Ni

5 2 0
                                    

2. Out of her way





SAM POINT OF VIEW




Nandito ako ngayon sa principal's office. Wala kasi si Mr. Principal kaya ako muna ang umupo sa kanyang trono. Ansarap pala sa feeling na nakaupo sa trono ng principal.

Magselfie kaya ako? Ay tama! Pang DP sa facebook. Lumabas muna ako saglit at saka nagpalinga-linga. Ansaya! Ansaya pala na may sarili kang school kahit public.

"Fetizanan!" Tawag ko sa isang guro na napadaan.

Napalingon sya sa akin at agad na nangunot ang noo. Meheheh!

"Yes, Ms. Gonzales?"

"Sumama ka sa akin" hinawakan ko sya sa kamay at dumiretso sa office ko. Pinahiram ko lang to kay principal.

"Anong gagawin natin Ms. Gonzales? Wag mo sabihin na magnanakaw tayo! Naku! Ayokong makulong saka may mga kapatid pa akong pinag-aaral kaya maawa ka! Huhuhu" binatukan ko yung teacher. Sobrang OA nya naman kase.

Para magpapakuha lang ako ng picture,wagas na magreact! Ibinigay ko sa kanya yung iPhone ko at halos mapanganga sya ng nakita yun.

"W-wow! A-akin na lang?!" Nangingislap ang mata na tanong nya kaya agad ko syang tinignan ng isang tingin na nabobored.

Hindi ko alam kung sino ang mas matino sa amin eh. Sya tong 23 years old tapos parang bata mag-isip kesa sa akin.

"Gaga! Kuhanan mo ako ng picture! Ipapang DP ko, bilis!"

Nawala ang kislap ng mata nya pero napakamot na lang sa ulo. Narealize nya siguro ang kahihiyan nya. Inayos ko muna ang nakalagay sa ibabaw ng table na Principal Spencer bago nagpose ng wacky, seryoso at kunwari ay strict mode.

Natuwa ako sa mga kuha nya.

"Anggaling mo! At dahil dyan, sayo na tong isa kong iPhone" natutuwang iniabot ko sa kanya yung isa ko pang cellphone.

At syempre natutuwa nya naman yung tinanggap.

"Sige ,makakalabas ka na"

Nangunot ang noo ko ng hindi pa din sya lumalabas at nakatingin lang sa paa ko na nakataas sa ibabaw ng lamesa ni principal.

"Ah,eh, kaano-ano mo ba si Sir Cruz?" Tukoy nya sa principal.

Tinaas ko lang ang kilay ko habang ina-upload yung strict mode kong mukha na kuha kanina. Sabay caption ng 'I am the boss!'.

"Ah, si Timothy Cruz. Employer ko" balewalang sabi ko at napangisi ng sunod sunod na likes ang nakuha ko sa pic.

Bwahahah! I'm so cool! May nagcomment pang tatlo.

JyroJyro: Nakakatakot ka pa din!

GianPadilla: si bossing ko noon, musta na?

Tyler Der: cute mo talaga!

Mga dati kong schoolmate! Pakealam ko naman sa kanila! Hindi ko na yun pinansin pa at nag scroll na lang sa news feed.

"Ah ..eh.. I-ibig mong sabihin ay s-sayo ang school na toh?" Hindi makapaniwalang tanong pa din nung titser.

Ang gulat ko pa naman ng konti. Muntik ko na maibato sa kanya yung cellphone ko eh. Napabuntong hininga na lang ako at sinimulan magkwento ng konti.

"Alam mo kase, lahat ng school dito sa manila ay napasukan ko na. At lahat din dun ay nakick-out ako. Last ko na to! Huling pag-asa ko na ang school na to kaya binili ko na lang,para hindi na ako makick out. Alangan namang patalsikin ako ng sarili kong school,diba? Payag naman pati sina daddy basta daw ayusin ko na ang buhay ko. Ayun lang. Labas na! Napapasarap ka!" Nakangangang lumabas ng office yung guro.

I Found Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon