Skye's POVMay three days na rin akong di tinatawag na baby ni Sam, three days na rin syang tahimik hayy, ano bang meron dun? may sakit kaya sya? may problema kaya? o baka di nya lang ako trip ngayon, o baka, ayaw nya na. Hayy ano ba? bakit ako ganito? Bakit ako apektado? Nakakaasar naman oh.
"Hoy, bruha, lalim ng iniisip mo ah! share naman!" pangaasar ni Cass.
Nasa library kami ngayon nakatambay tatlo, dito kase tahimik.
"Wala akong iniisip no?" sagot ko naman.
"Eh bakit parang ang lungkot mo?" isa pa itong si Fam eh.
"Wala nga." pinipilit ko talaga na wala akong iniisip haayyy kahit meron.
"Eto lang ha, pansin ko lang, bakit parang magmula nung di ka na inaasar ni Sam, bakit parang ang lungkot lungkot mo na, di na ikaw yung dating Skye eh, ayy alam ko na! Namimiss mo sya no?, yiieeehhh!" Hay nako si Fam, akala ko matalino lang, yun pala taga basa rin ng utak.
"Hala! Oo nga no?" sagot ni Cass, nako iintrigahin na naman ako ng dalawang to.
"Aamin na yan! Sige na halata ka masyado! amin na!" Pangaasar ni Cass
"Oo nga, halata na masyado! Namimiss mo sya no?" kelan pa natutong mang asar si Fam?
"Aamin na yan! Aamin na yan! Aamin na yan!" paulit ulit nilang pabulong na sinasabi.
"Oo na! oo na! Miss ko na sya? Hindi ko alam pero affected ako ng sobra! Ewan ko bakit parang nagseselos ako dun sa nililigawan nya" ayy nako bakit ko nasabi to? lagot na.
"Hala? Inlove na si Skye!" sabi ni Cass
"Hindi no? naninibago lang ako" sagot ko naman.
"Wag kami Skye, kita ko sa mga mata mo!" sagot naman ni Fam.
"Ganyan din ako nung narealize ko na inlove ako kay Zach" sabi naman ni Cass. By the way si Zach nga pala yung ex ni Cass, boyfriend nya from grade 8 to grade 12.
"Ewan ko, naguguluhan na rin ako eh, hindi pwede eh, hindi ako pwedeng mainlove sa kanya, di kami compatible" dahan dahan kong sinabi.
"Alam mo Skye, di mo talaga makokontrol yang feelings mo, hindi ka naman maiinlove kung walang bagay na nagpush sayo eh, nainlove ka kase may part sa kanya na nagustuhan mo" payo ni Fam.
"Wow nagsalita ang may lovelife" pangaasar ko.
"Ano ka ba! syempre may alam din naman ako" naaasar nyang sagot.
"Affected ka, Nagseselos ka, Ayaw mong may nililigawan syang iba at lagi mo syang iniisip, sure ako 100% inlove ka kay Sam" Seryosong sinabi ni Cass.
"Hayy, siguro nga, oo ngayon lang nagsink in sa utak ko lahat ng ginagawa ko, hindi ko kelanan pigilan to, papanindigan ko na, I'm inlove with Sam" sagot ko naman.
"Yiiieeehhhhhh!" kinilig ang mga bruha.
"Sssshhhhhhhh! quiet!" nagagalit na sinabi nung librarian.
"Labas na tayo, tara na" yaya ni Fam. Lumabas na kami sa Library.
"Tara sa Parking Lot!" yaya ni Cass
"Oo nga tara dun!" Sabi naman ni Fam.
"Wow ano yun dun tayo tatambay? ganun?" sagot ko naman.
"May kukunin lang ako sa kotse ko" sabi ni Cass.
"Ako rin, naiwan ko ata yung charger ng phone ko sa kotse ko eh" sabi naman ni Fam.
BINABASA MO ANG
University Rivals
Teen FictionIsang school na nahahati sa apat na clusters ang Geeks, Sassy Girls, Hot dudes at Isolated. Paano kung nagkasamasama lahat? Maging compatible kaya? o puro kaguluhan na lang?