12 | Where the hell am I?

55 7 1
                                    


IRISH'S POV

Ang lamig! nilalamig ako!

iminulat ko ang mga mata ko, at nakita kong gabi pa lang. tumingin ako sa wall clock na nahagip ng mata ko. 4:00 am? ha?!

sinubukan kong bumangon pero ang sakit sakit ng ulo ko. isang galaw mo lang ang sakit na.

tumingin ako sa paligid ko. may poster ng popcorn, laptop, tsaka headphones. kulay blue ang pintura ng kwarto.

wala ako sa kwarto ko!

'Where the hell am I?'

inikot ko ulit ang paningin ko, ang laki ng kwarto. at may picture ng family ni.. DAX!?

'wtf?'

iba ang suot kong damit. ano ang ginagawa ko dito?

ANG LAMIG! PROMISE.

"*ehem* *ehem*" hindi ko mapigilang maubo. nanginginig ang buong katawan ko

"Gising ka na pala" narinig ko ang boses ni Dax, at napatingin ako kung nasaan sya. nakaupo sya sa isang couch.

"Sabi ko naman kasi sayo wag kang magbibiro ng mga ganong bagay e" rinig ko pag sabi nya, pero tinignan ko lang sya

"Anong ginagawa ko dito!?--aray!! ang sakit!! bakit mo ko dinala sa kwarto mo? aarrghh! ang sakit!" sigaw ko sa kanya, at habang tumatayo ako ay sumaskit ang ulo ko

"Naalala mo yung nangyari sa atin kagabi?" tanong nya sa akin at napaisip naman ako

'nangyari sa amin? may nangyari sa amin!?'

'no no no, hindi ganon! wag madumi ang utak!'

"A-nong n-angyari kagabi?" nauutal na tanong ko sa kanya, biglang sumakit ang ulo ko kaya naupo ulit ako

"Diba iniwan kita mag isa sa park, then after 10-15 minutes bumalik ako doon, wala kana. tapos may narinig akong sigaw kaya pinuntahan ko" tumayo sya sa kinauupuan nya "Tapos nakita ko duguan ka at walang malay kaya dinala kita dito" naglakad sya papunta sa kama at tinabihan ako sa pagupo

"Kanino to? sinong nagpalit? ikaw ba!?" galit na tanong ko habang nakatingin sa polong suot ko

"Ah.. hindi hindi si mommy nagsuot nyan. hindi ako! promise." sabi pa nya at itinaas ang kanang kamay nya

"Sorry ah.. thank you na din" sabi ko sa kanya at tinapik ang balikat nya

"Ako ang dapat magsorry, kung hindi kita iniwan, edi sana nakauwi ka ng maayos at hindi sana nangyari yan" sabi nya at itinuro ang benda ko sa ulo

'kinginers ang sakeeett!'

"A-ng l-amig" sabi ko habang kinukuskos ang braso ko. kahit pa man longsleeve tong suot ko ay malamig pa din

"Ang init init kaya" sabi nya sa akin, tinignan ko lang sya

Inihiga nya ako at kinumutan, pinatay nya ang aircon at electricfan.

"Ang l-lamig pa d-din" sabi ko sa kanya at dinoble naman nya ang kumot.

"Teka.."

Inevitable (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon