Chapter 23[ Magic Words]

135 3 0
                                    

2 years later....

Naramdaman kong kumilos na ang dalawang katawan na nasa dalawang pagitan ko ngunit ayaw ko pang dumilat. Mas lalo kong isiniksik ang katawan ko kay Mama at nakayakap naman ako kay Papa.

"Wake up na baby, papasok ka pa anong oras na?" Boses yon ni Mama.

"Let her be. Inaantok pa yang princesa natin" boses naman yun ni Papa.

"Good morning!" Agad akong napadilat nang biglang kumalog ang kama kung saan nandoon kaming tatlo ni Mama at Papa.

"Aray! Kuya" impit kong sigaw nang nadaganan niya ang binti ko.

"Unfair naman bakit hindi ako kasali sa yakapan niyong tatlo." Naka pout niyang saad.

"Ang sweet naman nang Kuya guwapo ko. Morning Kuya" then I spread my arms wider to hug him.

"Morning little Sis!" Niyakap din niya ako.

"Morning Dad, Mom" Saka ko ikinawit ang dalawang braso sa kanila. At nagyakapan kaming apat.

"Get up little Sis isabay na kita"

"I'm not a Little anymore" naka pout kong saad.

"But you are to us. So get up.Na miss ka na daw nang room mo"

It's been two years since natagpuan ko ang real family ko. And with that two years masasabi kong I'm so lucky to have them. Sa mga panahong nahihirapan pa akong tanggapin ang katotohanan at ang pagkamatay ni Papa they play a big important role of it. Ginawa nila ang lahat para lang ako makalimot sa sakit at na tuluyan ko nang tanggapin ang tunay kong pagkatao.

Hihiga na sana ako ulit ngunit hinila na ako ni Kuya palabas para makapaghanda. Ganito kami everytime sa room ako nila Mom matutulog. Maagang mambulabog si Kuya at maiingit kapag nagkayakapan kaming tatlo.

May mga panahon kasing Hindi ako nasanay na matulog mag-isa sa isang napakalaking silid. I always have a bad sleep lalo na kapag pinilit ko ang sarili kong matulog mag-isa kaya makitulog ako sa room nila Mom And Dad. 2 years nang ginawa ko ito at sobrang panatag ang pagtulog ko lalo na at kakanta si Mom bago ako matulog.

"Ang sarap nang tulog ko" malakas kong sigaw at nagmamadaling pumasok nang banyo.

I just wear a black chrissa jeans paired with white long sleeves na tinupi ko hanggang siko and a wedge. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok.

Next I pick my bag. Humarap ako sa salamin at nakailang ikot. College life sucks! Bigla ko nalang nasabi. Yes! I'm now on my First year college.

Pagbaba ko nang hagdan namangha ako sa aking nakita. Si Kuya cutie na naka suit pa at malakas ang tawa na naka harap sa TV na may palabas na Tom and Jerry. Seryoso? Si Grumpy naman naka suit din at nasa tabi ni Kuya Quinn at Panay ang siko niya sa huli dahil masasagi siya dito at madalas ito ang pinapalo niya kapag tatawa. Hindi na tuloy maguhit ang mukha ni Kuya Grumpy.

"ANo ba Quinn. Upakan na talaga kita. Itigil mo yang pamamalo mo!" .

Ngunit si Kuya Cutie humagalpak lang nang tawa.

"Bro you should watch. Haha they're crazy." Panay parin ang palo niya nito. Pati ako napangiti narin.

"Mas baliw ka gago" nakasimangot na sagot ni Grumpy.

"You guys resembles to them" bungad ko sa kanilang dalawa.

"Good morning bunso"

"Good morning too. Kuya Cutie" at yumakap ako sa kanya.

"Then who's the Tom?" Lumingon ako sa kanya na naguguluhan.

"Who?" Nangunot kong tanong.

"You said we resembled them" turo niya kay Tom and Jerry na ngayon ay naghahabulan parin.

 The search of the Mondragon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon