13 | Ed

55 8 1
                                    

IVAN'S POV

unti unti akong lumapit sa katawan nyang maraming nakakabit na kung ano ano.

umupo ako sa gilid ng kama nya at hinawakan ang nanlalamig nyang kamay.

"Hey.. Alam kong naririnig mo ako" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang kamay nya

"Wala akong masabi e.. hindi kasi kita kayang makita ng ganyan...."

"aalis na kami mamaya" sabi ko habang nakangiti sa kanya, alam kong naririnig at nararamdaman nyang nasa tabi nya ako "Kahit na iiwan kita, wag mo naman sana akong iwan ng pangmatagalan.. hindi ko kakayanin e.." sabi ko habang pinupunasan ang kaunting luha sa mga mata ko "ikaw ang pinaka the best na kaibigan sa buong mundo.. sinasamahan mo ko pag broken hearted ako.. hahaha sinasabayan mo ko sa mga kalokohan ko.. pinapautang mo ko kapag kulang yung allowance ko.. hahaha, binibigyan mo ako ng advise kapag manliligaw ako hehehe" sabi ko at inilagay ko ang kamay nya sa mukha ko "Oo nga pala.. may ipapakilala ako sayo.." inilabas ko ang cellphone ko

"Eto nga pala yung girlfriend ko.. ipapakilala ko sya sayo kapag nagising ka na.. hindi ko pa sasabihin yung pangalan nya kaya kung gusto mong malaman, kailangan kayanin mo to.. kailangan magising ka agad ah!" sabi ko sa kanya habang ipinapakita sa kanya ang picture namin ng girlfriend ko

*tit* *tit* *tit* *tit* *tit*

nakikita at naririnig kong bumibilis ang tibok ng puso nya. alam kong masaya sya.. sana masaya sya sa amin.

"Sorry nagtago ako sayo ha? 5 months na kaming mag on, dahil bestfriend kita, sayo ko sya unang ipapakita. promise, hindi ko muna sya ipapakita kila mom at dad. dadaan muna sya sayo bago sa kanila, basta sasabihin mo sakin kapag kayo na ni Dax ah? hahaha joke lang" sabi ko pa at ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ko

nakita kong pumapatak ang mga luha nya.

"bes? bakit ka umiiyak?"

*tit* *tit* *tit* *tit* *tit*

biglang bumilis ulit ang tibok ng puso nya. maya maya pa ay bumalik ito sa normal nung pinunasan ko ng ang mga luha nya

"Alam kong alam mo na to, pero ipapaalala ko ulit sayo. nung bata ako, gusto kong magkaroon ng kapatid na babae na mas bata sakin, tapos dinala ako ni daddy sa bahay nyo nagkakilala naman kami ni Izzy. tapos bigla kang tumakbo dahil hinahabol ka nung aso ko, tapos nagkabungguan tayo, naalala ko pa non parehas tayong umiyak kasi parehas tayong may bukol hahaha" sabi ko sa kanya habang inaayos nakahawak sa pisnge nya

"Unang away natin non, unang beses ding pagkikita natin. tapos pinagbati tayo ni kuya Izzy hehehe. naaalala ko pa nga yung duyan sa cemetery e. nung inoperahan si kuya Izzy, parang may kulang sakin, wala sya at wala ka din.. ilang buwan din naging boring ang buhay ko non, di naman ako makasakay sa mga trip ni ate dahil puro barbie ang hawak nya hehehe" pagpapatuloy ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mata ko, hindi ko pinapahalata sa kanya "Sana pagkagising mo, walang magbago sayo ah! bro mo pa din ako.."

Minsan ko pa ulit syang tinitigan at nagsalita muli

"Isa ka sa mga bagay na kumumpleto sa buhay ko, at nangyari sa buhay ko. mahal na mahal kita dahil kapatid ang turingan natin sa isat isa, at ayaw kong mawala ka.. baka ikamatay ko pag nangyari yon... kung hindi man, baka magaya ako kay ate Jillian. pwhew..hanggang sa paglaki natin, kahit may mga asawa na tayo, ikaw pa din ang bestfriend ko at walang magbabago doon." wala na akong masabi sa kanya kaya naman kumanta nalang ako habang nakaintertwined ang mga kamay namin

Inevitable (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon