Chapter 24

9.9K 244 43
                                    

LINGGO.

Araw na dapat ay nagpapahinga si Queenie pero hindi gano'n ang nangyayari. Pagkagising pa lang kasi ay naging abala na siya sa paglilinis ng bahay. After lunch ay ang paglalaba naman ang inatupag niya. Kahit may gamit na washing machine ay sumakit pa rin ang likod niya dahil sa dami at bigat ng kaniyang mga nilalabahang mga damit, kurtina at kobre kama.

Pagkatapos maglaba ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Dismayado siyang umiling nang makita na puno ng hugasin ang kanilang lababo. Mga pinagkainan nila iyon ng almusal at tanghalian at kung hindi siya nagkakamali ay inutusan niya kanina si Francis na hugasan ang mga iyon.

Pumunta siya sa sala kung saan naabutan niya ito na tuwang-tuwa sa paglalaro ng video game kasama ang anak. Minsan pa ay nagkandailing siya.

Sala ba ito o dumpsite?

Kakatapos lang niyang maglinis pero heto at makalat na naman ang bahay. Maraming balat ng chichirya sa sahig. Ang mga throw pillows ay nakapatong kung saan-saan. May natapon pang juice sa center table na hindi man lang mapunasan.

"Francis," tawag niya sa asawa pero hindi ito sumagot dahil busy sa nilalaro. "Trish," tawag naman niya sa anak subalit deadma lang din ito.

Tumawag siya uli ng hanggang tatlong beses pero hindi pa rin siya pinansin ng mga ito. Dito na siya naubusan ng pasensya.

"Ano ba?! Titigil ba kayo sa paglalaro diyan o babasagin ko 'yang TV!" malakas na sigaw niya at dito na siya binalingan no'ng dalawa at pagkatapos ay kabadong nagtinginan.

"Hindi ba sumasakit 'yang mga mata niyo kaka-video game? Kaninang umaga pa kayo, ah!" Dinampot niya ang isang balat ng chichirya. "Ano 'tong mga 'to? Dito ba ang lagayan nito? 'Di ba may basurahan naman, bakit hindi niyo ito i-shoot sa basurahan?"

Itinuro niya ang unan na nasa ilalim na center table. "'Yong unan na 'yon, bakit nasa ilalim, eh kung madumihan niyan. Kakapalit ko lang ng punda niyan!" Sunod niyang pinuna ang natapong juice sa lamesa. "Itong juice na 'to, sinong nakatapon, bakit hindi man lang pinunasan? Ano? Hihintayin niyo pa na ako ang magpunas niyan. Aba ang galing niyo rin. Anong palagay niyo sa'kin, katulong niyo!"

Maya-maya ay biglang tumayo si Trisha. "Ma, akyat na po ako. May assignment po pala ako. Gagawin ko na po," anang bata sabay takas papuntang kuwarto.

Tumayo na rin si Francis. "I better help on her assignment." Naudlot ang pag-eskapo nito nang hatakin ni Queenie ang laylayan ng suot nitong t-shirt.

"At saan ka pupunta?" taas kilay niyang tanong.

"Tutulungan si Trisha sa assignment niya."

"Ako na lang kaya ang tulungan mo, 'no? Francis, pagod na pagod na 'ko. Kaninang umaga pa ako kumikilos dito sa bahay. Samantalang, ikaw ang sarap ng buhay mo at palaro-laro ka lang ng video game. Baka gusto mong magligpit ng kalat dito sa sala. 'Yong mga plato doon sa kusina, baka gusto mong hugasan para may silbi ka naman."

Kumunot ang noo nito. "Grabe ka namang magsalita. Sinasabi mo bang wala akong silbi. At saka, bakit ako ang maglilinis. Trabaho mo 'yan, ikaw ang housewife."

"Aba, sumasagot ka pa." Napairap siya ng husto. "Alam mo, Francis wala namang problema sa akin na gumawa ng gawaing bahay, eh... Kung nagta-trabaho ka. Kaso hindi, eh. Buhat ng maaksidente ka ay hindi ka na nagtrabaho. Kain, tulog at laro na lang ang inaatupag mo. Ni hindi mo man lang ako matulungan sa mga gawaing bahay. Ako na lang nang ako ang kumikilos dito. Paano kung wala na 'ko!"

"Puwede ba, Queenie hinaan mo 'yang boses mo. Nakakahiya sa mga kapit-bahay."

"Wala akong pakialam kung marinig nila!" malakas pa ring sigaw niya. "Ang mabuti pa ay maglinis ka na lang dito at maghugas ka ng plato. Iidlip lang ako sandali. Dapat paggising ko ay tapos na lahat ng pinapagawa ko sa'yo. Subukan mong hindi sumunod, yari ka sa'kin." Pagkatapos ay humiga na siya sa mahabang sofa ng sala.

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon