Chapter 29

9.4K 204 15
                                    

ILANG minuto ng nakabalik si Queenie sa sariling kuwarto pero hindi pa rin maawat ang puso niyang mabilis na tumitibok.  Paano, hinalikan na naman kasi siya ni Francis sa labi.

Nakakainis na lang lalaking 'yon, ah.  Nawiwili na siya sa paghalik sa akin.

Umiling-iling siya at pilit na kinalimutan ang nangyari hanggang sa mabaling ang atensyon niya sa hawak na regalo.  Binuksan niya iyon at napangiti siya nang husto ng makita ang diamond bracelet.

"Aba, kasya, ah," aniya nang maisuot ang bracelet sa kanang braso.  Habang pinagmamasdan ang suot na alahas ay unti-unting napawi ang inis niya. 

Dahil may regalo ka sa'kin, patatawarin kita sa ginawa mo.

Maya-maya ay nag-ring ang cell phone niya dahil sa tawag ng best friend na si Elsa.

"Hello, friend, kumusta?  Mabuti at tumawag ka, nasaan ang birthday gift ko?  Tumatanggap ako kahit late na," hirit niya.

"Oo naman, friend.  Ikaw pa ba?  Pumunta ka sa shop bukas para maibigay ko sa'yo ang regalo mo at siyempre marami ka pang ding chika na kailangang i-kuwento sa'kin," may halong kilig na sambit nito.

Nang magkasundo sa gagawing pagkikita kinabukasan ay tinapos na niya ang tawag.  Natulog siya no'ng gabing iyon ng masaya.

---

"Ma, ang ganda po ng bracelet niyo, ah," ani Trisha habang sila ay kumakain ng breakfast. 

"Talaga, anak?  Birthday gift ito sa akin ng Tito Francis mo," tugon niya at sandaling nginitian si Francis.

"Trish, kapag may nagbigay sa'yo ng regalo, ano ang sasabihin mo?" tanong ni Francis sa bata.  Pero feeling ni Queenie ay para sa kaniya talaga ang tanong na iyon.

"Thank you," sagot ni Trisha.  "Bakit, Tito Francis,  hindi po ba nag-thank you sa inyo si Mama?"

Imbes na sumagot ay tinapunan lang siya nito ng tingin na parang nag-aasar.

Alam naman niyang mali na basta na lang siyang nag-walk out kagabi nang hindi man lang nagpapasalamat.  Kaya ngayon ay gagawin na niya.

"Francis, salamat sa gift mo, ah.  Nagustuhan ko talaga, thank you," bukal sa loob niyang pasasalamat.

"You're welcome."

Naunang umalis si Trisha sakay ng school bus.  Samantala ay kinausap muna ng masinsinan ni Queenie si Francis bago ito tuluyang sumakay ng kotse.

"Francis, puwede ba akong makiusap sa'yo?"

"Ano 'yon?"

"Si Alice, puwede bang iwasan mo siya.  Kung gusto mong tumingin ng ibang babae, hindi kita pipigilan.  Pero please lang, huwag si Alice," pakiusap niya habang seryosong nakatingin sa mga mata nito.  Hindi naman siya natatakot na magkagusto ito sa iba dahil in the first place ay hindi naman sila nagmamahalan.  Kung mahuhulog man ito sa ibang babae ay mas gugustuhin niyang kay Sofie na lang. 

"Alam mo, Queenie, ginugulo mo ang isip ko.  Una, anong ginawa sa'yo ni Alice at parang ang laki ng galit mo sa kaniya?  Pangalawa, 'yong sinabi mo kagabi.  Ang sabi mo, kung kay Sofie ako makikipaglandian ay matatanggap mo pa.  At ito na naman, kasasabi mo lang na kung gusto kong tumingin ng ibang babae, hindi mo ako pipigilan.  Bakit Queenie?  Wala ba akong halaga sa buhay mo kaya mo nasasabi 'yan?" tila panunumbat nito. 

Wala siyang maisasagot kaya iniba na lang niya ang usapan.  "May lakad pala ako mamaya, magkikita kami ni Elsa.  Pa'no, ingat na sa pag-drive, ha.  Bye," sabi niya saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

After lunch nang magkita sila ni Elsa sa shop nito.  Niregaluhan siya nito ng dress at sandals na mataas ang takong.

"Thank you, friend."  Todo ngiting tinanggap niya ang regalong nakasilid sa magkahiwalay na paper bag.

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon