Nana

11 1 0
                                    

7. Buy my mangoes

ART POINT OF VIEW

"Aanhin ba natin ang mga to?" Tanong ko kay Marco.

Kasalukuyan kaming nandito sa poso sa gilid ng school at hinuhugasan yung mga manggang nakuha namin. Si Niel yung taga tungga, ako tagahugas, si Yong ang taga punas at si Marco ang boss! Sarap kotongan ng ungas!

   Nakadekwatro lang dun sa gilid habang nakatingin sa amin at nagngangatngat ng mangga.

"Basta! Sumunod na lang kayo" sabi nya sa amin kahit ako lang naman yung nagtanong.

Ang weird talaga nitong si Marco!

"Dahan-dahan naman sa pagtungga Niel, nababasa yung sapatos ko!" Inis na sigaw ni Yong

    "Tagapunas ka nga lang jan eh. Kaw kaya magtungga!"  Padabog na nagtungga ulit si Niel kaya mas lalong nagtalsikan ang tubig at halos mabasa na ako.

    "Ano ba!" Sigaw ko "dahan dahan nga kayo jan!"

Napakamot na lang sa ulo si Niel at dahan dahang nagtungga. Para saan kaya ang mga to? Alangan kainin namin? Eh hindi naman kami mahilig sa ganito,sa pagkakaalam ko.

    "Tara na!" Masayang sabi ni Marco pagkatapos namin mahugasan lahat ng mangga.

Pumasok ulit kami sa school at gayon na lang ang pamumula ko sa hiya dahil sa ginawa ni Marco.

"BILI NA KAYONG MANGGA! MANGGA KAYO JAN! BILI NA KAYO!" Gosh! Nakakahiya sya!

   Pati sina Yong at Niel ay napakunot ang noo at tinapik sa balikat si Marco na agad tumingin sa kanila ng masama. Napaurong na lang tuloy yung dalawa at umiling.

   "Miss, bili ka na oh, limang piso lang!"   Sabi ni Marco sa isang babae na nagbabasa ng libro sa bench.

"Sige, bigyan mo ako ng...." Tumingin sya kay Niel at nagkagat labi. Putek? "Sampo.." Malanding sabi nya. 

Agad na ibinigay yon ni Marco at kinuha ang bayad ng babae. Aba! May benta na agad si baliw.

SAM POINT OF VIEW 

"ayan.. Jan nga kuya! Perfect!"  Sabi ko at pinagmasdang mabuti ang ref sa sulok ng magiging private room ko. Sinabi ko na din sa kanila ang gusto kong design na agad nilang sinunod.

   Ang sarap talaga sa feeling na may sumusunod sayo. Ahihih! Buti na lang at magaling pala talaga ako. Inilagay ko na sa ref yung mga chocolates ko.

   "Mga friend, aalis lang muna ako saglit ah! Bilang ko yang chocolates sa ref!"   Tumango lang sila sa akin kaya lumabas na ako.

At sa paglabas ko ay sobrang wirdo ng paligid dahil lahat sila ay may hawak na mangga. Uso ba yun ngayon? Bakit hindi ata ako updated doon?

"MANGGA PA KAYO JAN! DALAWA NA LANG TO!,BILHIN NYO NA!"    Napatampal na lang ako sa noo ng makita ko si Marco na may hawak na supot. Nakasunod sa kanya yung tatlo nyang alagad.

  Sya ang nagbebenta? Tamo nga naman, napaka wirdo talaga ng mga tao dito. Napailing na lang ako at dumiretso na sa office ko na ipinahiram ko kay panot.

Pagkapasok ko ay napangiti ako dagil nagkusa ng umalis sa kanyang trono ang principal dahil luluklok muna ang dyosa.

   "Ms. Gonzales, what craziness are you doing?"  Napataas ang aking kilay dahil sa narinig ko kay panot.

Aba? Tumututol ba sya sa ginagawa ko?

"You don't care" irap ko. Kainis ah, papakialaman pa ata yung brilliant idea ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Found Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon