San

7 2 0
                                    

3. Damn Handsome

SAM POINT OF VIEW




Pumasok na ako sa kauna-unahan kong klase. Ito ang kauna-unahan kong pasok para makisaling mag-aral simula nung pumasok ako sa school na to. At ayun, mawawala ba ang introduction ek ek? Syempre kaya nga ako nandito sa harap ng mga kaklase ko na nakatingin lang sa akin at inaabangan ata kung ano ang susunod kong gawin.

"ROAR!" biglang sigaw ko sa tahimik na paligid. Natawa ako ng bigla silang mapatalon sa gulat with matching tili nung girls. Hahahaha it's so not me! Nakakatuwa.

"Joke!" Sabi ko at nag peace sign. Nakatingin tuloy sila sa akin ng masama. " Ako po si Sam Nathaniel Gonzales, at kung wala kayong importanteng sasabihin ay wag nyo akong kakausapin" taas kilay kong sabi bago umupo sa tabi ng isang babaeng natutulog.

Kung kailan nasa room saka matutulog. Hay naku! Nakaisip ako ng isang magandang plano. Kumuha ako ng isang chewing gum at saka nginuya ng nginuya ng nginuya pa ulit. Pagkatapos ay kinuha ko sa bibig ko.

"Yuck" rinig kong sabi ng isa ko pang katabi na babae na mukhang kuto na daig pa ang bakla sa pagpilantik ng mga daliri.

Hindi ko sya pinansin at idinikit ko na lang ang chewing gum sa noo nung babae sa right side ko. Tapos kumuha ako ng papel at sinulatan ng 'next time,don't sleep during the class' bago ko idinikit sa chewing gum na nasa noo nya.

Narinig kong tumawa yung nasa left side ko na kuto kaya inirapan ko na lang sya at umayos ng upo. Kahit na ba hindi nakikinig, at least gising!

Maya-maya pa ay naramdaman kong magigising na yung katabi ko kaya nagtaas ako ng kamay.

"Yes Ms. Gonzales?"

"CR lang po" sabi ko at lumabas na. Tinignan ko muna si kuto bago umalis. Inirapan nya ako kaya inirapan ko din sya.

Bago pa ako maduling sa kakairap ay lumabas na ako ng tuluyan. Imbes na sa CR dumiretso ay sa isang bench ako pumunta. Pinagmasdan ko ang buong school pero ang pangit talaga! Ipapaayos ko nga to eh. Sabihin ko kay itay. Meheheh

"Ala! Sakin yun girl walang agawan!"

"Asa ka naman! Mas maganda ako sayo kaya ipalamang mo na lang sakin yun"

Napalingon tuloy ako dun sa nagsalita after hearing the word 'mas maganda ako' at hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong tatlong babae na nag-uusap sa isang bench na katapat ko. Busy yung isa magbasa ng libro habang may hawak na... Anong tawag dun sa kinakain nun? Ah basta! At yung dalawa ay nag-uusap sa kung ano mang bagay. Na-curious tuloy ako.

"Ikaw maganda? Saang banda?" Sinuyod pa ng tingin nung babae yung isa pang babae na sa tingin ko ay maganda naman talaga mula ulo hanggang paa.

"Sa lahat!" Proud na sabi nung isa. Payabangan pala dito. Makaalis na nga!

"Ah basta! Akin lang si Niel!" Yun ang huli kong narinig bago umalis. Babalik na ako sa room. Ano kayang nangyare? Meheheh

ART POINT OF VIEW

Tuluyan na akong nagising dahil pakiramdam ko ay may teacher na. At tama nga ang pakiramdam ko dahil may teacher na nga sa unahan. Nakaupo lang sya habang tinitingnan kaming lahat. At huminto ang tingin nya sa akin kasunod ng pagkunot ng noo nya at ang tawa ng isang bruha na sinundan ng marami pang tawa. Napakunot noo ako at doon ko naramdaman na parang may mali!

Waaaaaah! May bubble gum sa noo ko! With papel. Kinuha ko yung chewing gum gamit yung papel. May nakasulat pala doon!

Grrr! Napatingin ako kay Terese na nangunguna sa paghagalpak ng tawa. Sya siguro naglagay nito!

I Found Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon