Chapter 18

3.6K 95 10
                                    

ALAS otso pa lang ng umaga ay nakabihis na si Sofie dahil may balak siyang puntahan. Paglabas ng kuwarto ay nadatnan niya ang inang si Nanay Lourdes na abala sa paghahanda ng almusal.

"Magandang umaga, anak," nakangiting bati ni Nanay Lourdes. "Happy birthday."

Ngumiti rin siya saka hinalikan sa pisngi ang ina. "Thank you, Ma."

Umupo na silang pareho para mag-almusal.

"Nakabihis ka, may lakad ka ba? Birthday mo ngayon, anong gusto mong gawin. Kakain ba tayo sa labas o magluluto na lang ako ng handa mo dito sa bahay. Puwede ka ring mag-imbita ng mga kaibigan mo," sabi ng Nanay niya.

"Kumain na lang siguro tayo ng dinner sa labas, Ma, para hindi ka na mapagod sa pagluluto. May pupuntahan po ako ngayon. Tawagan ko na lang po kayo kapag pabalik na 'ko." Pagkatapos mag-agahan ay lumabas na si Sofie.  Nag-book siya ng taxi at nagpahatid sa park na madalas nilang pasyalan noon ni Francis.

Habang naroon ay hindi niya mapigilan ang magbalik tanaw sa nakaraan. Naalala pa niya na sa park na iyon sila nag-celebrate ni Francis ng unang birthday niya bilang girlfriend nito. Naglatag sila ng kumot sa damuhan at doon nila kinain ang mga dala nilang pagkain. Simpleng celebration lang 'yon pero espesyal ang sayang naramdaman niya dahil kasama niya ang lalaking minamahal.

Ngayon ay marami ng pera si Sofie, kung gugustuhin niya ay maari siyang mag-celebrate ng birthday sa isang mamahaling restaurant kung saan makakakain siya ng mga masarap na pagkain. Ngunit gawin man niya iyon ay alam niya sa sarili na hindi pa rin siya magiging masaya dahil hindi na niya kapiling si Francis.

Umupo siya sa bench matapos maglakad-lakad. Sa 'di kalayuan ay may nakita siyang magkasintahan na masayang kumakain sa ibabaw ng nakalatag na kumot sa damuhan. Maya-maya ay inilabas ng lalaki ang cake mula sa kahon at nagsindi ng kandila. Birthday din pala ng girlfriend nito. Masayang kumanta ang lalaki ng birthday song at pagkatapos ay hinipan na ng babae 'yong kandila na nasa cake, and then, he kissed her lips.

Habang pinagmamasdan ang magkasintahan ay tuloy lang ang pagtulo ng luha ni Sofie. Labis na lungkot at pagsisisi ang nararamdaman niya dahil sa tuluyang pagkawala sa kaniya ni Francis. Tuloy lang siya sa pag-iyak kahit na pinagtitinginan na siya ng mga taong dumaraan. Ito lang kasi ang alam niyang paraan para mailabas ang sakit na nararamdaman. Hindi nagtagal ay nag-decide siyang umalis na. Tumayo siya pero hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa palayo dahil sa taong bigla na lang lumitaw sa kaniyang harapan.

---

WALANG pasok sa opisina pero maagang gumising si Francis para pumunta sa lugar na taun-taon niyang pinupuntahan. Today is Sofie's twenty seventh birthday at naroon uli siya sa park na malaki ang naging papel sa relationship nila. Hindi niya maintindihan kung bakit tuwing sumasapit ang araw na ito ay tila palaging hinihila ng lugar na iyon ang mga paa niya. Masayang mga bagay ang nangyari sa lugar na 'yon pero kalungkutan ang nararamdaman niya sa tuwing pumupunta siya doon.

Lalo ngayon dahil nasa harap ni Francis ang isang magkasintahan na masayang nagpi-picnic sa damuhan. Naglabas pa ng cake 'yong lalaki at kinantahan ng birthday song ang girlfriend nito. No'ng maghalikan ang mga ito sa labi ay lalong nadurog ang puso niya. He misses Sofie so much.

Aalis na sana siya pero hindi niya nagawa ng makita ang isang babae na nakaupo sa bench. Umiiyak ng husto ang babae na para bang katapusan na ng mundo. Tumayo ito at nakita siya.

"Francis?" tawag sa kaniya ni Sofie gamit ang nanginginig na boses. Hindi sumagot si Francis at sa halip ay pinagmasdan lang ng mabuti ang mga mata nitong basa ng luha. "You're here, ibig sabihin naaalala mo kung anong araw ngayon."

Wala siyang masabi kaya tumalikod na lang siya para umalis pero hindi niya nagawa ng bigla siyang yakapin ni Sofie mula sa likod.

"Francis, alam kong galit ka pa rin sa'kin dahil sa mga nangyari. Masakit man, tatanggapin ko na lang ang katotohanang hindi na puwedeng maging tayo. Nagkamali ako ng iwan kita, patawarin mo 'ko. Pero sana paniwalaan mong wala akong ibang minahal na lalaki maliban sa'yo at mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Higit sa lahat, sana paniwalaan mong hindi ako tumanggap ng pera mula sa Daddy mo. Kahit 'yon na lang ang paniwalaan mo, okay na 'ko," paglalahad nito habang yakap-yakap siya. Ilang sandali pa ay kumalas ito sa yakap at muling nagsalita. "Thanks for coming here. Kahit paano ay gumaan ang loob ko ngayong nasabi ko sa'yo ang lahat ng gusto kong sabihin. Bilang birthday wish, ang mahihiling ko na lang ay ang maging masaya kayo ng asawa mo. Bye, Francis."

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon