Chapter 13

4.3K 111 26
                                    

"EXCUSE me, this is Francis Fontanilla's place, right?"

"Oo, tama," sagot ni Queenie sa tanong ni Sofie.

Nakilala ni Francis ang boses ng babaeng nasa labas kaya agad siyang nagpakita rito.

"What are you doing here?" aniya matapos buksan ng malapad ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Sofie nang makita siya na tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing balot sa katawan.

"Wait lang ha, nagkakamali ka ng iniisip. Walang nangyari sa'min. Nakitulog lang —" magpapaliwanang sana si Queenie pero agad itong pinutol ni Francis.

"Anong walang nangyari, nakalimang round nga tayo kagabi e," sabi niya para asarin si Sofie na biglang dumilim ang mukha.

"Hoy! Ang bastos mo naman, anong limang round?" reklamo ni Queenie sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya. Subalit sa halip na itama ang lahat ay binigyan niya lang ito ng makahulugang tingin. Sumakay ka na lang, Manang.

"Hahahaha! Ikaw talaga, kailangan mo ba talagang sabihin 'yan. Nahiya tuloy ako, five rounds na 'yan." Na-gets pala nito ang ibig sabihin ng mga tingin niya at agad na sumakay sa gusto niyang mangyari.

Huminga ng malalim si Sofie at tumingin ng diretso kay Francis. "Okay lang sa'kin kahit may mangyari sa inyo. I'm sure kapag nagsawa ka, babalik ka rin sa'kin. Dahil ako naman talaga ang mahal mo, 'di ba?"

Nainis siya kahit pawang katotohanan lang ang sinabi nito. Oo, mahal kita. Pero sinayang mo lang ako. Ngayon, ikaw naman ang manghinayang.

He faked a laugh. "Hanggang ngayon, 'yan pa rin ang pinaniniwalaan mo?" Kinurot niya ang likod ni Queenie dahilan upang lingunin siya nito. Ano ka ba, huwag kang tumunganga lang diyan. Magsalita ka naman, awayin mo siya, sabi niya gamit lang ang mga mata at facial expression. Wish niya ay ma-gets din iyon ni Manang.

"Excuse me lang ha. Sofie, puwede bang itigil mo na ang pag-iilusyon mo diyan. Hindi ka na mahal ni Francis dahil ako na ang mahal niya. Hindi ka ba na-inform na ikakasal na kami next week?" Mabuti na lang at malakas makaramdam si Queenie. Na pick-up din agad nito ang message na ipinarating ni Francis.

"What?" Sa gulat ay nabitiwan tuloy ni Sofie ang dalang paper bag at tumapon sa sahig ang mga laman nitong ham sandwich. Paborito ni Francis ang klase ng sandwich na 'yon. Iyon ang madalas na gawin at ibigay sa kaniya ni Sofie noong may relasyon pa sila. "Francis, hindi totoo 'yon 'di ba? Hindi totoong ikakasal na kayo, 'di ba?" anito habang nangingilid ang mga luha.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa bagay na sinasabi sa'yo? Ang hirap kasi sa'yo, ang pinapaniwalaan mo lang ay ang mga bagay na gusto mong paniwalaan. Sofie, listen to me. Mahal ko si Queenie kaya pakakasalan ko siya. Ikaw, hindi na kita mahal. Kung ayaw mo pa ring maniwala, problema mo na 'yon. Puwede bang umalis ka na. At dalhin mo 'yang basura na 'yan, pag-alis mo." Pagkatapos magsalita ay padabog niyang isinara ang pinto.

---

READY na ang lahat para sa kasal nina Francis at Queenie bukas. Subalit bago magsumpaan sa harap ng altar ay may isang bagay pa silang kailangang gawin kaya pumunta sila sa law firm ni Julius.

"Kumusta, pare na-ready mo na ba ang sinabi ko sa'yo?" tanong ni Francis pagpasok nila sa office ng best friend na si Julius.

"Oo, pare," sagot nito sabay abot kay Queenie ng isang papel.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Queenie nang makuha ang papel na agad din niyang binasa ang mga nakasulat.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Queenie nang makuha ang papel na agad din niyang binasa ang mga nakasulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon