Prologue

245 14 16
                                    

Ako si detective Victorique.

Bata pa lamang ay mahilig na ako sa mga mystery. Mahilig akong tumambay sa isang library, at kung maari lang sana'y hindi na umalis. Paminsan din ay sinasamahan ko ang aking nakatatandang kapatid sa kanyang mga problemang dapat nyang lutasin.

Ngayon, ako ay isang ganap na na detective. Sunod sa yapak ng aking kuya, ako ay nakatayo na din ng aking sariling pangalan.

"Detective... kailangan ka namin."

Few days ago, tinawagan ako ng isa kong kakilala. Si Kujo. Isa siyang malapit na kaibigan. Siya ang palaging tumatawag sa akin kapag kailangan ang aking serbisyo. O ang lagi niyang sinasabi, "Victorique, may trabaho ulit ako sayo. Sama ako ah!" Hindi man siya ganap na detective ay lagi ko siyang kasama. Paminsan matalino, paminsan din... muntanga lang. 

"Ito. Yotsuka Academy. May tatlo nang namatay na estudyante at nagagambala na ang kanilang mga staff." sabi niya, sabay sa pagturo sa akin ng mga litratong kanyang nakuha. Isang litrato ng paaralan at ang tatlo ay litrato ng mga babae.

"Mai. 16. Nakatira sa subdivision 3. Nakita siyang patay sa cr ng paaralang ito. Nasabing ibinabad ang ulo niya sa drum at naubusan ng hininga. -- Ito naman si Mayumi. 15. Nakatira din sa subdivision 3, at nakita ang kanyang bangkay na lumulutang sa isang creek malapit sa kanila. -- Si Mei, 16. Nakatira sa subdivision 5...."

"Ba't ka tumigil?" sabi ko.

"Siya na ata ang pinakabrutal sa lahat..." 

"Anong nangyari?"

"Apparently, nilagay ang bangkay niya sa isang drum at binuhusan ng fresh cement. Kamakailan lamang nalaman kung saan ang kanyang katawan. Halos hindi na maipinta ito. "

Why? Ano ang gustong ipakita ng culprit? Ano ang kanyang intention? Sa mga balita ni Kujo, malamang sanay na siya sa pagpatay. Malamang nasa 25-35 siya. Ngunit, hindi rin ako makakasiguro. Teka...

"Patingin nga uli sa mga litrato." utos ko. Bilis namang inabot ni Kujo.

Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. Mai. Mayumi. Mei. 

All starts with M. Coincidence lang ba 'to? Ngunit ano ang meron sa letrang ito?

"Kujo, alamin mo lahat ng estudyanteng nagsisimula ang pangalan sa letter M." Hindi ko maintindihan ang binigay na expression sakin ni Kujo. Muntanga talaga.

"Mai. Mayumi. Mei." dagdag ko. "Siguro naman hindi lang ito coincidence diba?"

"Hindi. Sa pagkakaalam ko. Magkakabarkada silang lahat." sagot niya. "There are six of them. At ang tatlo ay natatakot na. Ni ayaw na ngang pumasok at baka sila naman daw ang bawian ng buhay. Pinahintulutan na lamang din ng principal. Mismo siya ay natatakot na din sa mga nangyayari. Ayaw na nyang may sumunod pa."

"Know all the three left. San nakatira, edad, lahat. Bukas pupuntahan natin ang mga lugar kung san nakita ang mga katawan. At kung maaari ay makapagtanong tayo sa tatlong naiwan. Mabuti na ring alam mo ang kanilang section." tumalikod ako at tiningnan muli ang litrato. "At Kujo.. wag mo kalimutan ang una kong utos sayo. Lahat ng mga estudyanteng nagsisimula ang pangalan sa letter M."

Sa ngayon, kulang na kulang pa ang nalalaman ko. 

Stranger in Disguise (onhold)Where stories live. Discover now