CHAPTER 12: Secretly Dating

3 0 0
                                    

Fam's POV

"I Think, I'm inlove with you" Hindi talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Justin. Totoo ba talaga yun? Baka naman nanaginip lang ako? Hayy ano bang oras na?

"What? Hala 6:47 na! malelate na akoo!" sabi ko sa sarili ko. Nagmadali akong naligo at hindi na ako nagbreakfast, late na kase ako eh. Buti na lang di masyadong traffic ngayon. Nakarating ako ng Classroom ng mga 7:14 late na nga ako, but luckily late din ang prof namin hahaha kaya timing yung pagkakalate ko hahaha.

Umupo na ako sa upuan ko then may nagsalita. "Fam" sabi ni Justin. Dahan dahan akong lumingon

"Jus-" hindi na natuloy yung sasabihin ko.

"Okay Good Morning, Soryy kase late ako, may inasikaso pa kase ako" sabi ng prof.

Bakit ba laging hindi kami magkausap ni Justin ng ayos? lagi na lang may hadlang hahaha, wow parang kami na ah. hahaha.
Then suddenly biglang nagvibrate yung phone ko. Someone texted me, Si Justin pala.


Justin: Okay ka lang?

Ako: Okay lang naman, ikaw?

Justin: Okay lang din, narinig mo ba yung sinabi ko sayo kagabi?

Ako: Anong sinabi mo?

Justin: Di mo naintindihan, okay sige, nevermind.

Tumingin ako sa kanya, kita ko yung lungkot sa mata nya.

Ako: Wait, totoo ba talaga yun? o nangtitrip ka lang?

Justin: Anong totoo?

Ako: Yung sinabi mo na you think you're inlove with me?

Justin: Totoo yun! Seryoso ako.

Ako: Justin, hindi ko to nasabi sayo kagabi kase dumating na sila, but I'm also inloved with you since then.

Nagkatinginan kami tapos, ngsmile sya sa akin, nagsmile back din naman ako. Ang cute nyang magsmile, nakakainlove naman kase talaga sya. Handsome in different angles.

Justin: So, pwede ba akong manligaw?

Magtetext na dapat ako pero napansin ko ang prof namin nasa harap na namin ni Justin.

"Ms. Kingsley and Mr. Sarmiento, what are you doing?! Give me your phone! Oras ng klase! Hindi kayo vacant ngayon!" sigaw ng prof.

"Sorry po" sabi ko

Lunch na, hindi pa rin namin nakukuha yung phone namin.

"Guys! Sabay sabay na tayong maglunch?" yaya ni Cass

Lumabas na kami room para pumunta ng cafeteria.

"Sa labas na lang tayo kumain" sabi ni Chase.

"Sa cafeteria na lang para malapit." sabi naman Sam.

"Sa cafeteria na lang, papakalayo pa tayo" sabi naman ni Cass.

Habang nagtatalo sila kung saan kakain, may naramdaman akong biglang humawak sa kamay ko.

*Dug Tug *Dug Tug *Dug Tug

Hinawakan nya ang kamay ko! kinakabahan ako. Nagkatinginan kami, feeling ko nagbublush ako, totoo ba talaga to?

"Ikaw Fam? San mo gusto?" singit ni Skye.

"Ayy leche" nagulat ako kay Skye, baka mahuli kami ni Justin na magkaholding hands, kaya tinulak ko palayo si Justin."Sabi ko naman kasi sayo Justin dyan na lang sa Cafeteria eh" palusot ko.

University RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon