6. Treat
SAM POINT OF VIEW
"Wow!" Sabay sabay nilang sabi pagkapasok namin sa restaurant ng pinsan ko na si Ji.
Manghang-mangha sila sa kanilang nakikita. Naku, nakakahiya. Buti na lang at naipareserve ko na ang buong resto kanina pa.
"O sya! Pwesto na kayo kahit saan jan" sabi ko sa kanila kaya kanya-kanya na naman sila ng pwesto.
At maya-maya pa ay dumating na ang mga order nila. Buti na lang at madaling makuha ang loob nila. Pagkain lang siguro ang katapat nila.
"Grabe! Ang sarap!"
Pumunta ako sa pinaka loob at hinanap si Ji. Buti na lang at madaling makita dahil lagi na lang sya napapalibutan ng mga girrrrrls!
"Ji!" Malakas na tawag ko pero imbes na sya ang lumingon ay yung tatlong babae na nagsisiksikan sa kanya ang tumingin sa akin ng masama.
Aba? Problema nila? Hindi ko sila inaano ha.
"Fourth gf mo ba sya babe?" Tanong nung isa. Kadiri!
Inirapan ko yung nagsabi nun. Ang boring nya, walang ibang line! Gaya gaya sa ibang character.
"Asawa nya ako! At ang dumidikit sa kanya ay pinapatay ko nito!!" Sigaw ko at saka inilabas ang gunting na lagi kong dala.
Nangunot ang noo ni Ji at yung tatlo naman ay nagtatakang tumingin sa akin. Hindi makapaniwala.
"Ano!? Hindi kami naniniwala!"
Aba! Ay teka? Bakit ko nga ba hinahanap si Ji? Wala lang naman diba? Antanga ko ngayon ah. Nasanay lang siguro ako na laging pinupuntahan si Ji kapag dito kami kumakain nina itay.
"Pero mabait akong asawa kaya sa inyo muna sya sa ngayon" lumapit ako sa kanila at isa-isa ailang dinuro sa noo "Wag kayo magpapabuntis,kundi dadami tayong asawa nya" sabi ko at mabilis na umalis.
Nadatnan ko silang lahat na hindi magkaintindihan sa pagkain. Kesyo busog na ang tiyan pero gusto pa daw ng bibig kaya gora lang si kamay.
"Take out ko na lang to! Ipapasalubong ko kay bunso!"
"Ako din. Pasulubong ko na lang to kay mama para makatikim din sya nito"
Tinake-out nila yung ibang mga pagkain. Hindi ko alam kung matutuwa ako para sa kanila o malulungkot..
ART POINT OF VIEW
Kasama ko silang tatlo na naglalakad papuntang Mang Inasal. Pero agad na nangunot ang noo ko ng makita ang isang batalyon kong kaklase na lumabas mula sa isang magarang reataurant.
Wow! Di nga? Ang mahal kaya dun! Sabi nung iba ginto daw ang mga pagkain dun eh.
"Gusto mong kumain jan Sininghot?" Tanong sa akin ni Marco at umakbay pa habang nakatingin dun sa restaurant.
"Oo nga! Marcolangot! Mayaman ka naman eh, libre mo kami jan"
"O sya , tara na! Wag ng magpatumpik tumpik pa!"
"Kara karaka!" Sigaw ko at tumakbo na sa kanila habang nakataas ang dalawang kamay.
Ayaw pa sana nila kaming papasukin pero nung makita nila si Marco ay agad silang kumilos. Aba! Porket gwapo ganern? Mga bakla ba ang tauhan dito?
BINABASA MO ANG
I Found Love (On Going)
Teen FictionSi Sam ay isang babaeng walang magawa sa buhay. Kumbaga,lagi na lang syang bored kung kaya't iba't- ibang kalokohan ang mga ginagawa nya na naging dahilan para makick out sya. Sa huling pagkakataon, at sa panghuling school, bago pa pumasok ay...