4.
SAM POINT OF VIEW
Habang kumakain ako ay panay ang tingin sa akin nung principal. Ako ang nasa pwesto nya ngayon habang sya ay sa sofa. Hays! Sabi ko pa naman ay ayokong kumain dito. Kung bakit kasi hindi uso ang rooftop dito eh.
"Gusto mo?" Itinaas ko yung legs ng manok at inialok kay panot pero umiling lang sya.
Eh ano palang tinitingin tingin nya!? Kaurat sya ah! Pinauwi ko na nga pala yung tatlong baliw. Mga pinsan ko sila sa father's side.
Muli kong nginatngat ang legs habang ninanamnam ang juicy nitong laman. Ang sarap talaga magluto ng chef namin ahihih. Pogi pa.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng office at dumiretso sa room. Kung saan ay nagkakagulo ang mga estudyante at hindi ko alam kung bakit.
"Freak! Panget!"
"Wuuuuh! Eto pa ang itlog!"
"Harina pa bes!"
"Eto ang kamatis para sayo!"
Tawanan. Sigawan. Mukhang nagkakasayahan ang mga kaklase ko ah.
"May party ba?" Tanong ko sa isang lalaki na may hawak na dalawang itlog sa kamay.
Napatingin sya sa akin. "Meron" nakangising sabi nya at binigyan ako ng isang itlog kaya napataas ang kilay ko "eto, batuhin mo ang freak na yon dahil salot sya!" Sabi pa nya sa akin.
Nagtaka ako. "Bakit sya naging salot?" Tanong ko ulit.
"Kase naman, itinulak nya si Terese! Hindi nya daw sinasadya eh halata namang may galit sya eh. Anak pa naman yun ng principal"
Oh? Napangisi ako at kinuha ang isa pang itlog sa kamay nya. Anak pala ng principal... Okay?
"TIGIL NGA KAYO! AKO NAMAN!" malakas kong sigaw kaya naglingunan sila sa akin. At nabigla sila ng makita ako pero agad nagsitigil.
Nakita ko pa na ngumisi si kuto. Tss. Sino kaya dito ang Terese na yon? Para ma-terese ko na ng bonggang bongga? Reyna-reynahan na naman.
Napatingin din sa akin yung binabato nila na mukhang nagulat pa at paiyak na. So weak!
"Sino yung Terese?" Tanong ko sa katabi ko. Pasimple nyang tinuro si kuto.
Ay si kuto pala! Aba namumuro na talaga sa akin ang kuto na ito ah.
ART POINT OF VIEW
Tumigil silang lahat sa pagbato sa akin kaya napatingin ako sa paligid. Nakita kong nakangisi si tiris kuto at mga nakagilid yung iba kong kaklase. Doon ko lang napansin na nandito din pala yung transferee na maganda.
Nagtataka akong napatingin ng kinuha nya ang timba na may harina at pati na ang mga kamatis at itlog. May mantika pa nga para complete action daw. Huhuhu grabe na talaga sila! Hindi ko naman sinasadyang maitulak si Terese dahil bigla na lang may pumatid sa akin habang naglalakad eh nasa unahan ko sya. Anak ng principal kaya sunud-sunuran ang mga estudyante sa kanya! Papeymus! Di naman maganda!
May ibinulong sya sa katabi at pasimple naman nitong itinuro si Terese. Huhuhu! Nakita kong naglakad na sya palapit. Pati ba naman sy bubully-hin ako? Akala ko pa naman tahimik lang sya.
Iniyuko ko na lang ang ulo ko at mariing pumikit. Hinintay kong ibato nya sa akin ang mga itlog at harina at kamatis! Kung nandito lang si Yong! Huhuhu
Nagulat ako ng magsinghapan sila! Anong nangyayare? Hinanap ng mata ko si ateng transferee at ganon na lang ang gulat ko nung makitang isinaboy nya ang harina kay Terese. Pati yung mga itlog itinuktok nya sa ulo nito.
"Ugh! Bitch! What are you doing?!!" Galit na sigaw ni Terese. Naku! Ito na nga ba ang sinasabi ko e.
War na naman ba ?
"Obviously, Im pouring all this shits to you! Loser!"
*gasps*
Halos lahat ay nakanganga sa sinabi nya pati ako napanganga. Ang tapang! Pero alam ko ang mga kayang gawin ni Terese. Kaya hindi ako lumalaban sa kanya.
"What I mean is Why!?! Why me!? You idiot! Yang freak na yan ang target, hindi ako!!!" Galit nya pa akong dinuro habang nakatayo na dahil sa galit.
Nakita kong tumaas ang kilay ni transferee.
"Pero ikaw ang target ko eh?" Tila ba inosente pang sabi nito.
Is she defending me? Nakahanap na ba ako ng babaeng kakampi? Huhu! Thank you Lord!
"Hindi mo ba ako kilala?" Maangas na tanong ni Terese. Mukha syang turtang tao.
"Oh, I don't give a damn to nonsense people eh. How about you? Do you know me?"
Anggaling nya mag english! Nakita ko ang panggagalaiti sa galit ni Terese. Sasampalin nya sana si transferee pero nasalag nya yon. Tapos may ibinulong sya na hindi namin narinig.
Basta ang alam ko, natulala sya ng ilang saglit tapos galit na nag walk out.
"Anggaling ko! Bwahahah!" Out of the world nyang sabi habang nakataas ang dalawang kamay at may malaking ngisi sa labi.
Okay? Kalahi nya ba si Marco?
Maya-maya ay nagpalinga linga sya. At sa akin lumanding ang kanyang paningin.
"Mag-ayos ka na ng sarili mo" tapos ibinato nya sakin yung bag nya na agad kong nasalo. Nalagyan pa ng mga harina at itlog. "May damit ako dyan,gamitin mo muna" grabe.
"AT KAYO!" malakas nyang sigaw. Muntik na akong mapatakbo palabas.
Katakot naman ang babaeng yon, pero salamat pa din sa kanya. Tumayo na ako at naglakad palabas.
"LINISIN NYO YANG KALAT NYO, PAG DI KAYO SUMUNOD MAKAKATIKIM KAYO SAKEN! BILIS!" muntik na tuloy akong madapa. Dali-dali na lang akong pumunta sa CR para magpalit ng damit.
What on earth is happening? Sino ba talaga ang babaeng yon? Lakas maka-intimidate! Tipong alam mo agad na nanjan sya dahil sa sobrang lakas ng presensya nya. Napatingin ako sa kanyang bag, wow! Mukhang mamahalin. At ang bango bango pa! Tinignan ko yung damit nya na mukhang bago pa ata kasi may tag price pa. Muntik ko na maitapon! 6000!!!!! Gosh!
_______
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Vote and comment po. ^.^
BINABASA MO ANG
I Found Love (On Going)
Fiksi RemajaSi Sam ay isang babaeng walang magawa sa buhay. Kumbaga,lagi na lang syang bored kung kaya't iba't- ibang kalokohan ang mga ginagawa nya na naging dahilan para makick out sya. Sa huling pagkakataon, at sa panghuling school, bago pa pumasok ay...