Chapter 4

12.9K 294 5
                                    

ISANG panibagong araw na naman para si Queenie ay maghanap ng trabaho.  Nakakalungkot lang dahil marami na siyang napuntahang mga kompanya at napasahan ng resume online pero wala pa ring employer ang gustong tumanggap sa kaniya.  Mabuti na lang at may best friend siyang nakahandang manlibre sa kaniya ng lunch.

"Wala ka pa rin bang makuha na trabaho?  Gusto mo na lang bang um-extra sa boutique ko?" tanong ni Elsa habang kumakain sila ng tanghalian sa isang restaurant.  

"Huwag na, friend.  Alam ko naman na wala nang bakante sa boutique mo, eh.  Ayoko namang agawan ng trabaho ang mga staff mo at baka magalit sila sa akin," sagot niya saka sumubo ng pagkain.  "Salamat nga pala at nilibre mo ako ng lunch.  Babawi ako, once magka-trabaho na 'ko.  Promise 'yan friend."

Tapos na silang kumain at bago lumabas ay nag-paalam siya sa kaibigan na pupunta muna sa CR.  Pabalik na siya ng madaanan ang lamesa ng isang lalaki at isang babae.  Napahinto siya sa tapat ng lamesang iyon dahil namukhaan niya 'yong guy.  

Aba, si playboy 'to ah.  At mukhang may bago na namang biktima.  Kawawa naman ang babaeng ito, kailangan ko siyang iligtas, sabi ng isip niya habang nakatingin kay Francis na abalang umiinom ng tubig.  Nang mapatingin ito sa kaniya ay bigla itong nahirinan.

"Babe, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng babaeng kasama ng binata.  Kunot ang noo nitong tiningnan si Queenie na nakatayo pa rin sa tapat nila.  "Ano 'yon, Miss  May kailangan po kayo?"

"Yes, may kailangan akong sabihin sa'yo."  Inirapan muna ni Queenie ang nakangiwing si Francis bago magpatuloy.  "Miss, kung ako sa'yo ay iiwasan ko ang lalaking 'yan.  Dahil ipapaputol ko ang lahat ng daliri ko sa kamay at paa, hindi lang ikaw ang babae niyan.  Hay, nako maniwala ka sa akin."

"What?" gulat na sambit ni girl. 

Tumayo ang playboy at hinawakan nito ang braso niya.  "Hey! What do you think you're doing?" anito at muling humarap sa ka-date.  "Babe, don't listen to her.  She's a lunatic."

"Kung lunatic ako, anong tawag sa'yo?  Isang walang kuwentang lalaki na pinagsasabay-sabay ang mga inosenteng babae?  Ano na nga ba 'yong pangalan no'ng isa?  Si Marj at 'yong isa naman ay si Claudine."  Imbento lang niya ang huling pangalan na binanggit.  "Nasampal ka na ng dalawang beses, mukhang hindi ka pa rin natuto."

Alam niyang labas na siya doon kahit isang milyong babae pa ang pagsabay-sabayin ni Playboy.  Kaya lang, bilang isa ring babae ay hindi talaga ma-take ng puso, isip at kaluluwa niya na manahimik na lang.

Maya-maya pa ay nag-alsabalutan na si girl at tumayo upang umalis.

"Babe," pagpigil dito ni Francis ngunit sa halip na magpapigil ay nanampal ito.

Yes! Naglulundag sa tuwa si Queenie sa kaniyang imagination ng mapanood ang sampalan scene na iyon.

"Ang akala ko, chismis lang at panay paninira ang lahat ng naririnig ko tungkol sa'yo.  Pero mukhang totoo ang lahat.  I'm sorry, Francis but I'm breaking up with you.  Don't ever call me again," broken hearted sa sambit ni girl saka tuluyang lumabas ng resto.  Nagkumahog naman na humabol dito si Francis.

---

NAKASAKAY agad ng taxi si Karen kaya hindi na ito nahabol ni Francis.  Napamura na lang siya sa galit.  Kasalanan na naman ito ng Manang na 'yon.  Nakakainis!

Gusto niyang awayin si Queenie kaya nag-abang siya sa paglabas nito sa restaurant.  Nang mamataan niya itong palabas kasama si Elsa ay agad niya itong nilapitan.

"Hoy!" Galit na sigaw niya habang sumusugod.  "Ikaw, ano bang problema mo, ha? Tatlo...  Tatlong girlfriend ko na ang nakipag-break sa akin dahil sa'yo, alam mo ba 'yon."

"Wow ha.  At proud ka pa talaga diyan sa mga kalokohan mo," matapang na sagot nito.  "Bagay lang talaga na hiwalayan ka, dahil isa kang playboy!  Kayong mga lalaki, diyan kayo magaling, eh.  Sa panloloko ng mga babae!"

"Niloko ka siguro ng partner mo kaya ka nagkakaganyan?" tanong ni Francis dahilan upang matigilan ang nagmamatapang na Manang.  "Ano, tama ako 'no?  Galit ka sa mga lalaking nanloloko ng mga babae dahil naranasan mo ma rin ang maloko.  Let me guess, nagkaroon ng ibang babae ang partner mo at ipinagpalit ka sa iba.  Well, hindi na ako nagtataka na ipagpalit ka.  Bukod sa may edad ka at hindi maganda at hindi rin sexy, napaka-pakielamera mo pa!  Pati mga bagay na wala ka dapat pakialam ay pinanghihimasukan mo.  Bagay lang talaga na hiwalayan ka, Manang!"

Hindi ugali ni Francis ang makipagsagutan sa isang babae.  Kaya lang, bilang nawalan ng tatlong girlfriend ay hindi talaga ma-take ng puso, isip at kaluluwa niya na manahimik na lang.

Mukhang hindi rin na take ni Queenie ang mga narinig kaya agad nitong pinakawalan ang palad upang sampalin si Francis.

"Oh, hayan ka na naman sa pakiki-sampal mo," sambit niya matapos pigilan ang sampal.  "Kung girlfriend kita papayagan kitang sampalin ako. Pero sorry ah, hindi mangyayari 'yon dahil hindi ako pumapatol sa mga Manang."

"Ano?" angil nito dahil sinabi naman niya ang salitang ayaw na ayaw nitong marinig.  "Buwisit ka talaga!  Walang hiya!"

"Bakit, totoo naman ah! Manang ka na!"  Binitiwan na niya ang kamay nito at tumalikod upang umalis.  Subalit muli siyang humarap dahil may nakalimutan siyang sabihin.  "By the way...  May request lang ako sa'yo...  Please lang, huwag na huwag na huwag na huwag ka na uli magpapakita sa'kin kahit kailan, maliwanag?"  

Habang naglalakad palayo ay naririnig niya ang malakas na boses ni Queenie.

"Buwisit ka talaga!  Huwag na huwag ka na ring magpapakita sa'kin kahit kailan!"

---

"Francis, let's get married."

Bahagyang natawa si Francis sa narinig.  "What?"

"I said let's get married," sabi uli ng  walang saplot na si Jenna na katabi niyang nakahiga sa kama

Maraming reserbang babae si Francis kaya hindi siya nauubusan.  No'ng nakipag-break sa kaniya si Karen ay tinawagan niya si Jenna at agad naman itong pumunta at sumama sa kaniya sa hotel.  At pagkatapos nga nilang paligayahin ang isa't isa sa kama ay heto ngayon si babae at niyayaya na siyang magpakasal.  Hindi niya napiguoan ang matawa.

"Hey, what's so funny?" naiinis na tanong ni Jenna.

"Sorry." aniya matapos tumigil sa pagtawa.  "Anong sabi mo, magpakasal na tayo?  Bakit tayo magpapakasal?"

"Anong bakit.  Francis, may nangyari na sa atin."

Bumangon siya bago sumagot.  "Ano naman kung may nangyari na sa atin?  Sapat na dahilan na ba 'yon para magpakasal tayo?  Ang alam ko kasi na dapat nagpapakasal ay 'yong dalawang taong nagmamahalan, eh.  Hindi naman tayo nagmamahalan 'di ba?  At huwag mong masabi-sabi sa akin na mahal ko ako dahil last week lang tayo nagkakilala.  And I know, bukod sa akin, you're also dating a celebrity.  Bakit hindi 'yon ang yayain mong magpakasal."

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nasira ang magandang mood ni Francis.  Tumayo siya at nagbihis saka nagpaalam sa babae bago umalis.

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon