8th

10 0 0
                                    

Ang ganda pagmasdan ng mga bituin sa ulap. Lalo na ang napakalaking buwan na pinanggagalingan ng liwanag. Sila ang mga nagpapadilim sa mga ulap na madilim at mistulang malungkot dahil sa kulay nito.

Parang katabi ko.

"Ayoko kitang pakawalan Sam. Ayoko!"

"You should Tim. Don't be selfish!"

Napaangat siya ng tingin. Mula sa mga bato paakyat sa mukha ko.

"Ako madamot? Kailan Samantha? Kailan!"

"Tangina Tim!! Salamat! Salamat kasi pag wala akong pagkain, pinapakain mo ko. Pag may masakit sakin nandiyan ka. Pag wala kong kasama, sinasamahan mo ko. Pag malungkot ako, pinapatawa mo ko. Pero Tim... Pagod na ko. Kasi hindi mo alam nasasakal ako!" Tingin ko sakaniya.

Naririnig kong narinig ng mga tao sa loob ang usapan namin ni Tim pero mas minabuti nilang hayaan kami.

"Nasasakal na ko. Binigay ko ang access sayo sa account ko para sana malaman mo ang buhay ko kung wala ka. Para malaman mong malaya kong nagagawa ang gusto ko! Pero Tim, iba eh! Iba ang nangyari. Pinagbawalan mo ko! Pinagbawalan mo kon kausapin yung mga lalaking kaibigan ko! Pero Tim!–"

pucha pinutol ako?

"Bakit hindi mo sinabi Sam ha? Bakit?!" this time, hindi na siya nakatingin sakin kundi sa kaliwa niya na.

Nakakapagod. Nakakapagod mag-explain sa taong sarado ang isip. Walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili.

"Alam mo? Ang tagal ko ding hinintay tong pagkakataon na to! Para makawala na ko sayo!" Kasi napaka unprofessional kung magaaway tayo habang may tinatapos pa tayong sayaw! Ni minsan ba naisip mo yun ha? Naisip mo ba na gusto ko rin ng totoong taong kaya akong piliin? Kasi Tim, putangina may shota ka na! Wag mo na kong ipilit sayo kasi bitch! masakit na!"

Ang sarap sa pakiramdam na nasabi mo na lahat. Lahat ng hinanakit. Lahat ng galit.

Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako sa may swing. Sumunod naman ako.

"Sorry." sabay naming bigkas.

"Sorry if I burst out my words in that way. May pagka squatter kasi tong bibig ko minsan." inunahan ko na ang sorry.

"Sorry, sorry if I turned out that man sa tingin mo. Nasasakal na pala kita."

Pareho kaming nakatingin sa kawalan.

"Pero Sam, I really wanted to keep you mine."

Napangisi naman ako dun. "Timothy I was never really yours. I was mine in the first place."

"I could break her if that's what it takes to you become mine." parang nabuhayan siya ng loob.

"You could but you won't Tim. Can you do me last favor? I want you to forget what we had and choose her. We can be friends in exchange." I told him and left.

And now, I am alone again. Nothing's really new.

I SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon