3rd

16 1 1
                                    

SATURDAY 6:00 AM

PUCHA ANG AGA AGA NAMAN NG PRACTICE SA DANCE CREW KRU! KOTONGAN KO KAYA SI TIMOTHY MUKHANG UNGGOY NA CHOREO NILA? ESTE NAMIN NA PALAAAAAA!

Buti nalang may pagkain na. At maaga nagluto ang kapatid kong si Lens

"Lens, ang aga mo ata?"

Napalingon sya mula sa sink at papunta sa counter.

"Ah yes. May band practice kami. Di ka pa ba sanay? Gantong oras naman talaga ako nagigising para sa practice. Ikaw ang nakapagtataka. Batugan ka matulog pero ang aga mo ata ngayon."

Ang daldal talaga. Di ko alam kung kanino nagmana.

"Sumali ako sa Dance Crew."

Tumango-tango siya. "Ah sasali kayo sa Dance Competition?"

"Probably? But hawak kasi ng school ang crew namin. Kakarecruit lang nila samin. Magkakahiwalay lang ng crew ang bawat grade levels."

"Ah. Sige una na ko. ido-double check ko lang ang studio dahil dito kami magpapractice."

Nanlaki ang mata ko at bigla niya kong tinalikuran nang tumatawa-tawa.

Trip niya talaga akong asarin dahil ang vocalist nila na si Benedict ay ang ultimate crush ko since first year high school at never pa kaming nagkausap.

"Okay guys doon tayo sa centennial magpapractice." sabi ni Tim.

Dahil hindi masyadong open area ang manggahan at kalsada roon ag maraming dumadaan na sasakyan.

"Pucha nakakapagod magjogging nahuhuli na tayo." Sabi ni Angel.

Si Calli, ako, si Angel, at si Kenneth.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan sa isa't-isa ang tinakbo ang shortcut.

Nang marating ang upuan namin ay wala pa ang iba naming kasama. Naroon lang ay sj Justin, Tim at si Paul.

Maya-maya ay dumating na sila. Si Danica, Dominic, Jane, Rein, Kim, Mira, at si Marcus.

"Nauna pa kami sainyo, naglaro pa kasi kayo eh!"

Lahat sila nagtawanan at ang mga nahuling dumating ay dinidipensahan ang sarili nila.

"Weh! Shortcut kasi kayo eh."
"Laro moto."

"Si Kim nga nagsi-swing habang nakatayo tapos si Dom at Dan nagseesaw!"

Muli nanamang tumawa ang lahat. Ang sarap sa loob na tumatawa sila sa joke mo. Hindi nababali-wala. Feelings ko nga kahit sinabi kong joke lang nabaliwala parin eh. Haha hugot!

"Mga bata, asan ang inyong permit?"

pucha sabi na eepal ang matandang ito. No choice kundi umalis kahit na pinakiusapan na namin. Kaya't tumuloy kami sa court ng isang subdivision.

Nagsimula na kaming mag-stretching at ang sakit nya sa buto bessy pero ang saraaaap sa pakiramdam! Tinuruan narin kami ng ilang steps. Sa katunayan, madalas water break lang at biruan saglit pero strikto nga talaga si Tim pero palabiro at nakikuhalo-bilo samin. Kaya naman nang matapos ang practice ay umuwi na agad ako.

Naligo agad ako para fresh na. Napunta ako sa kusina dahil may naaamoy akong mabangong ulam!

"Oh Samantha Iris, mabuti at narito ka na paki hatid naman ito sa studio dahil nandun ang mga kabanda ni Lens Aldous."

ay wow talaga si Manang, buong name talaga?

Kyaaaaahhhh! Hahatiran ko ng pagkain sila Benedict hihi. kilig.
Si Benedict ay kaklase ng bestfriend kong si Hazel kaya lang hindi naman sila close.

Inhale, exhale, katok!

Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sakin si Zoe. ang crush ni Hazel.

"Yoooow erp! Long time no see. San ka galing? Kadarating mo lang ba?"

Hays, kahit kailan talaga armalite ng tanong 'tong si Zoe.

"From Dance Practice. Oo kadarating ko lang kaya kuhain mo na tong hawak ko nang makapagpahinga na ko madaldal kong pare."

Pero sinarado nya lang ang pinto ng makapasok ako at agad na naupo sa upuan. Pucha, oo bastos talaga siya pero sakin lang nakakainis!

Kinuha naman ni Ekis ang dala ko at nilapag sa lamesa nila.

Si Ekis– ang writer sa banda at minsan pianist kapag kailangan ng piano sa tugtog. Real name nya ay Cross pero mas prefer nyang tawagin namin siyang Ekis pero kami lang na kaclose niya. Medyo cold ang aura niya pero gentleman. Mas cold parin si Benedict.

Nakapasok na ko sa studio nila pero nakatingin lang sakin si Benedict habang nakaupo siya. Nahihiyang nilapag ko ang tray at agad nang umalis rinig ko pa ang kaunting tawa ni Lens. Bwisit!

Matapos kong kumain at magayos ng sarili ay nahiga na ko sa malambot kong kama at binuksan ang facebook

1 friend request: Superman Moto

Really? Binigyan tayo ng decent name ng parents natin tapos ganyan ang name natin sa facebook? Really? Pucha!

1 message received from Superman Moto:

Hey baby, add mo ko sa gc ng Dance Crew natin. btw, this is Tim :))

Oh, okay. Tim ha?! Ayan ma-add ka na sa gc para di mo na ko mamessage ulit at matawag-tawag na baby.

Akala mo naman kagwapuhan eh mukha namang tsonggo! Yak!

Niremove niya ang real account niya sa group chat namin at sinabing doon nalang daw siya imessage sa Superman Moto at hindi na sa real account niya.

1 message received from Superman Moto:

Thanks baby, reply ka naman.

Message to Superman Moto:

Baby Moto! Wag magpaka-play boy di bagay sa unggoy.

Superman Moto:

Hey why so serious baby? Loko lang naman. If u want totohanin na natin?

EW!!! I better sleep na wala siyang kwentang kausap. Mabuti at wala kaming practice tomorrow.

I SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon