang sinabi iyan sa akin at hindi ko na mabilang.” Alam niyang inaasar lang siya nito. Dahil ito may fan din ng grupo ng kanyang irog. Kaso si Kiko Scot ang pinapantasya nito. Lagi siang  magkasama sa concert at mall show ng mga ito.

“Nagsalita ang hindi.” Tumawa siya. “Ay! Ayon may paalis.” Bulalas niya ng mapansing may nagmamaniobrang sasakyan. Tamang tama may 10 mins pa siya.

“Oh, anu may nakita kana?”  tanong nito sa kabilang linya.

“Yes, mamy.” Nakangiti kong sabi.

“Siya bantayan muna at baka maunahan kapa.” biro nito.

“Subukan lang niya kung ayaw niyang makatikim ng upper cut.” sisipain ko talaga ang magtatangkang umagaw nito.

“What the…” tuluyan nang umalis ang naunang sasakyan naka-park doon kanina ng bilang may isnag mabilis na sasakyan ng nagpark sa mismong lugar na kanyang pag-paparkingan.

“Bakit?” nakinig niyang tanong ng kanyang mamy.

“Wala, mamy nagdilang angel ka lang naman at nagkatotoo ang sinabi mo.” Matilim pa din ang kanyang tingin sa kotseng umagaw sa kanyang parking lot. Nakita niyang pababa na ang driver niyon, kaya binusinahan niya ito. “Aba!” hindi man lang lumabas ng sasakyan. Inulit niya pero bali wala pa din “Makikita mo, makikita mo!” gigil na gigil niyang sabi.

“Jovie, Ok ka lang?” nagaalalang tanong nito. “Hayaan muna kumanap na lang ulit.” Kalmadong sabi nito.

“Mamy, 5 mins na lang late na ako hindi pwede.” Galit siya galit na galit. Nakita niyang bumama na ito ng tuluyan sa sasakyan.

“Jovie, huwag kang gumawa ng eksena diyan…” hindi na niya tinapos ang sinasabi nito sa kabilang linya. Wala siyang pakialam basta ang alam niya umuusok ang ilong niya ng mga sandaling iyon. Kahit pa siguro si Akihiro ang iharap sa kanya ngayon ay hindi siya kakalma. $ 100000 is $ 100000 at hindi pwedeng mabago iyon negosyante siya kaya alam niya iyon.

Tuluyan na siyang lumabas ng sasakyan niya. “Hoy!” tawag niya sa driver ng sasakyan na umagaw sa parking lot niya. Mukhang pati ito ay nagmamadali din. At walang balak lumingon

The Gallery:"The King of Heart" (editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon