"A-anong nangyari sa kanila?" Nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"Pagod na ako, mamaya nalang muna bes."
"Bro.. pero teka lang, gusto mo tawagan ko si Ate Ellize" kinuha ko ang cellphone ko.
Pero pinigilan nya ako.
"Wag na bes.. please ayoko munang mag-isip" sabi nya sa akin.
KATAHIMIKAN.
"okay... pagbibigyan kita ngayon dahil mukha kang batang inaagawan ng laruan! Psh."
At nakuha ko pa talagang magbiro sa mga oras na to. Kakausapin ko na sana sya ulit ng mahinahon pero paglingon ko...
'Tulog? Anak ng... kinakausap pa e'
d-.-b
Hinayaan ko muna syang nakatulog, mukang pagod na pagod e. Bumaba ako at nagpunta sa kusina, saktong nakabalik na si manang.
"Manang.. si Ivan po nasa kwarto ko. Umiiyak" sabi ko sa kanya habang nakapalumbaba sa table
"Oh nagkausap na pala kayo. Aba'y anong nangyari sa batang iyan?" Nagaalalang tanong nya sa akin.
"Hindi ko nga din po alam e, babalitaan nalang po kita pagka-gising nya. Nakatulog po e."
"Sige.. Sige.. bantayan mo muna sya doon at baka gumising na yon pamiya-miya. Maghahanda lang ako ng makakain nyo" sabi nya sa akin.
"Mamaya nalang po kayo maghanda ng snacks, Thanks po sinabi ko lang sa inyo" nginitian ko sya at bumalik na sa kwarto ko.
Ano kayang nangyayari kay Ingkong. Psh.
Hindi ko namalayan, nakatulog na din pala ako pero sandali lang naman. Pagkagising ko nasa tabi ko pa din si Ivan na mahimbing na natutulog.
'Alam mo bro, ang manhid manhid mo. Kelan mo ba mararamdaman yung nararamdaman ko para sayo?'
Sa cr.
"Hi Irish, ano bang mali sa'yo? Diba wala naman?" Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. "Wag mo nalang munang atupagin yung mga hindi naniniwala sa'yo, mag-isip ka nalang ng paraan para maging proud ulit sila sa'yo Irish." Sinabi ko ulit sa sarili ko sabay wink at big smile sa salamin.
Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Ivan na gising na at nakatulala, nilapitan ko sya at tinanong kung ano ba talagang nangyayari.
"Bro gising ka na pala" bumaling ang tingin nya sa akin at nginitian ko naman sya.
"M-masasabi mo na ba?... Okay lang pag hindi ka pa ready, h-hindi naman kita pinipilit" Nanatili pa rin akong nakangiti habang lumalapit sa kanya
"Bes.. kasi, si mom at dad hindi na sila nag bati, lagi nakang silang nagbabangayan. Simula nung hindi ako nagpapakita sa inyo, simula non mas lalo pang lumala. Gusto kong mapagisa at ayokong isipin yung mga problem na meron ako." Pinunasan nya ang luha nya. "Kahapon akala namin ni ate maaayos na nila mom at dad yung away nila pero mas hindi pala." Pinunasan ko ang luha nya na walang tigil sa pagpatak. "Nagsimula 'to last month, away sila ng away. Halos araw araw hindi sila magkasundo. Nakalimutan nga nilang dalawa yung anniversary nila e haha." Alam kong peke yung tawa na yun, napangiti nalang ako sa kanya "hanggang sa nagkakasakitan na sila. Hinahayaan nilang marinig ni Thea yung away nila. Umiiyak na nga tinutuloy pa din nila yung away nila. Umabot na sa puntong may hawak na si daddy na knife muntik na nyang masaksak si Ate Ivy nun buti nalang pinigilan ko" patuloy ang pagiyak nya. Habang nakatitig sa kamay ko. "Naririnig namin na nagmumurahan na sila, pinagaawayan nila yung pera, tapos dahil sa selos at kung ano-ano pa Hindi naman kami dapat ganito e. hindi ako makaiyak nun dahil halo halo ang emosyon ko. Nagpakalayo ako at hindi nagparamdam nitong mga nakakaraang araw akala ko mawawala na sa isip ko. Pero yun nga kahapon, umuwi ako sa bahay. Andun si mom at dad pati si ate, walang away na nangyayari ang tahimik sa bahay. Akala ko ayos na sila pero hindi pala. HINDI NA. Nakapag empake na si dad ng mga gamit nya hindi ko naman sya mapipigilan dahil hindi naman magpapapigil yun." Mahabang paliwanag nya ulit sa akin. "Kaya ako nagpunta dito kasi hindi ko na kaya. Ang saya saya naman namin e, tapos mauuwi lang sa ganito" ibinaling ko ang ulo nya sa balikat ko. Nararamdaman ko ang bawat patak ng mga luha nya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Inevitable (DISCONTINUED)
Fiksi PenggemarNOTE: NOT A BECHLOE FANFIC --- PAG ASA? BESTFRIEND? KAIBIGAN? Maraming problema hindi pagkakaintindihan ang humahadlang para masabi nila sa isa't-isa ang totoo. Mahal nila ang isa't isa, mahal nya si Bro. Ngunit ang tanong, mahal din nga ba siya nit...