1. The new school
SAM POINT OF VIEW
Hindi ko maintindihan ang lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Para bang sinusundan nila ang bawat galaw ng paa ko. Bawat hakbang ko. Ah! Wala akong pakialam. Dire-diretso akong naglalakad sa GITNA ng oval. Yun ang tawag nila kase may paikot na daanan sa loob ng school tapos sa gitna nun ay may isang straight na pathway. Ewan kung para saan basta dito ako dumadaan. Nakatingin sa akin yung mga bitches and jerks habang naglalakad sila, may nagkabunguuan pa nga eh.
Napairap na lang ako. Anong problema nila? Siguro iniisip na naman nila na this is for the queens ng school! Kings! Ay pota sawa na ako sa mga ganyan! The last time na ginawa ko ang ganito at may queens of the school na hunarang sakin ay nadala sa hospital. Saklap naman ng buhay nila, feeling reyna kasi eh.
Napalingon ako ng may bumusina at isang kotseng puti ang nakita ko. Inirapan ko lang yun at saka nagpatuloy. Ang haba naman ng daan na to,tss. Nakatingin na sa akin ang mga estudyante na parang isa akong nababaliw na tao. Yung iba nagbubulungan na pero yung iba ay mga nakatingin lang at yung iba ay nakataas ang kilay. Habang yung iba ay mukhang bini-videohan ako.
Napatigil ako sa gitna ng muling bumusina ang kotse. Na parang sinasabi na tumabi ako kaya tinaasan ko ito ng kilay at nag cross arms.
Bumaba ang sakay non. Isang pandak na matandang lalaking panot. Ah! Mabuti pa siguro ay makisakay na lang ako sa kanya para hindi ako napapagod na maglakad dito.
"Ms. Gonzales, this way is for school teachers and staffs only,specially for the principal" mahinahon nyang paliwanag sa akin.
Yung ingat na ingat sya sa tono ng boses nya at pili ang mga salitang sasabihin. Napangiti ako.
"I don't care about that friend, let's go!" Masayang sabi ko at nauna ng sumakay sa passenger seat ng kotse nya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga estudyanteng nakakita at ang marahang pag-iling ni Mr. Principal bago sumunod sa akin dito sa kotse. Great! Ngayon, alam ko ng hindi na ako mapapalipad papuntang canada!
ART POINT OF VIEW
"Bes anong pinagkakaguluhan nila?" Tanong sa akin ni Yong habang ngumunguya ng chichirya. Kadiri!
Napalingon ako sa field, mga nakatulala ang estudyante habang nakasunod ng tingin sa kotse nung principal namin. Agad nangunot ang noo ko? Anyare sa kanila? Mga wierd!
"Ewan ko Yonggurt..." Mahinang sabi ko pero hindi nya na ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng chichirya.
Napatingala ako ng makitang may isang pares ng paa ang nakatigil sa gilid ko. Nakatayo na din si Yong habang mahigpit ang kapit sa chichirya nya. Ugh! Si Terese na naman!
Sya yung babaeng feeling maganda na anak ng principal! Anak lang naman sya ng principal eh, hindi naman sila ang may-ari ng school. Pero kung umasta ay akala mo pag-aari nila lahat ng mga nandito at sila ang batas! Pwe!
"Whenever I see you,kumukulo ang dugo ko. Lalo na kapag kasama mo si Marco, pasalamat ka at si Yong ang kasama mo ngayon" maarteng sabi nya habang nakataas ang isang kilay.
Kasama nya pala yung dalawa nyang alagad na trying hard din maging maganda. Great! Nakakainis! Kasalanan ko bang ako ang laging nilalapitan ni Marco at Yong? Tsh! Bitch!
"Julalay,where's my ice cream?" Nilahad nito ang kamay ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Mabilis naman na iniabot ni julalay yung ice cream na halos natutunaw na. Maarteng kinuha yun ni Terese. Teresen ko kaya sya na parang kuto? Grr! Alam ko na sunod nyan eh, isusupalpal nya sa mukha ko yung ice cream gaya ng lagi nyang ginagawa.
"Here!" Akmang ilalagay nya na sa akin yung ice cream pero biglang tinapik ni Yong ang kamay nya dahilan para tumilapon yung ice cream. Napasunod ako ng tingin sa pinagbagsakan non.
"Don't you dare!" Mariing sabi ni Yong kay Terese.
Pero wala dun ang atensyon ko, kundi sa babaeng ngayon ay nakatingin kay Terese habang nanliliit ang mata. Ang ganda! Para syang manika ,sobrang kinis ng balat at parang anlambot. Di gaya ng kay Terese na parang magaspang!
"Hey bitch" pati boses nya angganda! Hindi ko tuloy mapigilang mamangha! Artista ba sya?
Agad namang napalingon sa kanya si Tiris habang nakataas ang kilay, hindi nya nagustuhan ang pagtawag nung anghel sa kanya! Naku, lagot sya! Tinignan ko yung babae ng isang warning look na wag ng patulan si Tiris kuto dahil wala syang laban don,principal ang tatay nyan eh! Siguro bago sya kaya di nya alam!
"What did you just tawag me?" Conyong tanong ni panget.
Si Yong ay napatitig na din don sa babaeng maganda. Nakakunot pa ang noo nya.
"Why? Aren't you a bitch? Tanggalin mo yan"
Napatingin din ako sa itinuro nito. Sa manggas ng uniform nya! Dun pala naglanding yung ice cream.
"Why would I do that? Ikaw? Isa ka lang sa mga hampaslupa ng school na to kaya wag mo akong inuutus-utusan" mataray na sabi nya kay beautiful girl.
Nagulat ako ng damputin ni ateng ganda yung ice cream sa sahig at saka nilagyan din si Terese sa kung saan ay meron sya. Napasigaw si Terese sa sobrang pagkainis.
Napatingin na din halos lahat ng nasa canteen sa amin. Lahat ay nagtataka ang itsura nila.
"Why did you do that!??? Alam mo bang worth 2000 ang bili ko sa uniform ko!? Pagbabayaran mo to!" Nanggigigil na sabi ni Terese dun sa babae.
Napakapit ako sa braso ni Yong. Baka kasi mamaya ay madamay kami. Ay,oo nga pala sa akin nagsimula ang lahat ng to.
Pinapagpagan ni Terese ang uniform nya habang nandidiri at si ateng ganda naman ay tinaasan lang sya ng kilay.
"Fair enough" sabi nya at umalis.
Nanggigigil naman sa galit si Terese at bago nya pa kami mapagbalingan ay hinila ko na si Yong palabas ng canteen.
"Yow mga kulangots!" Hinarang kami ni Marco na saktong papasok sa canteen. Natigil naman kami ni Yong sa pagtakbo. Takot na lang kay Marco! Sya ata ang pinaka kinatatakutan dito bago ang Terese na yon! Number one bully kasi ito. Ewan sa tiris kuto na yun kung ano ang nagustuhan nya dito. Bukod sa masama ang ugali ay nakakadiri pa ang mga pinaggagawa.
"A-ah eh.. hi! Hehehe"
BINABASA MO ANG
I Found Love (On Going)
Teen FictionSi Sam ay isang babaeng walang magawa sa buhay. Kumbaga,lagi na lang syang bored kung kaya't iba't- ibang kalokohan ang mga ginagawa nya na naging dahilan para makick out sya. Sa huling pagkakataon, at sa panghuling school, bago pa pumasok ay...