5. The Boss
SAM POINT OF VIEW
Hays! Ansaya lang talaga ng buhay. Ngayon lang ako hindi nabored ng ganito. Yung tipong hindi mo na kailangan maghanap ng mapagkakaabalahan dahil yung mismong school na ang pagkakaabalahan mo. Sa mga nakaraan ko kasing school ay naghahanap pa ako ng past time, pero ngayon, kusa ng lumalapit.
Buti na lang at naisip ni itay na bilhin ang school na to. Napahikab ako ng wala sa oras. Naka headphone ako at nagpapatugtog dito sa room. Nakataas pa ang dalawa kong paa sa lamesa ng teacher habang pinapanood ko ang nga kaklase ko. Nakakatuwa talaga!
Busy silang lahat. Sinaraduhan ko ang pinto para walang magtangkang tumakas. May naglalampaso, may nagpupunas ng bintana, may nagwawalis, may nag aayos ng mga upuan. Ay grabe! Napakasisipag naman talaga!
"Ugh! Grabe! Hindi ako makapaniwala! Naglalampaso ako!? Eh sa bahay nga ni hindi ako humahawak ng walis!" Exagg na sabi nung isa kong kaklase
Hinayaan ko na lang sya at least gumagawa pa din sya.
"Buti na lang sanay na ako sa mga ganito!" Todo lampaso naman na sabi ng isa pa.
At dahil nakakatuwa sya dahil masipag sya, kanina ko pa napapansin saka tanggap nya yon kaya tinawag ko sya.
"Oy! Kuyang nerd!" Lumingon silang lahat sa akin. Napataas ang kilay ko sa kanila kaya kanya-kanya silang balik sa trabaho nila.
Wahaahaha! Saya! Ako ang boss.
"Hoy nerd, anong pangalan mo?"
"Jackson! At your service" masayang sabi nya. Iniabot ko sa kanya ang tatlong chocolate na dairy milk at hersheys.
Napansin ko pa ang paglunok nya nung makita nya yon. Pati yung iba ay alam kong nakatingin na. Sayang at wala si kuto hehehe.
"A-ah.." Napakamot sya sa ulo pagkatanggap. Parang nahihiya.
"Reward ko sayo." Hindi ko na sya pinansin pa ulit at naghanap na lang ng bagong mabibigyan ng reward.
Nakita ko pang tinanong nung iba si jackson kung bakit ko sya binigyan non, at sa isang iglap ay biglang ang sisipag na nilang lahat. Parang ang gagaan ng katawan nila habang naglilinis. Kung kanina ay may naririnig akong reklamo, ngayon ay hummings nila ang naririnig ko. Kanina ko pa tinanggal ang headphone ko kaya ko rinig. Chura nyo!
Tumayo ako. Tumayo ako sa ibabaw ng lamesa.
"ANNOUNCEMENT!!" biglang sigaw ko. Nahulog yung isang nakatungtong sa upuan kaya napatingin ako dun pero hindi ko sya pinansin.
Mahalagang importante ang announcement ko kaya dapat ay makinig silang mabuti.
"SIMULA NGAYON, AKO NA ANG BOSS NYO! HINDI NA ANG TERESE NA YON! OKAY? PAG AKO LANG ANG SINUNOD NYO , LAGI KO KAYONG ILILIBRE NG KAHIT ANONG GUSTO NYONG PAGKAIN!"
Natahimik naman silang lahat kaya tinaasan ko sila ng kilay. Agad na napatango-tango silang lahat at nagtatalon pa. Wahahah! Ang galing ko talaga!
"AT DAHIL MASUNURIN KAYO! ILILIBRE KO KAYO MAMAYA!!!" masayang sabi ko pa sa kanila kaya lalo silang nagtatalon sa tuwa.
"O sige ayusin nyo na ang mga upuan. Tama na ang paglilinis" utos ko at agad naman silang sumunod.
Ahihih! Ansaya saya! Ako ang bossing. Ang galing ko talaga. Talagang hindi na ako mapupunta sa canada nito.
Biglang may kumatok kaya mabilis pa sa alas kwatro na bumalik ako sa aking upuan. Pumasok si bes na bigla na lang nagtaka ang mukha. Sinipat sipat nya ang buong classroom na parang hindi makapaniwala.
"O....okay?" Hindi pa din makapaniwalang sabi nya kaya itinaas ko ang kamay ko.
"Bes! Ang sipag nila! Naglinis sila habang walang teacher. +15 mo sila sa grade huh?"
Napatingin sa akin na parang hindi pa din naniniwala si Ms. Fetizanan. Nginitian ko sya ng malawak at paglaon ay ngumiti na lang din sya.
"Very good mga students! As wished by Ms. Gonzales, +15 kayo saken!" Masaya nyang sabi kaya naman nagsigawan ang mga kaklase ko. Oh well, kahit na sila ay may ginawang masama kanina ay deserve pa din nila ang +15 dahil naglinis sila.
ART POINT OF VIEW
Pagbalik ko sa room ay mga nagsisigawan sila. Bakit kaya? Parang ansasaya nila. Tapos may nagyehey pa. Anyare? Napatingin ako sa orasan ko. Alas dos na pala. Ang bilis naman ng oras.
Binuksan ko ang pinto at saka nakayukong pumasok. Nakakahiya kasi baka mamaya pagtripan na naman nila ako.
Dumiretso ako sa upuan ko. Wala pala si Terese dito. Ano kayang ginagawa non?
"Uhm.. Salamat pala sa damit. I-ito yung bag mo oh" nahihiyang iniabot ko kay transferee yung bag nya na pinunas ko na yung mga dumikit na harina. Nakakahiya din syempre.
Inabot nya naman yon ng nakataas ang kilay. Ganyan ba talaga sya?
"I am Sam by the way" pakilala nya at hindi na ako pinansin.
UWIAN na. Lahat ng mga kaklase ko ay mahahalata ang excited sa mukha. Hindi agad sila lumabas like the usual kaya nagtaka ako. Sinong hinihintay nila?
Nakita ko naman si Sam na nag-aayos ng mga gamit nya na inilabas nya kanina mula sa bag. Ewan kung bakit nya yun inilabas, may pagaka weird din talaga ang isang to e.
"Excited na ako! Saan kaya tayo ililibre?"
"Ako din! Ahihi pers taym talaga may manlilibre sa buong klase. Mayaman siguro sya anuh?"
"Hindi pa ba halata yun? Mula ulo hanggang paa nya ay sumisigaw ng karangyaan"
"Pero ang bait nya no? Hindi sya kagaya ni Terese na porket angat sa buhay ay sobra ng mambully"
"Oo nga! Natatakot lang naman ako sa kanya kaya ko sya sinusunod eh"
Hindi ko magets ang mga kaklase ko. Anong nangyayare sa kanila? Ah! Ang mabuti pa ay puntahan ko na lang si Yong. Tama! Mabuti pa nga.
Lumabas na ako ng room at saka dumiretso sa room ni Yong. Nagliligpit na sila ng gamit. Dinig ko na naman ang malakas na boses ni Marco.
"Mga beks! Kain tayo sa labas , libre ko!" Ramdam kong may kinkain pa sya kasi hindi masyadong malinaw pagkasabi nya.
"Talsik mo naman! Lumalaway! Gagong to, saan ba?" Si Yong yun! Sana isama din nila ako para makatikim naman ako ng libre kahit minsan lang sa buhay ko.
At gusto ko ay sa Mang Inasal! Unli rice kasi. Hihihih
"Mang Inasaaaaaal!!!!!" Sigaw ni Marco na parang anlayo ng kausap.
Pagkarinig ko nun ay agad akong napasugod sa kanila.
"Sama ako!" Gulat na gulat tuloy silang napatingin sa akin. Si Marco ay nabulunan ng sarili nyang kinakain.
"Putek! Pumasok sa ilong koooo!!!" Kasunod non ay ang aming tawanan.
BINABASA MO ANG
I Found Love (On Going)
Teen FictionSi Sam ay isang babaeng walang magawa sa buhay. Kumbaga,lagi na lang syang bored kung kaya't iba't- ibang kalokohan ang mga ginagawa nya na naging dahilan para makick out sya. Sa huling pagkakataon, at sa panghuling school, bago pa pumasok ay...