..."i love youuuuuu!!!.."biglang nagising si Zel dahil doon sa nagsalita..hinanap nya kung saan galing yon..pero di nya makita hanggang sa mahagip ng mga mata nya ang isang cellphone na umiilaw..sa babae ata ang cp na yon..halata naman e,,nakapatong din kasi ang cellphone sa bag nito..pero bakit i love you??.yon ba ang message tone nito o call ringtone??.."I love youuuuuu!!!!.."umilaw ulit ang cp nito..doon na unti unting gumalaw ang babae saka tinanggal ng kamay nito ang nakatakip na panyo sa mukha nito...
Doon nya tuluyang nakita ang kabuuan ng mukha nito..she's pretty..no, she's beautiful...iba ang kagandahan nito di gaya ng mga nakikitang nyang kababaihan sa school nila, yung tipong di mo pagsasawaang titigan ang mukha nito..siguro, kung tatanungin ang iba, paniguradong sasabihin ng mga ito na hindi naman talaga sya kagandahan..pero para sa kanya,,,subrang ganda nito...maganda ang kulay karamel na mga mata nito..ang cute din ng ilong nito kahit hindi katangusan pero di rin naman malaki...at ang mga labi nitong mamula mula at parang nang iimbita pa..sakto lang din ang kulay ng balat nito..hindi maputi, hindi rin maitim....sa tingin nya rin hanggang lagpas balikat ang itim na itim na buhok nito...
Pumikit pikit pa ito dahil siguro sa silaw ng liwanag na nagmumula sa labas ng bintana...kinapa kapa rin nito ang cellphone nito na nag iingay pa rin...ng tuluyan na nitong maimulat ang mga mata ay napabaling ang mukha nito sa direksyon nya..halata ang gulat sa mukha nito na kaagad ding napalitan ng blangkong reaksyon...
Sinagot na nito ang nag iingay pa rin nitong cp..kahit hindi na ito naka tingin sa kanya ay patuloy nya pa ring pinagmamasdan ang mga galaw nito...wala man lang ka arti arti kung gumalaw ito..
Tumayo na ito saka pinagpag ang pwetan at tuluyan na itong umalis..
"Hello-.."yon na ang huling salita na narinig nya mula rito...sayang at hindi nya gaanong narinig ang boses nito...
Isinandal nalang ulit nya ang ulo sa may dingding at pumikit ulit...
.....................♥
"Ba't napatawag ka??.."tanong ni Ace kay Jasper sa kabilang linya...papalabas na sya ng library saka ni loudspeak ang cp para mas lalo nyang marinig ito..
"Kanina pa kasi kita hinahanap...di kita makita.."sagot nito...bestfriend nya si Jasper simula ng tumuntong sya ng highschool..at ito lang din ang nag iisa nyang kaibigan...nasa star section ito kaya magkaiba sila ng room...
"Aah..nasa loob ako ng library .."aniya..
"Ganun ba...ok, dyan ka lang at pupuntahan kita.."sasagot pa sana sya ng tinapos na nito ang tawag ng walang pasabi....loko ang lalaking yon ahh..
Ilang minuto lang at dumating na ito...may nakapaskil agad na ngiti sa mga labi nito...alam nya kung bakit hinanap na naman sya nito...
"Hulaan ko kung para saan ang ngiting yan.."inunahan na nya ito dahil alam naman na nya kung ano ang sasabihin nito..
"Ano?.."nag mamaangan pa ito..
"Pwede ba,,wag mo kong dramahan dyan..alam kong may kailangan ka nanaman.."sabi nya rito..natawa naman ito sa sinabi nya na ikinasimangot nya...
"Anong nakakatawa?.."sita nya rito...huminto naman ito sa pagtawa pero nakangiti pa rin..
"You really know me well.."anito saka ginulo pa ang buhok nya..hinayaan nya lang ito..sanay na rin sya.."but this time,,wala akong hihinging favor, well, meron naman talaga pero ..basta.."nagkamot pa ito sa ulo dahil kahit ito naguguluhan din sa sarili nito kagaya nya..parang tanga lang...haist...
"Ano ba kasi yon?.."tanong nya ulit rito...
"Ahmm..pwede mo ba akong samahang mag celebrate??.."Anito..
"Celebrate??..para saan??.."takang tanong ko sa kanya..ano bang meron..😕
"Wala lang..gusto ko lang e celebrate ang pagiging top 2 ko sa klase.."bale walang sabi nito...halatang hindi masaya...
"Wow...kayo talagang matatalino..para lang sa ganun, magsi celebrate agad..haiiist...ipinagyayabang mo lang ata sakin kung gano ka katalino..."aniya habang nakasimangot rito...
"Alam mong hindi totoo yan...ikaw talaga.."sabi naman agad nito sa kanya...saka sya inakbayan.."ang totoo kasi nyan..anniversary namin ngayong araw ni Yumi..kaso wala sya.. edi sana sabay naming isicelebrate yong anniv. namin.."malungkot na pagpapatuloy nito...
"Nasan ba kasi sya?? .."di nya napigilang magtanong...
"Yon nga ang hindi ko alam e...hindi rin sya sumasagot sa mga text at tawag ko..."Ano naman kaya ang drama ng isang yon...
"O sya, sige na...sasamahan na po kita...basta sandi lang tayu..."sabi nya nalang rito..parang hindi naman kasi nya kayang ma atim na pabayaan ang kaibigan nya...
"at siguraduhin mo lang na mabubusog ako mamaya.."aniya sabay duro sa mukha nito...tumango naman ito sa kanya saka ngumiti.....
--------------♥
Kararating lang ni Ace sa ni rerentahan nyang apartment mula sa restaurant kung saan sya dinala ni Jasper para mag celebrate pa...
Habang binubuksan ang naka lock na pintuan ay hinihimas naman ng isang kamay nya ang medyo may kalakihang tiyan dahil pakiramdam nya sasabog ito sa dami ng nakain nya...walangya talaga...gusto pa ata syang patayin ng kaibigan dahil sa dinami ng inorder nitong pagkain....pero ok na rin..kahit papano naging masaya naman ang kaibigan nya kanina kahit hindi nito kasama ang girlfriend nito....
Pag bukas nya ng pintuan..isang napakatahimik at madilim na silid agad ang bumungad kay Ace...pakiramdam nya, nag iisa na naman sya...ang tahimik..kahit maliit lang ang apartment nya pero pakiramdam nya parang ang lawak lawak non...
Nilock nya ulit ang pinto saka diri diritsong tinungo na ang kwarto nya at saka binuksan ang ilaw..di na nya binuksan ang ilaw sa may sala dahil di naman na rin sya kakain..pag katapos nyang magbihis ng isang puting tshirt at pajama ay agad na syang humiga sa may kaliitang kama nya...
Kahit ramdam na nya ang antok ay parang ayaw pa ring pumikit ng mga mata nya...ayaw nyang isipin na naman ulit ang nakaraan nya..pagod na syang umiyak at mag isip ulit ng mamasakit na nakaraan nya..kahit ngayong gabi man lang ay maging matawasay ang pagtulog nya...haaaiiist...
Pinilit nyang makatulog na saka mariing ipinikit na ang mga mata...di rin nagtagal ay naging mahimbing na ang pagtulog nya.........
____________♥
Sorry for x-grammar guys....🙏
..hmmm..vote??...its up to u...saranghae,,mwaaaah😘😘♥♥
Hope u like it....:)