Chapter 10

4.2K 113 15
                                    

"LET'S get married." 

Natigilan si Queenie sa gagawin sanang pagkalas ng suot na seatbelt. Paghinto na paghinto kasi ng kotse na minamaneho ni Francis sa tapat ng bahay niya ay bigla itong nagsalita.

"Ano?" gulat niyang tanong.

"I said, let's get married," ulit nito. 

Hindi pala siya nagkamali ng dinig. He is really asking her to marry him.

"Magpakasal? Tayong dalawa? Bakit? Dahil ba doon kay Sofie? Tama ang lahat ng sinabi niya 'no? Mahal mo pa rin siya at ginagamit mo lang ako para pagselosin siya. Dinala mo ako sa party na 'yon at pinaniwala mo siyang girlfriend mo ako para magselos siya. At hindi ka pa nakuntento. Ngayon, gusto mong magpakasal tayo. Para ano, para mas lalo siyang masaktan? Gano'n ba Francis?" mariing wika niya. 

"Nagkakamali ka, hindi kita inupahan bilang fake girlfriend at dinala sa party na 'yon dahil kay Sofie. Sa totoo lang, nagulat din ako dahil hindi ko alam na pupunta rin siya roon. I made that set up because of my Dad. Dahil balak niyang i-arrange ako ng kasal sa anak ng kaibigan niya at i-announce ang engagement namin sa party. Bringing you there as my girlfriend is the only way to stop him," paliwanag nito.

"Eh, bakit niyayaya mo akong magpakasal?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre dahil mahal kita."

Napikon si Queenie kaya binakutan niya si Francis. Napa-aray ito sa lakas ng ginawa niyang pagbatok.

"Eto ba namang tanda kong ito ay lolokohin mo pa ako," nasusuyang sambit niya.

"Queenie, hindi ka pa matanda. Thirty five ka pa lang 'di ba?" pambobola nito habang todo ngiti.

Matutuwa sana siya pero huwag na lang. "Puwede ba, huwag mo nga akong bolahin. Hindi mo ako madadala sa mga ganyang ngiti mo. Ang mabuti pa ay ibigay mo na sa akin ang bayad sa serbisyo ko para makababa na 'ko."

"Isang taon lang. Pagkatapos ng isang taon ay maghihiwalay din tayo," sa halip ay sinabi ni Francis. Kung kanina ay mukha itong nagbibiro, ngayon ay seryoso na itong nakikipag-usap. "Aaminin ko na sa'yo ang totoo, gusto kitang pakasalan para pasakitan si Sofie dahil sinaktan niya rin ako noon no'ng iwan niya 'ko. Bukod doon ay gusto ko ring ipamukha sa magaling kong ama na hindi siya ang pipili ng babaeng pakakasalan ko kundi ako. Nagdusa ako dahil sa kanilang dalawa at kung ang pagpapakasal ko sa'yo ang magiging paraan upang makaganti sa kanila, gagawin ko."

"Francis, sagrado ang pagpapakasal. Nagpapakasal ang tao dahil sa pag-ibig at hindi upang makapaghiganti. Kalimutan mo na 'yang kabaliwang iniisip mo," seryoso rin niyang sinabi. 

"Hindi sa minamaliit kita pero mukhang problemado ka sa pera. Hindi mo naman tatanggapin ang trabahong ito kung hindi e. Kung papayag ka sa gusto kong mangyari, kung magpapakasal ka sa akin ay hindi mo na kailanman magiging problema ang pera. Habang kasal tayo ay bibigyan kita ng monthly allowance. You can stay at home and do whatever you want. You don't have to work dahil buwan-buwan ay may matatanggap kang suweldo. May anak ka ba? Kung meron, sasagutin ko ang pag-aaral niya hanggang college or kahit mag-doctorate pa siya. After one year, kapag naghiwalay na tayo ay marami kang benefits na matatanggap. Bibigyan kita ng bahay, sasakyan at sarili mong negosyo. Hindi ka na lugi do'n. At higit sa lahat, kapag nagpakasal ka sa akin ay kaiinggitan ka ng lahat. Biruin mo, isang Francis Fontanilla ang magiging asawa mo? Daig mo pa ang nanalo sa lotto niyan." 

Ayaw mang aminin ni Queenie pero may point lalo na ang huling sinabi sa kaniya ng binata. Sa dami ba naman ng babaeng naghahabol kay Francis ay tiyak na kaiinggitan nga ang sinomang babaeng pakakasalan nito.

"Pasensya ka na Francis, pero hindi pa rin ako papayag," giit niya. Sa huli ay walang nagawa ang binata kundi ang ibigay sa kaniya ang bayad sa ginawa niyang serbisyo. "Salamat," aniya at bubuksan na sana ang pinto ng kotse nang magpahabol pa ito ng salita. 

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon