Chapter 16

10.7K 250 14
                                    

TWO WEEKS later ay balik bansa na bagong kasal na sina Francis at Queenie.  Alas sais ng umaga nang lumapag ang eroplanong sinakyan nila.  Mula sa airport ay nag-taxi sila patungo sa bahay na kanilang titirahan sa loob ng isang taon. 

Ang dalawang palapag na bahay na iyon na madaliang binili ni Francis ay mayroong tatlong kuwarto.  Kumpleto na ito sa mga gamit at maari nang tirahan anumang oras.

“Saan ang kuwarto ko?” tanong ni Queenie. 

“Nasa taas ang mga room.  Tara, ituturo ko sa'yo ang magiging kuwarto mo,” sagot ni Francis at dinala siya nito sa kaniyang magiging kuwarto.  “This is your room.  The one across is mine.  ‘Yong nasa dulo naman ng hallway ang magiging room ni Trisha.  Kumpleto na rin ‘yon sa mga gamit kaya puwede mo na siyang sunduin at patulugin dito.”

“Sige, mamayang hapon ko siya susunduin sa Papa niya.  Tapos pumunta muna tayo sa bahay ng parents mo mamayang gabi para maibigay natin sa kanila itong mga pasalubong natin.”

“Okay.  I’m tired, matutulog muna ‘ko.”  Boses pa lang ay halatang pagod na nga ito kaya lumabas na para pumunta sa sariling kuwarto.

Si Queenie naman na marami pang natitirang energy ay nag-ayos muna ng mga gamit sa bago niyang kuwarto.  Naroon na ang mga damit at ilang mga gamit niya mula sa dating bahay na pansamantala muna niyang inabandona.  Mahigit isang oras din bago siya natapos sa pag-aayos.  Hihiga na sana siya sa kama para magpahinga pero napatigil siya. 

“Hala, muntik ko nang makalimutan.”  Kinuha niya ang white folder na ipinatong kanina sa ibabaw ng bedside table.  Binuklat niya ito at tiningnan ang dokumentong nasa loob na walang iba kundi ang kontrata na pinirmahan nilang dalawa ni Francis.  Binuksan niya ang drawer sa ilalim para itago ito doon.  “’Yan, diyan ka muna.  Huwag kang aalis diyan, ha,” aniya bago iyon isinara.  Pagkatapos ay pagod niyang inilapat ang likod sa malambot na kama.

“Hay, totoo ba ‘to?  Talaga bang kasal na ako ulit?” tanong niya sa sarili habang nakatitig suot na wedding ring.  Maya-maya ay may naalala siya dahilan upang bigla siyang bumangon. 

"Hindi ako nagbibiro, hija. Totoo ang sinasabi ko. May binata kang mababangga ngayong araw, at ang binatang iyon ang siyang magiging kabiyak mo habang buhay, maniwala ka sa akin,"

“OMG! Nagkatotoo ang hula sa akin ni Lola!” bulalas niya saka uli nahiga at nagbuntong hininga.  “Tsk, nagkataon lang siguro.”  Nag-decide siyang huwag nang ikuwento iyon kay Francis.  Baka isipin pa no’ng lalaking ‘yon na nasisiraan na ‘ko ng bait.

---

BAGO humiga upang matulog ay itinago muna ni Francis ang kontrata nila ni Queenie sa pinakailalim na drawer na nasa tabi lang ng kama.  Bagama’t pagod ay hindi naman siya agad nakatulog dahil sa bagay na biglang pumasok sa kaniyang isipan.

"Susuwertihin ka dahil ngayong araw ay matatagpuan mo na taong mamahalin ka at kailanman ay hindi ka iiwan. Pakakasalan mo siya at habang buhay kayong magsasama."

"Ang babaeng tinutukoy ko ay ang babaeng mababangga mo sa daan. Malapit na hijo, matatagpuan mo na siya."

Napamulagat siya sabay bangon mula sa pagkakahiga. 

“Come to think of it, si Queenie ang babaeng nabangga ko no’ng araw na ‘yon.” sabi niya sa sarili.  “Pero ulyanin na ‘yong matanda at lahat naman daw ng makasalubong niya sa daan ay  sinasabihan niya ng ganu'n.  So, meaning nagkataon lang ang lahat,” humiga na siya uli matapos mag-salitang mag-isa.  Mas mabuti kung hindi na niya iyon sabihin pa kay Queenie.  Baka isipin pa ng babaeng ‘yon na nababaliw na 'ko.

---

MAAGANG gumising si Queenie para maghanda ng almusal nina Francis na papasok sa opisina at Trisha na papasok naman sa school.  Ham sandwich, pancake, fried rice, omelette, pritong hotdog, longganisa at talong.  Nasa lamesa na ang lahat nang bumaba ang kaniyang asawa.

“Good morning po, Tito Francis,” masiglang bati ni Trisha na kanina pa naka-puwesto sa hapag kainan.   

“Good morning,” nakangiting bati ni Francis pabalik saka naupo sa dulong bahagi ng lamesa kung saan nasa parteng kaliwa nito si Trisha.  Si Queenie naman ay sa gawing kanan nito naupo.

“Hindi ko alam kung magaan o mabigat sa tiyan na almusal ang gusto mo kaya gumawa ko ng dalawa.  Ham sandwich at pancake kung gusto mo ng light at sinangag na pinarisan ng omelet, hotdog, longganisa at talong kung gusto mo ng heavy sa tiyan na breakfast.  Kuha ka na lang diyan ng gusto mong kainin,” ani Queenie.  Isa sa mga ipinagmamalaking asset niya ay ang galing sa kusina.  Pagdating sa pagkain ay masusi niya munang pinag-iisipan kung ano makabubuti sa sinomang kakain ng mga inihanda niya.

“I don’t eat ham sandwich, so don’t ever make that again,” sambit ni Francis saka nagsandok ng sinangag sa plato nito.

“Talaga?  Akala ko gusto mo n’yan kasi ‘yan ang dinala ni Sofie so condo mo dati ‘di ba?”  Pagkasabi niya nito ay matalim na tingin ang natanggap niya mula sa asawa.  Doon lang niya na-realize na mali ang kaniyang nasabi.  Ang tanga mo talaga Queenie.  Why mention Sofie?  Galit nga siya kay ex ‘di ba?  “Walang problema, mula ngayon hindi ka na makakakita ng ham sandwich sa bahay na ito kahit kailan,” agad ay bawi niya.

Nang dumating ang school bus na susundo kay Trisha ay nauna na itong umalis kaya naiwan sa bahay ang mag-asawa.

“Text mo sa akin ang number ng bank account mo para mai-transfer ko ang allowance mo para sa buwang ito,” sinabi ni Francis nang makatayo.

“Okay,” sagot niya habang nagsisimula nang magligpit ng mga pinagkainan nila.  “Siya nga pala, ‘yong about sa pag-aaral ni Trisha.  Hindi kasi pumapayag si George na ibang tao ang magpa-aral sa sarili niyang anak kaya kalimutan mo na lang ‘yon.  Hindi mo na kailangang sagutin ang schooling ng bata.”
 
“Kung ‘yan ang gusto mo.  Sige, alis na ‘ko.” Tumalikod na ito para lumabas pero napahinto dahil sa tawag ni Queenie.

“Francis, wait!”  Lumapit si Queenie kay Francis para ayusin ang hindi gaanong pulido na pagkakatali ng neck tie nito.  “Ang laki mo na, hindi ka marunong magtali ng neck tie ng maayos?” litanya niya habang abala sa pag-aayos ng neck tie.  “Siya nga pala, ano ang gusto mong ulam mamayang gabi, para ‘yon ang iluluto ko?”

Sa halip na sumagot ay nagkunot ng noo si Francis.  “Queenie.”  Tumingala si Queenie dahil tinawag nito ang pangalan niya.  Halos maduling ang mga mata niya dahil ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa.  “Anong ginagawa mo?” 

“Anong ginagawa ko?  Eh ‘di inaayos ang necktie mo at tinatanong ka kung ano ang mong ulam mamayang gabi?” simpleng sagot niya sa tanong.

“Bakit?”

“Anong bakit?  Siyempre asawa mo kaya—“ Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang natauhan.  Agad din niyang binitiwan ang neck tie ni Francis at lumayo mula rito.  “Pasensya ka na,” nagkamot siya ng ulo.  “Plain housewife ako for ten years kaya, force of habit lang ‘yon.  Wala ‘yong ibang ibig sabihin.”

“Queenie, I'm telling you.  You can't fall for me dahil masasaktan ka lang.  Hindi kita type,” babala nito sa kaniya.

“Kakasabi ko lang ‘di ba?  Force of habit lang ‘yon kaya huwag mong bigyan ng kahulugan kung anoman ang mga inasta at sinabi ko kanina.  Saka huwag kang mag-alala dahil hindi rin kita type,” ganti niya.

"Basta tandaan mo, bawal kang ma-inlove sa akin.  Hangga't maari ay pigilan mo na mangyari ‘yon, maliwanag ba?” huling sinabi nito bago umalis ng bahay.

Hmp!  Ang yabang!  Porque mas guwapo siya kaysa kay Dingdong Dantes!

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon