CHAPTER 4: Crush

10 0 0
                                    

Fam's POV

One week na rin kaming pumapasok sa school. Maganda naman pagsstay ko dito, buti na lang dito ako pumasok. Mas nagiging close kami nina Cass at Skye, akala ko nung una mga matataray sila, yun pala hindi. Eh sino ba naman kasing makikipagkaibigan sa nerd na gaya ko diba? Wala pa nga akong nagiging boyfriend eh. Sobra kasing strict ng mga parents ko, gusto nila aral muna talaga. Pero naniniwala naman ako sa kanila at effective naman yung ginagawa nila sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang since Grade One lagi akong valedictorian. Pero nung Grade Seven ako muntik na akong hindi magfirst kase nagkacrush ako sa isang lalake ng sobra sobra. Kaya after nun, I promised na mag-aaral muna ako.

"Hoy! nakatulala ka na naman, tara na sa loob, malelate na naman tayo" sambit ni Skye.

"Ah sige, tara na" kakatapos lang ng lunch namin. Aakyat na kaming tatlo sa taas kase bawal ng malate.

Pagdating namin sa taas madami ng students, luckily wala pa ang prof.

Ang cute naman ni Justin, kaya ginaganahan akong pumasok eh. Hahaha joke lang, study first muna hahaha. Umupo na ako, katabi ko Justin, hahaha.

"Uhm Fam, right?" Omg!, tinawag nya ako, kilala nya ako! waaaahhhhh

"Ye-Yes?, uhhm, ww why?" tanong ko.

"Can I ask you a favor?" tanong ni Justin.

"What favor?" namumula na ako feeling ko.

"Absent kase ako kahapon, eh marami daw akong namiss na lessons, ayaw naman akong tulungan nung dalawa, can you help me?" malambing nyang anong, grabe ang cute talaga ni Justin, pinakikilig ako grabeee.

"Su-sure!" nakasmile kong sagot.

"Kung pwede sana mamaya after class sa bahay namin, pwede ka?" Tanong nya.

"Okay sige, wala namang pasok bukas eh." sagot ko naman, Kinikilih ako grabe sana hindi nya mahalata.

Dumating na yung prof namin. Sabi nya may iaannounce lang daw sya. Sabi nya early dismissal daw, may seminar daw ang lahat ng prof. Syempre ako natuwa kase magkakaroon kami ng more time ni Justin, hahaha charot.

Lumapit sa akin sina Cass at Skye. "Gala tayo mamaya!" aya ni Cass.

"Ah eh, may pupuntahan ako eh" nagpipigil ako ng smile ko kase baka tanungin pa nila kung saan.

"Fam, namumula ka oh? Bakit?" pangaasar ni Skye. "Kaya pala di makakasama ha, may boyfriend ka na no?, yiiieehhh!" Sinusundot sundot nya pa yung tagiliran ko.

"Fam ha, bakit di mo sinasabi sa amin?" isa pa tong si Cass, lalo tuloy akong kinilig.

"Wala ah! Study first muna ako! wal akong boyfriend!" parang guilty akong sumagot ah? Wala naman talga eh.

"Ikaw ha! di ka nagsasabi!, sige na bukas na lang tayo mamasyal, wala namang pasok bukas" sambit ni Skye.

"Okay sige" sagot ko naman. Umalis na sila at bumalik sa upuan nila. Naghihintay na lang ang lahat na mag 3 para makalabas na.

"Fam?"tawag ni Justin

"ye-yes?" nauutal kong sagot. Ala bakit ganito nararamdaman ko?

"Can I get your number?" malambing na tanong ni Justin.

"MY NUMBERRRR?!" napasigaw ako sa gulat first time kase na may humingi ng cellphone number ko tapos si Justin pa. Di ko napansin nakatingin na pala lahat sa akin "Ayy, sorry guys, sige tuloy nyo lang ginagawa nyo" palusot kong sinabi.

"Oo, para itetext na lang kita mamaya sunduin na lang kita, okay lang naman kung ayaw mo" sagot naman ni Justin.

"Ah hindi hindi, okay lang" akala ko naman kung ano na, kaya pala kinukuha number ko para mamaya, ang assuming ko naman hahaha "Akin na yung phone mo Isesave ko na lang" inabot nya naman yung phone nya sa akin then sinave ko na. Nakita ko yung Wallpaper nya, picture nya na may kasamang babae, ganda naman nya.

Inabot ko na yung phone "girlfriend mo?" nacurious lang ako, masyado na ba akong nanghihimasok? hahaha.

Nagsmile sya, sasagutin nya na dapat yung question pero nagsipagtayuan na lahat, uwian na daw. Haayy taken na pala sya eh.

"Uwi muna ako ha, magpapalit lang ako ng damit, text mo na lang ako" sambit ko.

"Okay sige, see you later" sagot nya.

Umuwi na ako, pagdating ko sa bahay, grabe ang hirap pumili ng damit ha, nagpatulong pa ako kay Hannah, younger sister ko, na pumili ng bagay a damit. Inasar asar nya pa ako ha, kapatid ko talaga hay nako.

Nagtext na si Justin asking what is my address, so tinext ko na lang yung complete address ko. After mga five minute nagtext ulit sya na nasa labas na raw sya ng bahay namin, kaya lumabas na ako. Pinagbuksan nya pa ako ng pintuan ng kotse nya, ang gentleman naman ni Justin, unlike Chase an Sam.

"Malapit lang pala yung bahay nyo sa amin eh" sabi nya.

"Oo nga eh ang bilis mo nga eh"

Nakarating na kami sa bahay nina Justin, pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

"Bakit walang tao?" napansin ko na puro maid lang yung nandun.

"only child kase ako, tapos parehas ng magulang oo nasa trabaho" sagot nya, ayy buti hindi sya nalulungkot na mag isa.

"Ah okay, tara let's start na" gusto ko pa sana syang tanungin pero masyado na atang personal yung mga tanong ko.

Nagstart na kami, may ilang oras na rin syang tinuturuan, grabe ang cute at ang gwapo nya pa rin kahit na stress na stress na sya. Medyo chinito pala sya, tapos tangos pa ng ilong, kinis pa ng mukha parang di tinutubuan ng tagyawat.

"Hey, hey? Fam? Okay ka lang?" ayy di ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya, grabe nakakahiya.

"Ah okay lang, iniisip ko lang yung possible answer dun sa tanong kanina" palusot ko naman, mukha namang naniwala sya hahaha.

"Dinner muna tayo" aya nya. Ayy 7 PM na pala, hindi ko na namalayan ang oras, ang bilis naman.

Pumunta na kami sa dining table nila, ang gentleman talaga sya pa nagpaupo sa akin, tinulungan nya akong hilahin yung upuan na uupuan ko. Nagkakwentuhan pa kami kaya medyo nagtagal pa kami sa lamesa, mas lalo ko syang nakilala. After nun bumalik na kami sa sala paa ituloy yung pagtuturo ko sa kanya.


Di ko na naman namalayan na patapos na pala kami. Nung natapos na, chineck ko yung oras. Nako! 11 PM na! lagot ako kay monmy! kuminuha ko yung phone ko sa bag ko tapos pagkatingin ko puro missed calls from, mom, Hannah, Cass at Skye. Puro text din nila yung mga nakita ko.


Fam nasan ka na, umuwi ka na gabi na.

Ate! san ka ba nagpunta hinahanap ka na ni mommy, akala ko nakina ate Cass at ate Skye ka.

Hoy Fam lagot ka sa mommy mo!

Fam Nasan ka na daw, hinahanap ka na ng mommy mo.

"Ayy, uwi na ako Justin" pagpapaalam ko.

"Sige hatid na kita, pasensya ka na ha" cute talaga grabe, parang ayaw ko pa tuloy umuwi.

"Okay lang yun" sagot ko naman.

Hinatid nya na ako sa bahay, pinagbuksan nya pa ako ng pintuan sa kotse nya, tapos hinintay nya akong makapasok bago sya umalis. Pagpasok ko sa loob nandun si Mommy, syempre nagexplain ako, pero sabi ko lumabas lang ako at namasyal, naniwala naman sya kase honest naman ako lagi sa kanya, but not this time.

Humiga na ako sa kama ko, bakit ganun? Nauutal ako pag kausapa sya, di ako makapagfocus pag kaharap ko sya, namumula at nagbublush ako minsan, nagawa konv magsinungaling sa magulang ko para sa kanya, parang ambilis ng oras.



Ala lagot na, baka Crush ko na si Justin.






Next Chapter: Group Project

University RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon