Chapter 26 [The secret of the room]

138 2 0
                                    

Mabilis lang niyang tinapos ang halik at saka niya walang hirap na binuksan ang pinto. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mama noon nang minsan niya akong dinala dito. Pinasadya ni Kai na ipatayo ang tree house na to para sa aming dalawa.

I can't help but to smile. Kinikilig ang malandi kong puso sa isiping yun.

Kai took my hand and guide me inside. Wala paring pinagbago ang loob. Mula kasi noong pumunta kami dito ni Mama ay hindi na ako bumalik dito. Mararamdaman ko kasi ang lungkot na dala nang bahay na ito. Na para bang may mga alaala parin sa aking nakaraan na hindi ko pa na regain na para bang nakatago lang sa likod nang utak ko na hindi ko mawari kaya tumatagos sa puso ko at nagdulot nang kakaibang lungkot at kirot.

Huminto kami ni Kai sa harapan nang misteryosong kuwarto. Bakit misteryoso? Ewan basta naramdaman ko lang. Ito yung kuwarto na sinasabi sa akin ni Mama noon na pagmamay-ari nang isang tao para sa babaeng lubos nitong minahal.

Hindi kaya si Kai yun? At ang babae ako? Pilit kong inalis ang isiping yun hanggat maari ay ayokong umasa hanggat hindi ko naririnig mismo sa kanya na ako ang babaeng matagal na niyang minahal.

"Let me be part of your moving on, baby. Let me be part of your another life chapter, please" pagsusumamo ang nakita ko sa mga mata niya ngayon. Isang Kai na napakaseryoso nang mukha.

I nod and smile at him.

Bigla namang sumilay ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiti na lalong nagpapahulog nang tabingi ko nang puso na isang kalabit nalang tuluyan na itong malaglag.

He swang the door open and the light series into the whole room. A middle size bed caught my attention. A single seater sofa, a small refrigerator, a study table and a mini library. All in all maganda ang pagkagawa nang nasabing kuwarto. Maaliwalas at kaygandang pagmasdan nang mga painting at pictures na naroon. May mga desenyong galing pa sa ibang bansa basi narin sa nilalaman nitong lugar. Nagpatuloy ako sa paglakad nang binitawan ni Kai ang kamay ko. Hanggat sa dinala ako nang paa ko sa painting kung saan may isang batang babae na nakangiti habang hawak ang isang kulay puting bunny na may nakasulat na K love K. Kagaya nang bunny na una kong nakita doon sa bahay namin. Noon hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin nang K love K ngunit ngayon nainitindihan ko na lahat. It's stand for us. Kai love Keizha. Parang gusto ko na namang tumulo ang mga luha ko. Luha nang saya at labis na tuwa.

Bumilis ang tahip nang puso ko nang maramdaman ko ang yakap ni Kai mula sa aking likuran at pinagdaop niya ang dalwang braso sa ilalim nang aking noo.

" I was young back then and I said this to myself. I dont want to fall in love with woman sakit lang sila sa ulo. Sapat na sa akin na may Quinn at Cole sa buhay ko. " Inakay niya ako at umupo siya sa sofa at pinaupo niya ako sa lap niya habang ang dalawa kong braso nakapulupot sa leeg niya. Patuloy lang siya sa pagkwento habang taimtim na nakatitig sa akin.

"Pero ang lahat nang yun nagbago simula nang makilala kita nang minsang sinama ako sa bahay ni Cole. Isa kang brat noon. Spoiled brat to be exact. Lahat nang gusto mo hindi mo tatantanan hanggat hindi mo nakuha. Ang bilis mong nakagaanan nang loob si Quinn samantalang ako walang oras na hindi tayo nag-aaway. I hate you back then and you hate me too. Lagi tayong nag-aaway hanggat sa nauwi sa iyakan.



Kapag nakita kitang umiyak sa halip na maawa ako mas lalo tuloy nagwagi ang kaloob looban ko ang ganda mo kasing tingnan lalo na kapag ngumawa" kinurot ko siya nang pino sa tagiliran.

"Ang sama mo" at ngumuso ako.

Isang hagalpak na tawa ang narinig ko sa kanya at mabilis niya akong dinampian nang halik sa labi.

"Huwag kang ngumuso baby, baka iba ang magagawa ko dito sa halip na magkwento ako" dinampian ko rin siya nang halik sa labi at saka ko isiniksik ang ulo ko sa may leeg niya.

"Continue makikinig ako"

"We always fight and we are both annoyed with each of other's presence until I wake up one day I already falling in love with you. Sa bata kong puso sinabi ko sa sarili ko, no one can have you except me. Magalit man ang lahat, kalabanin man ako nang lahat, I won't give you up. Kung kailan lumalim ang pag-ibig ko sayo saka pa ako hinikayat nila Mama na pumunta nang ibang bansa at doon na manirahan. Ayaw kong umalis noon dahil kahit mga bata pa tayo hulog na hulog na ang puso ko sayo at sa isipin palang na ilang taon kitang hindi makikita ay para na akong pinapatay. But in the end my parents won and they promise me that we will visit you every now and then.

But things turned out differently. Yun yung araw na nawala ka." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin na para bang takot siyang mawala ulit ako. " I continued living my life without you but it'll never the same my life when I was with you.  Everything about me changed except from keeping Cole and Quinn. I keep on playing with girls. Dahil hinanap Ko sa kanila ang katangian mo. Hindi ako naniniwala na patay kana at nang Hindi kana babalik. Kaya sa lahat nang babaeng makasalamuha ko ay kinilatis ko. They became my flings and fuck buddy."

"Kaya pala sinunggaban ako bigla nang isa sa mga babae mo noon?" Tanong ko habang nakayukyok parin sa balikat niya. Bakit ko ginawa to? Ayaw ko kasing makita niya ang pamumula nang pisngi ko habang nakikinig sa mga kwento niya.

He nod ang keep on talking.

Until i meet Seven Lopez. At first I was really mad at you. DaHil sa mga aksidenteng yun na alam ko rin naman na hindi mo sinasadya. But history keep repeating itself lalo na nang tinawag mo akong grumpy that only K call for me. And i called you bunny too. Akala ko dati minahal kita dahil nakikita ko sayo si K. Yung mga hilig mo, pag ka bratty mo, mga allergies mo K na K talaga. But I was wrong. Dahil unti-unti kong na realize na mahal kita not because you are Keizha but because you are Seven"

Inangat ko ang mukha ko at pinantay sa kanya.

"Kailan mo lang na realize na mahal mo na pala ako?"

"Noong nasa biyahe tayo papuntang Batangas you were sleeping back then and I was kissing you" pag- amin niya.

"Hinalikan mo ako noon?" Kaya pala pakiramdam ko hindi lang talaga pagguhit sa mukha ko ang ginawa niya dahil may higit pa pala doon.

"Your lips is a temptation baby. I can't help myself lalo na na mahal na kita"

"Kailan mo napatunayan na mahal mo ako as Seven not as Keizha?" Usisa ko sa kanya kahit pa parang himatayin na ako sa kilig at sa saya na nararamdaman.

"Noong nandito na si Jeanine. While spending my days with her as Keizha hindi ko naramdaman ang pakiramdam na kasama ka. Hindi ko na naramdaman ang pagmamahal ko noon kay K sa halip na ay naramdaman ko yun sayo. Siya ang kasama ko pero ikaw ang iniisip ko. I love you baby, no matter who you are. Si Keizha ka man O si Seven ka man. Basta mahal kita. At hindi na magbabago yon"

I leaned down and kiss  him passionately. That is enough para ako naman ang amin. .

"I love you too grumpy" I said while looking into his eyes intently.

A schock expression visible on his face.

"Pakiulit nga baby. Hindi ko masyadong narinig"

"I love you Kai Monterey. Kahit grumpy ka pa ,kahit siraulo kapa. I love you with all my heart. I love all your flaws. I love the way you are. I love---"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong kinabig at hinagkan nang mariin.

"I love you  so much my baby bunny."

Again we kiss with full of love and passion.



 The search of the Mondragon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon