chapter two : Dinner Date

182 6 0
                                        

CHAPTER TWO

                                                   “FIANCEE?” 

            Hindi pa din matali si Aki sa pag-salat sa kanyang kalawang mata. Nagdilim ang kanyang mukha ng maalala niya kung bakit siya nagkaroon niyon.

“Pauso mo?” nakangiting sabi ni Kai. Isa rin ito sa meyembro ng Gallery na grupong kanyang kinabibilangan. Katulad niya isa din itong Japanese. Kainamang pang-aasar ang natamo niya sa kanyang mga kaibigan ng dumating siya sa shooting area.

            Nilingon niya ito “Oo, gusto mo?” asik niya dito. “sa kanang muta naman kita lalagyan para pair tayo.” Pikon niyang sabi dito.

            Nagmamadaling tumakbo ito sa likod ng isa sa kambal. Himala at hindi nito kasama ang doppelganger nitong isa pa din namang walang magawa sa buhay.

“Mata.” Pagtatama ni MJ. Tiningnan nya ito ng masama, nagkabit-balikat ang ito.

Doon lang niya nalaman na sa kanya pala lahat nakatingin ang kanyang ka-grupo o better to say mga kaibigan hindi lang basta nakatingin halos magkadikit na ang mukha niya at mga mukha nito.

“Ang pangit!” bulalas ni Kiko saka tumayo at inakbayan si Kai. Meyembro din ito ng Gallery. Ito ang binansagang cassanova ng grupo nila dahil sa papalit-palit nito ng mga babae.

“Hai (Yes).” Saang-ayon naman ni Kai. Hindi na lang niya pinansin ang mga pangaasar nito.  Paniguradong siya ang din ang mapipikon at pag ganoon siya ang talo at ayaw aniyang mangyari iyon.

Kung kalukuhan din naman ang pag-uusapan ay wala na siyang hahanapin sa mga ito. Malas mo lang kung ikaw ang magpag-tripan ng mga ito.  Kagaya niya ngayon panigurado siyang hindi lang iyan ang aabutin niya pagdumating pa ang ibang meyembro ng grupo nila na kasalukuyang kausap ang director kaya hindi pa makabuwelo ang mga ito. And speaking of that, ito na ang mga hudas palapit na sa kanila.

“Akihiro, my boy.” Masiglang bati sa kanya ni Caleb. Kung si Kiko ay dalubhasa sa babae kabaliktaran naman ito ni Caleb. Caleb was a one- woman man or better to say a woman hater. “Bakit ngayon ka lang kanina pa hinahanap ni direk.”   anito at bahagya pa siyang inakbayan.  “Bakit… bakit me ube ka sa mata?” gulat na sabi nito saka biglang tumawa ng malakas. Babatukan na sana niya ito ng bila itong tumakbo palapit sa iba nilang ka-grupo. “Ang pangit, tol.” Dagdag pa nito.

“Inulit mo lang sinabi ko, Caleb.” Ani ni Kiko.

“Weee?” hindi niya alam kung bakit siya tumagal kasama ang mga ito ng 8 taon. Yeah they had been that long. 19 years old siya ng akitin siya ng mga ito na sumali sa grupo nito na sasali sa audition ng Gallery. At syempre lahat sila ay may ibubuga kaya natanggap silang lahat.  Katulad ng ibang artista nagsimula din sila ng wala hanggang gumawa sila ng sarili nilang pangalan at nakilala sa publiko.

They are a handsome bunch of men na pwedeng pwede mong ihilera kahit kaninong artista. Walang patapon ni isa sa kanilang grupo. Every girl would crawl and swoon whenever they saw them. So you can say that they are the gift of God to every woman. Kaya nga sa unang taon ng kanilang grupo ay marami na silang nagawang project. He’s so proud to the group his with.

“Masakit?” si MM isa sa kambal, hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya.

“Hindi.” Asar niyang sagot dito.

“Weeee? Patingin nga.”  sinabi nito saka walang pakundangan pinindot ang namamaga niyang mata.

Napamura siya sa sakit. “Ah, masakit nga.” Anito na para bang bali wala dito ang naging reaction niya. Susugurin na sanan iya ito ng biglang sumulpot sa harap nila ang director.

The Gallery:"The King of Heart" (editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon