♥5

38 5 0
                                    


          Nagpupuyos sa galit si Ace dahil sa walanghiyang lalaking iyon...ang kapal ng mukha para sabihin sa kanya na laruan na raw sya nito simula ngayong araw nato..tssk..😡

           "Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo don , Ace??!!.."Galit na tanong sa kanya ni Jasper..

           "Ano..?!"galit na tanong nya rito..."wag mong sabihin na ako pa ang may kasalanan sa nangyari.."pagpapatuloy nya..parang sya pa ata ang may kasalanan...

          "Hindi sa ganun, ok...nag aalala lang ako sayu...hindi mo ba alam kung sino ang lalaking yon at ano ang koneksyon nya sa may ari ng academy nato..?"...

          "Hindi!!!...wala akong paki alam kung sino sya at mas lalong wala akong paki alam kung ka ano ano nya ang may ari ng skwelahang ito...bwisit sya...ugh..!!.."

           "Ok ok.."anito sa mababang boses na...itinaas pa nito ang dalawang kamay tanda na suko na ito sa kanya.."relax ka lang...wag mo nalang yong pansinin.."anito saka hinawakan sya sa kamay at kinaladkad na papunta sa room nya...

...................♥

           Kinabukasan..medyo na late sa pagpasok si Ace..hindi naman talaga late pero hindi tulad ng nakasanayan nyang pasok dati na wala pang masyadong istudyante pagdumating sya...ngayon, marami rami na ang nagsisidatingan...

         Ewan nya ba..pero hindi sya agad dinalaw ng antok kagabi..para kasi syang kinakabahan na ewan..may pakiramdam syang may mangyayarong hindi maganda ngayong araw...haaaaaist...

         Naglakad na sya patungo sa room niya..pero nahalata nyang naka tutok ang mga mata ng ibang mga istudyante roon sa kanya..hmmm..siguro dahil sa nangyari ng nakaraang araw..malas talaga kasi ang lalaking yon....

          Ng makarating sa room nya ay mangilan ngilan palang ang mga kaklase nya na nandoon..agad na syang tumungo sa upuan nya na nasa pinakadulo at malapit sa gilid ng bintana....

         Habang nakatanaw lang sa may bintana..hindi nya naramdaman ang paglapit ng isa sa mga kaklase nyang babae...

             "Ehrrhm.."tumikhim muna ito para kunin ang atensyon nya..tumingala naman sya rito...nakatayo ito sa harap nya..

             "Hm??.."aniya..

             "Ahm..ehrrhm..a-ano.."anong problema nito at pautal utal kung magsalita ito...

             "Sige,,kaya mo yan.."panghihikayat nya rito..

              "A-ano kas-si..d-diba ikaw yong a-alila ni Razel ??..pwede mo bang ibigay ito s-sa kanya??.."nakatanga lang sya rito habang inaabot nito ang ginawang sulat nito para ata sa impokritong lalaking iyon..nakalagay pa sa kulay pink na sobre..

             "Gusto mo bang lumipad mula sa bintanang yan??.."tanong nya rito sa mahinang boses pero halatang nag iigtingan na ang ngipin nya dahil sa pinipigilang galit...

             "A-ah..h-hindi..s-sige ha...mauna na nako..kalimutan mo nalang ang sinabi ko..."anito at saka nagmadali ng nag lakad pabalik sa upuan nito..

           Hindi nya alam ang buong pangalan nito kahit magkaklase sila..wala naman kasi syang paki alam sa mga ito..walang syang oras para makipag plastikan sa mga ito...nakakabadtrip.......😡😡

          Maya maya lang ay dumating na ang teacher nila para sa first subject nilang ng umagang yon...binuklat buklat muna ng teacher nila sa English na si Mr. Santos ang dalang libro nito saka inilibot ang tingin sa kanilang lahat..

             "Good morning c-.."naputol ang sasabihin sana nito ng dumako ang tingin nito sa kanya..tinignan nya lang din ito..

            "Miss Alcantara..pumunta ka muna sa Principals office..excuse ka muna sa klase ko ngayon.."anito..

            "Bakit daw po?.."tanong nya rito habang naka upo pa rin..

            "The principal wants to talk to you.."simpleng sagot nito..nagtataka man ay tumayo na sya sabay hablot ng bag nya at lumabas ng room nila...

          Narinig nya pang nagbubulong bulungan ang iba nyang mga kaklase..napailing na lamang sya...

            Ng makarating sa Prinsipals office ay kumatok agad sya..

           "Come in.."rinig nyang sabi ng boses babae mula sa loob ng opisina..binuksan nya ang pintuan saka pumasok na..pagkapasok nya ay agad nyang tinanong ang prinsipal..ganun lang talaga sya minsan..walang respeto..

            "Pinapatawag nyo raw ako.."aniya ng nasa harap na sya nito..Isang babae ang prinsipal sa skwelahan nila..medyo may katangkaran ito at maputi ang balat..kahit naka salamin ito at medyo may edad na ay halata pa rin ang ganda nito...

              "Upo ka..."imbis na sagutin ang tanong nya ay inilahad nito ang upuan paharap rito..."kaya pinatawag kita rito Ms. Alcantara ay dahil sa kinasasangkutan mong away kahapon sa loob ng Canteen.."anito ng maka upo na sya..kumunot naman ang noo nya dahil sa sinabi nito..

           "Teka lang naman po Ma'am..sa pagkaka alam ko hindi ako ang nag simula ng away na yu-.."

           "Kahit na..hindi mo nalang sana pinatulan iyon.."putol nito sa mga sasabihin pa nya sana...natawa naman sya ng pagak dahil sa tinuran nito..

            "Huh..so anong gusto nyong gawin ko??..hayaan nalang na ganunin lang ako ng impokritong lalaking yon at sabihin sa lahat na simula sa araw na yon ay magiging laruan nya 'ko...wow..ang swerte naman ata nya..."sabi nya rito na pinipigilan lang ang mapasigaw....halata namang nagulat ito sa sinabi nya...

            "Ok Miss Alcantara..i understand what you feel..and i am hoping that this would be the last, because if this will happen again..hindi ako magdadalawang isip na kick out ka dito sa Academy...and dont worry, kakausapin ko rin yong studyanteng naka away mo....you may go now.."anito sa kalmadong boses...ayos rin ang prinsipal nato...

         Tumango lang sya rito at tumayo na..ng malapit na sya sa may pintuan ay nag salita ito ulit..

         "Remember..last warning mo na to..."tiningnan nya lang ito at lumabas na ng opisina....napabuga nalang sya ng hangin...sinasabi na nga ba nyang may hindi talaga magandang mangyayari eh..

        
         Alam nyang magtatagpo rin ang landas nila ng lalaking yon..kaya kahit gusto nyang sapakin ito ay gagawin nya ang lahat para lang iwasan ito...

      Sana lang ay humaba ang pasensya nya....tssssssk....


_________________♥

     Annyeong felas....hope u like this new UD...
       Vote and comment??..kaw bahala...

Saranghae mwaaaah♥♥♥😘😘

Can't HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon