Skye's POVMonday na naman hayy, nakakatamad namang pumasok. Natapos naman namin yung project namin which is good hahaha beyond expectation eh, akala ko di matatapos kase nga di kami magkakasundo.
Papasok na ako ng room, nandun na yung dalawang bruha pati yung tatlong lalaki.
Uupo na ako sa upuan ko, nagsmile ako kay Chase nag smile back naman sya, napatingin naman ako sa right ko nagsmile din ako kay Sam. Wow naman ang famous, di manlang nagsmileback.
"Wow ha, ang famous mo naman Sam" pangaasar ko.
Pero di ulit ako pinansin, ang snob naman. I hate being ignored. Di na lang ako nagsalita ulit. Dumatinb na ang prof at nagsimula na ang klase, pansin ko lang hindi masyadong nangungulit ngayon si Sam, dati kase sobrang ingay nya sa klase. Ano kayang nakain ng lalaking to? Teka, bakit ko ba sya pinoproblema?, ano bang pake ko?
Natapos yung tatlong subject na tahimik tong si Sam, nakakapanibago.
"Guys kain naman tayo, sabay sabay para icelebrate yung success ng project natin" aya ni Chase.
"Sure! why not?, tara?" sagot ni Cass.
Tumayo na lahat except kay Sam "Uy Sam, tara na?" aya ni Justin
"Ayoko, kayo na lang" pagtanggi ni Sam
"Sure ka? sige na tara na" Aya ni Fam.
"Di ayaw ko talaga, may kasabay na ako eh" sagot naman ni Sam.
Sino kayang kasabay kumain ni Sam? tatanungin ko sana kaso nagsipaglabasan na sila at tsaka ano ba namang pake ko kung may kasabay syang iba.
May napansin ako, sa grupo namin sama sama yung apat na clusters, parang ang galing naman kase yung dating di magkakasundo magkakasabay ng kumakain ngayon.
Habang kumakain kami bigla na lang akong napaimik "Guys, ano bang nangyayari kay Sam?" hala bakit ko natanong yun?.
"Yiiieehh" pangaasar nung dalawang bruha.
"Bakit mo natanong?" tanong ni Chase.
"Wala, nevermind, nacurious lang" sagot ko naman.
"Kase sa pagkakaalam ko may nililigawan yun" Sagot ni Justin.
Bigla akong napaubo buti na lang inabutan agad ako ng tubig ni Fam.
"Ah okay, good for him, para naman di nya na ako ginagambala" sagot ko naman.
Natapos na kaming kumain at bumalik na agad kami sa room.
"Ay Cass, Fam tara sa CR" aya ko.
Sinamahan nila ako sa CR, habang naglalakad, nakita ko si Sam may kasamang babae sa may mini park. Maganda, pero mas maganda ako no. Mukhang Sassy Girls yung cluster nya, mukhang mabait, pero mas mabait ako sure ako. Aba ang sweet naman nung babae, may papisil pisil pa ng pisngi ni Sam, akala mo naman sila na, eh nililigawan lang naman sya. Tumayo silang dalawa mukhang ihahatid na ni Sam sa room nila.
"Fam, Cass punta na kayo sa CR susunod na ako." utos ko sa dalawa.
"Sige bilisan mo ha" sagot ni Cass.
Sinundan ko yung dalawa, medyo malayo ako kase baka makita pa ako ni Sam, wow naman, magkahawak pa ng kamay, akala ko ba nililigawan lang? Naririnig ko yung mga bulungan nila.
Wow swerte naman ni Girl.
Bagay na bagay sila.
Sana ako na lang yung girl.
Eh di sila na ang perfect couple! Sya na ba yung bago nyang baby? hayy di ko napansin na halos malapit na pala ako sa kanila, tapos biglang napalingon si Sam.
"Skye? Why are you here?" lagot na nakita ako ni Sam.
"Ah punta sana ako ng infirmary, masakit kase puso ayy puson, masakit puson ko." sabi ko naman.
"Ahh, nagkamali ka ata ng daan, doon yung Infirmary oh" sabay turo sa likod ko.
"Ayy, oo nga no? haha sabi ko nga, nagkamali ako" hayy ang tanga tanga ko naman, susundan na nga lang nahuli pa, hayy babalik na nga lang ako sa room.
"Hoy, Skye, san ka ba nagpunta? naghintay kami sa CR ha!" ayy oo nga pala nalimutan ko na.
"Ay pasensya na" mageexplain pa sana ako ng biglang dumating si Sam, umupo na sya.
Dumating na ang prof, mga after five minutes may narinig akong boses. Yung nililigawan ni Sam.
"Uh, Can I excuse Sam?" sabi nung babae. Talagang hanggang sa klase ha. Tumayo naman si Sam at lumabas.
Bumaling ako kay Chase, "Uy ano ba naman yang dalawang yan! di na naghiwalay, kakahiwalay lang nila tapos mageexcuse pa during class, akala ko ba nililigawan lang, eh bakit parang sila na?" tanong ko kay Chase.
"Pano mo nalaman na magkasama sila?" nakasmile na tanong ni Chase.
"Ahh, ehh diba sabi nya kanina mag kasabay na syang kakain, baka sya yung kasabay" palusot ko.
"Okay, oo di pa sila, pero malapit ng maging sila" sagot naman ni Chase.
Ewan ko pero bigla akong pinagpawisan.
Hala bakit kaya ganito nararamdaman ko? bakit masyado akong affected kay Sam? bakit parang nagseselos ako? hala lagot na, baka, inlove na ako sa kanya, di pwede. Bakit ko namimiss yung pangungulit nya? Bakit ko namimiss yung pangaasar nya? Bakit ko kinukumpara yung sarili ko sa nililigawan nya? at Bakit ko namimiss yung pagtawag nya sa akin ng Baby? Baka nga inlove na talaga ako sa kanya.
Next Chapter: Losing My Mind
BINABASA MO ANG
University Rivals
TienerfictieIsang school na nahahati sa apat na clusters ang Geeks, Sassy Girls, Hot dudes at Isolated. Paano kung nagkasamasama lahat? Maging compatible kaya? o puro kaguluhan na lang?