♥11

18 2 0
                                    

       Gusto na sanang matulog ni Jasper pero hindi naman sya dinadalaw ng antok....pabaling baling na rin sya sa kama nya pero wala namang ipikto...tumayo nalang sya at lumabas ng kwarto nya at bumaba na ng hagdan...nakita nyang nanunuod pa ang mama nya ng tv.....

        Napansin naman agad sya ng mama nya...

        "O anak, bat di ka pa natutulog..gabi na.."anito ng makita sya...

          "Hindi po ako makatulog e..maglalakad lakad lang po muna ako sa labas sandali..."paalam nya rito

          "O sige....balik ka agad..ingat.." hindi na nya sinagot ang ina at lumabas na ng bahay nila...

        Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang nya ang paghihiwalay nila ni Yumi...hindi na rin ang mga ito nag tatanong kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila, pero alam nyang nag aalala pa rin ang mga ito sa kanya kahit hindi man ito nag sasabi...yon ang pinaka gusto nya sa mga ito..hindi ito nangingi alam sa kung ano man ang problema nya pero alam nyang sinusuportahan lang sya ng mga ito....

          Napag desisyonan nyang umupo muna doon sa may park....may mga mangilan ngilan pang mga couple doon na naka upo sa may damuhan...naalala nya pa dati na ganun din sila ni Yumi, kahit na nga ba sandali lang silang nakakatambay at saka ito magyayaya na umuwi na...hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan sa kanya ang ginawa ng dalaga...ilang beses nya rin itong tinawagan pero busy tone lagi ang naririnig nya...

         Gusto nyang malaman ang lahat..umaasa pa rin syang magkakabalikan pa rin sila...at maayos pa nila ang problemang iyon...wala syang paki alam kung ikakasal na ito...

        Nabigla naman sya ng may lumapat na mainit na bagay sa gilid ng pisngi nya...tiningnan nya kung ano iyon..kape lang pala na naka lagay sa isang malaking paper cup..tiningala nya rin kung sino ang may gawa nun....Rain??..

          Nakayuko ng bahagya ang babae habang nakangiting naka tingin sa kanya...inabot naman ulit ng dalaga sa kanya ang kape kaya tinanggap nalang din nya iyon...Umupo naman ito sa tabi nya..pero hindi naman ganun kalapit..may hawak din itong cup...

            "medyo malamig ngayon gabi kaya masarap magpa init.."anito saka bahagyang ngumiti pero hindi naman nakatingin sa kanya...

          "Thanks.."pasalamat nya rito..

          "Don't mention it...by the way...what are you still doing here..alone??.."tanong nito na nakatingin na sa kanya...

          "Wala naman...nagpapahangin lang..."sagot nya rito..

           "Hmm.."

           "How about you??.."sya naman ang nagtanong rito...

            "Same with you.."maikling sagot nito...after that, hindi na ito nagsalita...ang awkward ata...bahagya nya itong tinignan, nakatingin lang ito sa malalaking gusali...nabigla naman sya ng tumingin na rin ito sa kanya kaya binawa na nya ang tingin rito...

           "Ahh..nga pala, kamusta ng pakiramdam mo??..i heard, nagkalagnat ka...ok ka na ba??.."parang lumabas na ata ang pagiging madaldal nito..

           "Im perfectly fine...so there's no need to be worry.."aniya rito...natawa naman ito ng mahina kaya napatingin sya ulit rito, pero nakatingin na rin ito sa kawalan..

           "Ofcourse not.."napa kunot nuo naman sya sa sinabi nito.. "hindi ako nag aalala sayo noh..i know your a strong person..sus, ikaw pa..."sabi pa nito saka sya marahang tinapik sa balikat...tumayo na rin ito saka ngumiti ulit sa kanya...

            "Everything will be okay...remember that.."nagtaka sya dahil sa sinabi nito..pagkatapos nitong sabihin iyon ay walang paalam na umalis na ito...

