Chapter 19

10.1K 236 32
                                    

DAHAN-DAHAN na nagmulat ng mga mata si Sofie. Agad niyang naramdaman ang sakit ng ulo at katawan. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nang tuluyang makaupo sa kama ay saka lang niya napagtantong nasa ospital pala siya.

"Francis?" ang unang salitang binitiwan niya. Bakas sa boses at mukha niya ang labis na pag-aalala. Sinubukan niyang tumayo pero hindi natuloy nang biglang dumating si Nanay Lourdes.

"Anak, gising ka na. Diyos ko, salamat po," abot langit na pasasalamat nito. "Sandali lang at tatawagin ko ang doktor."

---

Nagulantang si Sofie nang malaman na tatlong araw pala siyang walang malay dahil sa aksidenteng kinasangkutan nila ni Francis. Matapos ang ilang examination ay tiniyak ng doktor na wala na sa panganib ang kaniyang buhay. Makakalabas na siya ng ospital sa oras na maghilom ang mga sugat na natamo niya.

"Ma, gusto kong makita si Francis. Sabi ni Doc Ramos ay dito rin siya naka-admit and he's still unconscious. I want to see him, Ma," pagmamakaawa niya sa ina.

"Anak, bakit nakasakay ka sa kotse ni Francis? Bakit magkasama kayo no'ng birthday mo? May namamagitan na ba uli sa inyo?" magkakasunod na tanong nito sa kaniya.

Nahihiyang yumuko si Sofie. "Opo, Ma. Kami na po uli ni Francis. Nagkabalikan po kami no'ng araw ng birthday ko."

Suminghap ang Nanay niya. "Nagkabalikan? Pero may asawa na siya. Ano 'yon, pumayag kang maging kabit niya?"

"Hindi, Ma. Nangako po si Francis na hihiwalayan niya ang asawa niya. That he will file an annulment para makasama ako. Ako po ang totoong mahal ni Francis, Ma," masidhing paliwanag niya.

Umiling ito na halatang naguguluhan at saka tumayo. "Baka gutom ka na, ibibili lang kita ng pagkain sa labas."

Ilang minuto lang paglabas ng ina ay lumabas na rin si Sofie para dalawin si Francis. Alam na niya kung saan ang kuwarto nito dahil naipagtanong na niya iyon kay Doktor Ramos. Nang malapit na siya sa silid na nais puntahan ay tumigil siya sa paglalakad. Tahimik niyang tiningnan ang babaeng nakasalubong na walang iba kundi si Queenie.

"Sofie, kumusta? Mabuti naman at nagkamalay ka na."

"Okay lang ako. Thanks," tugon niya nang hindi tumitingin sa mga mata ng kausap.

"Si Francis naman, hindi pa rin nagkakamalay," malungkot na sinabi nito.

"Narinig ko nga." Huminga siya ng malalim at naglakas ng loob na humarap kay Queenie. "Queenie, alam kong wala akong karapatan na hilingin ito pero puwede ko bang makita si Francis?"

"Gusto mo siyang makita? Walang problema. Ang mabuti pa nga, silipin mo. Malay natin, baka kapag narinig niya ang boses mo ay bigla siyang magising."

Labis na ipinagtaka ni Sofie ang mga narinig kaya hindi siya agad nakasagot.

"Okay lang sa'yo na dalawin ko siya?"

"Oo naman," sagot nito na muli niyang ipinagtaka.

"Sigurado ka, Queenie?"

"Oo," nakangiting tugon nito. "Tara, dito ang kuwarto niya."

Iba ang nararamdaman ni Sofie sa friendly na pakikitungo sa kaniya ni Queenie. Pero dahil mas inaalala niya si Francis ay isinantabi na lang muna niya ang kakaibang nararamdaman.

---

HINDI nagawang buksan ni Queenie ang pinto ng silid ng asawa dahil biglang dumating sina Mommy Sandra at Faye. Nagulat ang mga ito nang makita si Sofie.

"Good morning po," nahihiyang bati ni Sofie sa dalawa.

"What are you doing here?" tanong ni Mommy Sandra kay Sofie.

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon