Chase's POV
Monday ngayon pero half day lang hahaha, gagala na naman. Niyaya ko silang lima na pumunta kami ng amusement park after ng klase, pumayag naman sila hahaha.
Napagdesisyunan namin na hiramin na lang yung kotse ng Daddy ni Sam, mas malaki kase para kasya kaming lahat. After class, lumabas na kaagad kami ng campus.
"Teka, nasan si Cass?" tanong ni Fam.
"Ewan ko sa inyo? kayo yung magbebestfriend dyan eh" sabi ni Sam
"Wow ha, nappreciate ko yung informative mong sagot" naasar naman na sinabi ni Fam.
"Tawagan nyo na" sabi ko naman, di pwedeng umalis ng wala si Cass, hahaha, kaya nga ako nagyaya eh.
"Hello? Cass? San ka na? paalis na tayo" sabi ni Skye.
"Ah okay sige, sino?" tanong ni Skye "aah okay, sige, bilisan mo"
"Nasaan na daw sya?" tanong ni Justin
"Papunta na dito" sabi ni Skye "May kasama daw sya, dito nya na lang daw ipapakilala" dagdag pa ni Skye.
After few minutes, dumating na si Cass, may kasama nga sya, lalaki, sino kaya yun?
"Hi guys! Si Matt na pala" sabi ni Cass
Tapos nagpakilala na silang lahat.
"Sya ba yung sinasabi mo na nanliligaw sayo?" tanong ni Skye
"Hahaha" tumawa lang si Cass
"Yieeeeehhhhh!" sigaw ni Fam "Kayo ha, wag masyadong sweet mamaya hahaha"
Manliligaw?! Mas gwapo naman ako eh, mas matangkad pa, mas maputi pa. Di sila bagay ni Cass, mukha silang ewan. Bakit ba kasama pa yun dito? dapat di na sumama yun.
"Oh tama na yan, tara sakay na tayo alis na tayo" sabi ko.
"Chill lang Chase, bakit parang namumula ka? parang galit ka? ayos ka lang? selos ka?" pang aasar ni Sam.
"Asa ka, hindi ah, baka kase mahuli na tayo, matraffic kaya" palusot ko.
Habang nasa daan kami, buti na lang di masyadong traffic ngayon. Ang ingay ingay nila sa sasakyan, si Sam kausap si Skye, Si Fam kausap naman si Justin, tapos magkausap din sa Cass at itong si Matt. Edi sila na couples, ako na yung mag isa. Nagheadset na lang ako at nagsound trip, di ko namalayan nakatulog na pala ako.
"Hoy, Chase gising na, nandito na tayo" sabi ni Cass. "Nasa labas na sila tara na"
Lalabas na sana si Cass "Wait" nahawakan ko yung kamay nya.
*Dug Tug *Dug Tug *Dug Tug
Binitawan ko naman agad " Ah uhm hintayin mo na ako, wait lang" sabay na kaming lumabas ng sasakyan.
Pumasok na kami sa loob, sa totoo lang I'm afraid of heights, mababa ang nausea tolerance ko kaya, madali akong mahilo pag sumakay ako ng nga rides, pero syempre ako nagyaya kaya kelangan.
Sumakay muna kami sa Free Fall, Nako dun pa talaga yung una, titibay naman ng mga kasama ko hahaha.
Habang umaakyat ng dahan dahan, unti unti kong nararamdaman yung takot, sobrang taas na kase eh, di ko alam kung kelan babagsak.
Ah Sam, matagal pa--" tanong ko ng biglang "Waaahhhhhhhhhhhh" Iwan ang kaluluwa sa taas hahaha buti nga bumalik pa.
Halos di na ako makasigaw sa takot, grabe first time kong sakyan yun, masusuka na sana ako pero wag nakakahiya hahaha, pagbaba namin, ramdam ko pa rin yung hilo.
BINABASA MO ANG
University Rivals
Fiksi RemajaIsang school na nahahati sa apat na clusters ang Geeks, Sassy Girls, Hot dudes at Isolated. Paano kung nagkasamasama lahat? Maging compatible kaya? o puro kaguluhan na lang?