Habang papasok na ng gate si Zell ay hindi nya maiwasan ang hindi mapangiti...hindi sya maka paniwala na kaya din pa lang mag blush ni Ace..ang cute tuloy nyang tignan kanina...ang sarap pala nyang asarin...
Papasok na sana sya sa loob ng mansyon ng may marinig syang nag uusap, mukhang sa may harden ata...ng sumilip sya roon ay hindi nga sya nagkamali...nandoon ang ama nya kausap ang isang babae. Hindi nga lang nya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito mula sa direksyon nya..
Aalis na sana sya ng mapansin sya ng kanyang ama..seninyasan naman sya nitong lumapit..kahit ayaw nya, pumunta nalang din sya...
"What.."malamig nyang tanong rito...
"I want you to meet Amber Suarez, Your Uncle Vince's daughter.."pagpapakilala nito sa babae na ngayon ay nakatingin na sa kanya..bahagya nya lang itong sinulyapan saka bumaling na ulit sa ama nya..
"Ah.."wala nyang ganang sagot...ano bang paki nya rito o sa kahit na sinong babae..sa iisang babae lang naman sya may paki...
Halata namang nainis ang ama nya sa kanya dahil sa halatang wala syang pakialam sa anak ng uncle nya na si..ahh, whatever her name is...the hell he care ..
"Your already here, hijo.."nakita nyang papalapit na sa kanila ang kanyang ina...may dala din itong tray na naglalaman ng mga pagkain at inumin..
Lumapit sya rito saka humalik sa pisngi nito...
"By the way, hija...this is our son, Razel Ventora.."nakangiting pagpapakilala ng mama nya sa kanya sa babae..alam siguro nito na wala syang balak na magpakilala rito..
"Ah, yes tita..i know him already..may dad told me already about him.."sagot naman ng huli..so, ichinichismis pala sya ng kanya ama sa iba kapag naka talikod sya...
"Ahh, talaga?..so ano bang ikinwento ni papa sa inyo tungkol sa'kin..yon bang pagiging walang kwentang anak at bastos sa magulang??.."wala prenong sabi nya rito..halatang nagulat din ito sa sinabi nya...
"RAZEL!!!.."sigaw ng papa nya sa kanya...totoo naman ah..yon ang tingin ng ama nya sa kanya at wala syang paki alam ron..ngumisi lang sya ng nakakaluko rito..Nakita nyang napayuko ang babae dahil sa pagsigaw ng ama nya.
"Pumasok ka muna sa loob, Razel.."utos sa kanya ng mama nya..walang paalam na umalis na sya roon at diri diritsu ng pumasok sa kabahayan at umakyat na papuntang kwarto nya...
Hinagis lang nya sa gilid ng kama nya ang kanyang bag at saka padabang humiga sa kanyang malaking kama..ibinaon rin nya ang kanyang mukha sa malambot na unan...
Kung hindi lang sana dahil sa ama nya, edi sana in good mood pa rin sya ngayon..kaso, panira rin kasi to lagi ng mga masasaya nyang araw...ang galing talaga....hinayaan nalang nya ang kanyang sarili na lunurin na ng antok hanggang sa tuluyan na nga syang makatulog.....
------------------------------♥
"Hindi mo dapat ginawa yon, Ricardo.."pananaway ng asawa nya sa kanya...
"At ano ang gusto mong gawin ko..hayaan syang maging bastos sa harap ng ibang tao?.."galit na tanong nya kay Amanda- ang asawa nya...
"Kung naging mahinahon lang sana kayo habang nag uusap..hindi sana magiging ganun yon..."naiiling na lamang ang asawa nya...
"Hindi ko na nagugustuhan ang ugali nyang anak mo, Amanda.."
"Our son, Richard.."pagtatama ng asawa nya sa kanya.."and you know what?..the reason why his acting like that, is because you treated him like he has no use..to you and to everyone..."sabi pa ng asawa nya...ofcourse not!!..gusto lang nyang matuto ang anak nya sa dapat at hindi dapat nitong gawin...
"Im begging you...wag mo munang ipaalam sa kanya ang tungkol kay Amber ...magiging malala lang ang pagkamuhi ng anak mo sayo.."anito saka iniwan na sya sa harden...umalis na rin kanina si Amber pagkaalis ni Zel..
Parang sumakit bigla ang ulo nya dahil sa mga nangyayari...ayaw nyang siraan ang matagal ng napagkasunduan, dahil kapag nangyari yon marami ang madadamay...
Napahilot nalang tuloy sya sa kanyang sentido dahil sa mga naiisip....
------------------------------♥
Nagising si Zell dahil sa maingay nyang cellphone..hinanap nya iyon gamit ang kamay nya habang naka baon pa rin sa unan ang kanyang mukha...ng mahanap na rin nya ang kanyang cp ay saka nya bahagyang inangat ang mukha para makita kung sino ang nag message sa kanya..galing pala yon kay Mitch..
[Pre, pnta kna d2..my race ngyon..].. ayos yon ah..agad nyang ni replyan ito na papunta na sya...agad naman syang nagbihis ng makitang hindi pa pala sya nakapag palit ng damit mula kanina...
Pagkatapos mag ayos ay diri diritsu na syang tumungo sa garahe nila at pumasok na sarili nyang sasakyan...hindi na nya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina...
Paglabas ng gate ay agad na nyang pinaharurot ang kanyang pulang sports car...magiging masaya 'to...
Hindi nag tagal ay dumating rin sya sa lugar kung saan gaganapin ang race ngayong gabi...marami na namang mga kabataan roon katulad nya...sa tingin nya ay luma na ang building iyon, sa likod non ay may malawak na ground kung saan malaya silang maipaharurot ang mga sasakyan nila...marami ata ang sasali ngayong gabi...
Agad na nyang hinanap sina Mitch at ang iba pa nyang barkada..agad naman nyang nakita ang mga ito kaya tinungo na nya ang mga ito...pero nagtaka sya kung bakit sumubra ata sila ng isa...may kasama ang mga ito at halatang masaya silang nag uusap...pero bakit parang pamilyar sa kanya ang kasama ng mga ito basi na rin sa pagkakatindig nito...
"Hey guys.."tawag pansin nya sa mga ito ng tuluyan na syang nakalapit ...halos sabay pa ang mga ito na bumaling sa kanya..
"O Zell..good your here .."agad syang inakbayan ni Mitch ng makita na sya ng mga ito.....isa isa rin syang binati nina Kino at ang iba pa....maliban nalang sa isa...nakangisi ngayon ito sa kanya pero halatang nakakaluko ang uri ng ngiti nito...mas lalo tuloy'ng uminit ang ulo nya dahil sa ngisi nito...
"Kyle.."mariin pero mahina ang pagkaka sambit nya sa pangalan nito..
"Hello to you too, Razel. "Anito sa mapang asar na boses...
Tsk..magiging maganda ata ang takbo ng gabing ito.....
____________________________________♥
Sorry 4 the suuuuuupeeeer duuuuupeeeeer late update...
Hope u like 8...mwaaaaaaah♥😘