Hah! He's playing me? Well, maybe he doesn't know... I also play games.
Message to Superman Moto:
yes naman baby :)) thanks sa concern! x
I play games at alam yan ng mga kaklase ko. Marami akong crush at isa isa sila ay kinakausap ko. Kapag hindi gumana sa isa, edi sa isa naman. Actually, kakagaling ko lang sa isang serious i-don't-know-relationship. Naguusap kami pero hindi nagpapansinan sa personal. Pero ngayon tinuon ko nalang ang pansin ko sa studies and dancing and syempre sa iba kong crush.
Nagsimula yun dahil sa inaasar asar ko siya. Hanggang sa natotohanan na nga. Pero halos isang buwan niya rin akong hindi pinansin. Pinagbigyan ko siya, kinukulit ko, laging tinatanong kung bakit hindi niya ko pinapansin dahil dati okay lang naman kami. Pero ngayong pangalawang beses na tss bahala na siya sa buhay niya. I'm sick of his dramas. Much better if focus on my studies lalo na last grading na.
Then dumating naman 'tong si Superman. Siya na mismo ang nagsabi na wag ipagkalat dahil biruan lang naman. Siya rin pala ang hindi tutupad. I hate those kinds.
Our game starts as the dance competition does. Well, might end when the competition will.
*next day*
4 days nalang pala, competition na. Buo naman na namin yung sayaw mas pinapalakas lang at pinapasabay-sabay. Lahat sila alam na ang something pero good thing hindi nila tinotolerate at pinaguusapan pa nila and i kinda feel sad.
Ngayon, sa bahay kami magtatahi ng costume namin. Tipid kasi kami and public school po! kaya ginagawa ang lahat para hindi gumastos ng malaki. Nauna na kami sa guest room at sila J, Paul, at Tim ay bumili ng patch na itatahi namin sa green na shirt serves as our top. Sila nalang ang bumili at hindi na kami sumama dahil umuulan. Nakasarado ang pinto at habang hinihintay namin sila ay nag spin the bottle muna kami.
Nakakatuwa dahil lumalabas nanaman ang pagkaweirdo namin. Si Justin ay nakasuot ng shades at hawak ang isang manibelang laruan at gumagawa ng tunog ng sasakyan gamit ang boses niya. Lahat kami ay tawang-tawa.
Saglit na nagkatuwaan kami nang may kumatok pero hindi namin pinagbuksan. Dahil bawal makalabas ang sikreto pero nung nagsimula na kami magtahi ay lahat kami nasa kwarto na. Medyo nagtatampo yata ang mga hindi nakapasok kanina.
Alas kuwatro nang matapos kami at ang iba ay nauwi na. Sina Tim, Rein, Lily, Mira, Marcus, Dom at Kenneth nalang ang naririto at naguusap usap parin.
"Oh! Balita ko yung iba diyan may crush sa isa dyan ah? Kwento na!" Pagpaparinig ni Lily. Nakuuuu! Ang isang 'to talaga. Lahat sila ay ears at eyes on Tim at ako ay pasulyap sulyap lang.
"Oo, crush talaga kita Sam. Kaso ayaw mo maniwala. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para paniwalaan mo ko pero crush talaga kita."
Bruh, I heard that shit already. Wala bang bago?
"Pero Sam, alam naman natin na wala akong balak manligaw. Kasi may girlfriend ako."
Yeah. May girlfriend ka pero nagawa mo pang maglandi sa iba? So unfaithful! Nasisira lang image mo samin. It's not that na bawal na magkacrush sa iba. For Pete's sake! He's flirting with me. And too bad, I'm tolerating him for the game we both play.