           Feeling nya tuloy, parang may alam ito sa pinagdadaanan nya...pero kahit ganun pa man, feeling nya, parang gumaan kahit papano ang pakiramdam nya dahil sa sinabi nito...marahan na lamang syang napa iling ng bigla nag ring ang phone nya...tinignan nya kung sino ang tumawag..si Ace lang pala,,,agad na nyang sinagot iyon..

         "Hello.."

         [Kamusta  ka na??..].. nahihimigan nya ang pag aalala sa boses nito..

          "Ok lang naman ako..."sagot nya rito...

           [Sigurado ka?..]..  parang ayaw pa nitong maniwala sa kanya...

            "Syempre naman...ok lang ako..promise..."itinaas nya pa ang kaliwang kamay..as if namang nakikita sya nito...

            [Buti naman....bat ba kasi ilang araw na kitang di nakikita...anong bang nangyari sayo??..]..nag iba na ang tono ng boses nito..halatang naiinis..

            "Linagnat kasi ako..." maikling sagot nya...

             [Ganun ba...pasensya na kung di kita na dalaw ha...babawi nalang ako sayo..]……anito...tunay talagang kaibigan si Ace para sa kanya...kahit sabihin pa ng iba na medyo may pagka suplada at malamig kung makitungo ito sa iba ay may kabaitan pa rin namang bumabalot sa katawan nito...

            "Huwag mo ng isipin yon...eh ikaw, kamusta ka na??.."sya naman ang nangamusta rito..

             [Tsss..ok lang naman..]..halatang hindi ito ok...nalaman din kasi nya ng pumasok sya ulit sa school nila na lagi ng magkasama ito at si Razel Ventora..pero parang hindi naman daw ito pinapahirapan..mahina naman syang natawa dahil sa sitwasyon nito...

           [Anong tinatawa mo dyan..]„inis na tanong sa kanya ni Ace..

           "Wala noh.."aniya...

           [Pasalamat ka't wala ka sa harapan ko..dahil talagang mababatukan kita..pagtawanan ba naman ako..]...anito...tuluyan na syang natawa sa sinabi nito...nag paalam na rin ito at magkita nalang daw sila sa Academy...ini off na din nya ang phone saka tumayo na para umuwi.....

            Sana lang, isa sa mga araw na ito ay magkita na sila ulit ni Yumi....

            "Haaayst.."na sabi nalang nya sa sarili....

----------------♥

             Habang naglalakad si Ace sa may hallway ng school nila ay hindi nya mapigilang maghikab..kulang ata ang tulog nya kagabi..

             "Ang sarap matulog.."mahinang sabi nya...wala sa sariling na iangat nya ang dalawang braso at uminat inat ng bigla nabangga ang kamay nya sa isang bagay..ay hindi, mukhang hindi bagay dahil parang bungo iste mukha pala ng tao...at hindi nga sya nag kamali dahil mukha lang naman ni Zell ang nahagip ng kamay nya....

            "Ooops.."nasabi nalang nya at saka na itakip ang sariling palad sa bibig nya...hayan tuloy, umagang umaga naka simangot na naman ito...

            "Hindi ko kasalanan yon...kasalanan mo yan dahil hindi ka  nagsasalita.."aniya rito..talaga naman..malay nya bang nandun ito...

            Ini-snob lang sya nito saka tumalikod na...aba naman...marunong din pala itong mang snob..napa iling nalang sya saka naglakad na ulit papunta sa room nila...pero bago pa sya makahakbang ulit ay may parang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya sa may likuran nya...pag harap nya ay nakita nya ang isang pamilyar na tao...pumikit pikit pa sya dahil baka namamalik mata lang sya...Pero hindi, talagang totoo ang taong nakatayo di kalayuan mula sa kanya..

 
            "Kyle?.."

      

____________________♥

Vote/comment♥♥

Can't HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon