CHAPTER 14: Sem Break

7 0 0
                                    

Cass' POV

Asan na kaya yung mga yun? 10 Minutes na lang magsisimula na ang klase wala pa rin yung limang yun, loner tuloy ako. Hindi ko naman macontact mga nakaoff ata ang phone, hayy.

"Cass! ang aga mo naman!" boses ni Skye.

Napalingon naman ako sa harap. "Anong maaga? Tanghali lang kayo! Nakakainis kayo" naiinis kong sinabi "San ba kayo galing na lima? Bakit kayo magkakasama?"

"Nagkasabay sabay lang kami, sobrang late na tayo nakauwi kagabi eh kaya nalate ng gising" sabi ni Sam.

"Oo nga" dag dag ni Fam.

"Oh nandyan na!" sabi ni Justin

Dumating na ang Prof namin, nakasmile sya sa amin, mukhang maganda ang mood niya ah.

"So this week, is the last week of our first sem" sabi ni Miss.

Sigawan sila lahat ah, saya naman nila, buti pa sila, badtrip pa rin ako sa limang to.

"But, For sure, Magiging prof nyo ulit ako sa isang bagong subject next sem" dagdag pa ng prof.

Kitang kita ko yung frustation sa mukha ng ilan kong classmate, ayaw kase nila sa prof na ito eh.

"Oh Miss Cass? Bakit parang galit ka? Ayaw mo ba akong maging prof sa next sem?"

"Ayy Hindi po, gusto po gusto po" wow ha, ako pa talaga yung napansin, eh wala naman akong issue sa kanya, ahh basta, may tampo pa rin ako sa limang to. Alam ko kase na may ginawa tong mga to kanina eh, hindi lang ako sinama. Bakit? Ayaw na ba nila ako? Hay nako sasama ng ugali nila, nakakaasar, kaiiniiss! Hay bahala sila.

Lunch na namin, pero hindi pa rin ako nagsasalita, nakakainis talaga eh.

"Sabay na ulit tayong kumain?" Yaya ni Chase.

Pumayag naman lahat pero ako lang yung hindi pumayag.


"Hala, Si Cass, nagtatampo ka no?" sabi ni Skye.

"Asa pa, bakit naman ako magtatampo" sagot ko.

"Eh bakit ka ganyan? Kilala ko yang mga ganyang galawan Cass, wag ako" sabi ni Fam.

"Sige na kumain na kayo, may kasabay ako" sabi ko.

"Sino? Si Matt na naman?" tanong ni Sam.

"Oo bakit? May problema?" tanong ko naman.

"Wala naman, sige bahala ka, bye" sagot ni Sam, sabay umalis na sila.

Galing naman, iniwan talaga ako ng totoo, sasama na sana ako eh, kung pinilit pa ako, hayy bahala sila, nakakainis sila.

"Cass!"

"Oy Matt?" sagot ko.

"Kain tayo?" tanong nya.

"Sure!" eh wala naman na din akong makakasama, sige sasama na ako kay Matt kahit manliligaw ko pa lang, bwisit kase talaga yung limang yun eh.

Kumain kami ni Matt, ang sarap nyang kausap, tapos parang sobrang gentleman talaga, nakakainlove pa ang boses hahaha. Kakatapos lang naming kumain tapos nakita ko yunh lima nakatambay sa Mini Park, hindi man lang ako naisipang tawagan.





"Matt, una ka na ha, may iimbistagahan lang ako" sabi ko kay Matt, mag aalaDetective muna ako, titignan ko kung anong pinaguusapan ng limang to habang wala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

University RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon