♥10

26 3 0
                                    

    -Monday-

      Meron talagang napapansin si Ace sa mga pinag gagawa ni Zell sa kanya..hindi nga naman sya inaalila nito, pero parang isinasama lang sya nito para may makasama itong kumain, mag review, kahit ang tumambay pa nga....kung siguro, sya ang mga barkada nito, matagal na nya itong binatukan..para tuloy'ng binabale wala na nito ang barkada nito....tulad ngayon...

            "Hoy, lalaki....noong nakaraan ko pa napapansin..wala ka nga namang iniutos sakin..pero parang ginagawa mo naman akong bodyguard mo kakabantay sayo sa pagkain.."aniya rito...nahinto naman ito sa pagkain saka kunot nuong tumitig sa kanya....bored lang din syang tumingin rito..

            "Pwede ba, kumain kana lang dyan at wag kanang maraming reklamo...ubusin mo na yan.."striktong sabi nito at saka bahagyang inusog palapit sa kanya ang may lamang pagkain na pinggan....wala na syang nagawa ulit at sinunod nalang ang utos nito...

         Habang kumakain ay biglang nahagip ng paningin nya si Jasper..kakapasok lang nito sa loob ng Canteen kaya agad syang tumayo...pero bago pa sya maka alis ay naramdaman nalang nyang may humahawak na ng mahigpit sa may pulsuhan nya...si Zell iyon..naka kunot na naman ang nuo nito...

           "San ka pupunta??.."pero kahit nagtatanong ito ay nakita nyang  tumingin ito sa direksyon ni jasper...

           "sandali lang ako.."sabi nya rito..pero bigla lang sya nitong hinila paupo ulit....

           "Sinabing sandali lang ako.."inis na sabi nya rito..ang kulit din talaga ng lalaking to..

           "Aalis ka lang pag sinabi ko .."walang ganang sabi nito...Tinignan nya lang ito ng masama saka kumain ulit saka tinignan nalang ang kaibigan nya na naka upo na ngayon ng mag isa..halatang may malalim itong iniisip...parang lutang din ito ngayon....

           "Tss.."napa tingin naman sya kay Zell dahil sa ginawa nito..kaya napatigil na rin sya sa pagkain...nabigla naman sya sa ginawa nito..akalain ba namang inusog nito ang sariling upuan paharap sa kanya kaya hindi na nya makita ang kaibigan sa kinaroroonan nito dahil nakaharang ang abnormal na lalaking to..

            "Ano ba yang ginagawa mo??.."sita nya rito..

            "Naka tingin ka kasi sa kung saan saan...tss.."anito..ang gulo talaga ng lalaking to..bigla naman tumunog ang bell..kaya tumayo na sya para pumasok na....

          "Wag ka nalang kayang pumasok ngayon.."napatingin naman sya sa sinabi Zell....

           "Para mapa galitan ako ??.."hindi talaga nag iisip ang lalaking to...

            "fine...pero mamayang hapon..hihintayin kita ."anito...kahit ayaw nyang tignan..pero alam nyang kanina pa nakatingin sa kanila ang mga tao roon..bahala sila...

            "Bakit?.."

            "Sasamhan mo ko.."haay..lagi namang yon ang rason nito...

            "Bahala ka.."sabi nya saka tinalikuran na nya ito....hindi na nya nakita ang pag simangot ng binata...

-------------------------♥

         "Class dissmiss.."anang teacher nina Ace sa huling klase nila ng hapong yon...nag si-alisan na rin ang mga kaklase nya...

       Parang ayaw nya tuloy'ng lumabas dahil alam nyang nandyan na naman sa labas si Zell...panira talaga ng araw ang lalaking yon..may balak pa naman syang puntahan ang kaibigan..kakamustahin nya lang si jasper dahil parang may malaki talaga itong problema....

Can't HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon