"Guys, wala si sir pero andyan si ma'am!"
yeah lagi naman eh, since busy si sir ang student teacher ang nagaasikaso samin. Pinapagawa kami ng scene from the book and we need to portray it just by mannequin challenge! Ako pa naman ang leader ng group namin. Hopefully madali lang to.
"Class, Dismiss."
Sabi ni ma'am at nakisabay na kami sa mga school mates na naglalakad palabas ng campus.
"Uy Sam! Sali ka sa naman samin may dance crew kasi kami and need pa ng mga members! Sama mo din si Cally." aya sakin ni Rein.
Huh? Kakayanin ko ba sa dami ng ginagawa sa school.
"I'll think about it Rein ha? Kasi masyadong maraming ginagawa sa school eh."
"Ok! Basta if you'd made your decision tell me ha? Sa summer pa naman ito."
Tumango ako kay Rein bilang tugon at ganun rin sya. Tumakbo na sya sa mga kaibigan nya at naglakad naman ako papunta kay Cally na kain nang kain.
"Uy! Nakita ko kayong naguusap ni Rein ah? Ano sabi?"
yeah kahit kailan talaga ang daldal.
"Sali daw tayo sa dance crew nila eh." sabi ko sakanya at bigla syang tumingin sakin nang nakangiti.
"Oh sure why not!"
Haaaaays! My bed feels so comfyyyy! Buti nalang at may jeep agad na dumaan kaya maaga akong nakauwi. Agad kong binuksan ang laptop ko and nagsitunugan ang mga messages na pumapasok. Parang may nag-aaway sa group chat kaya binuksan ko agad ito.
Johnny:
Bakla ako, pero bakit kailangan ginaganun ako?Huh? Anong nangyayari at nagdadrama to?
Elisse:
I know right.Triny kong magback read at tama ako dahil nakita ko doon. Na ang main choreographer pala ng dance crew ang nangapi kay Johnny. Sinabihan daw sya nitong bading kaya huwag nalang sumali.
Nakakakulo naman talaga ng dugo ang panglalait nya. Hindi na talaga ko sasali sa crew nila! Di nya ba alam ang salitang equality? ha? Equal rights dapat for any gender!
Message to: Rein
Di ko ata kakayanin.
Sinarado ko na ang laptop ko. Hindi ko inaasahan na ang choreo na yan ang mangaapi kay J *Johnny's nickname* we never judged him by his gender. Kahit na minsan nacucurious kami at tinatanong namin sya pero hindi dumating sa point na mamaliitin namin sya.
He's always been loud and proud that he's queer. Just like Kenneth. Those two were proud of themselves. Hindi nila ito kinahiya. Hindi nila itinatago ang mga kasarian nila.
And for a person like that choreographer? Wala siyang karapatan sabihan si J ng ganun!
Nakakairita talaga yan. Baka naman siya ang bading kaya ganun?
Hindi ko na nga poproblemahin yan.
Binuksan ko nalang ulit ang laptop para manood ng K-drama na Legend of the Blue Sea.
KYAAAAAAAH! Ampogi talafa ni Min Ho Oppa! I'm a mermaid and his my con-artist. UWAAAHHH! Bagay kaya kami. Pero syempre loyal ako kay Harry Styles.
*Message!* (poor sfx HAHA)
Rein:
u sure? punta ka nalang sa studio tomorrow if ever na magbago ang isip mo.
Me:
seriously? sa studio natin? >.<
Rein:
yup. hehe sorry di kami nakapagpaalam sayo hehe. Okay lang naman diba?
I rolled my eyes as I continued to type.
Me:
As if may magagawa ako.
Istorbo talaga! Kitang may pinapanood ako eh. At talagang sa dance studio talaga namin ah? Meron kasi kaming dance studio.
Joke. Hindi siya studio actually manggahan ang tawag namin dun. Sa tapat siya ng bahay nila ate Jo. May isa kasing malaking puno doon at presko ang hangin. Doon kami nagkikita if ever may gagawin kami as a group or kung trip lang namin.Kaya wala talaga kaming studio tambayan lang hehe.