Chapter 25[Kai's way to her heart]

123 2 0
                                    

Tuluyan na akong bumaba nang hagdan at baka umiitim na si Van sa sa kakahintay sa akin. Pagkarating ko sa sala agad ko siyang natanaw na hindi mapakaling nakaupo sa may sofa. Parang nagtatae na ewan. May patingin tingin siya sa relo niya, palinga-linga o di kaya tatayo at aayusin yung polo niya at slacks. Hindi ko miwasan ang mapangiwi. What a freaking sight.

Wala naman talaga akong balak sagutin sila e. Ang sa akin lang gusto ko lang maranasan kung ano ang pakiramdam nang nililigawan at nagpapaligaw. Babastedin ko naman sila agad  ayaw ko naman silang paasahin.

"Hai lab----opps my bad. Haha Van!" Sigaw ko sa pangalan niya kasi kanina pa talaga siya hindi mapakali.

He's my classmate and a seatmate to be exact sa major subject namin.

"Mondragon" err! That freaking smile. Paano kasi e kapag ngingiti kala mo wala nang natirang mukha sa kanya. At ayaw ko non. Mas gusto ko yong tipo ni Kai na may halong busangot ang ngiti.  Mas nakakainlove. Gosh! Umamin na naman ako  pero totoo naman ahh! Mahal na mahal ko ang Grumpy na  yon kahit na minsan may pagka siraulo.

"Sorry ha natagalan ako."

"Okay lang. Isang oras lang naman akong naghintay dito?

"What? Isang oras? Ganon ako katagal?"

"30 minutes na kasi akong nakaupo dito saka kapa tinawag ni Monterey na nandito ako" okay that explains everything kung bakit may pagka ka siraulo tong si Kai.

"I'm sorry ha." Sabi ko at saka umupo.

"Ang ganda mo sa suot na yan Mondragon" lihim naman akong napapangiti. Ang linaw nang mata hehe halatang naka salamin.

"Salamat. Pasensya kana talaga sa Kai na yon."

"Hindi naman si Kai ang pinunta ko dito. Ikaw naman kaya kahit maghintay ako nang isang buong araw gagawin ko harapin mo lang ako. Ahh.. para nga pala sayo" Tiningnan ko lang siya sa mata habang tinatanggap ang bulaklak na binigay niya. Ganito pala ang pakiramdam nang nililigawan ngunit may gusto kang iba at alam mo sa sarili mong wala na silang pag-asa. Magi-guilty ka na maaawa kasi naman hindi  ka deserving para sa kanila. At naintindihan ko na rin kong bakit ang mga nililigawan ay agad bastedin yung mga manliligaw nila kasi para hindi na ito umasa. At yan ang gagawin ko ngayon.

"Van..Ano kasi ...I don't want to offend you pero..may gusto na kasi akong iba"

"Alam ko..Sinabi na kasi ni Kai sa akin kanina na hindi ka pa raw pinanganak fiance kana niya. At ang unang pangalan na tinawag mo ay pangalan niya" Say what?!

"Sinabi niya yun? At naniwala ka naman?" E ano naman ngayon kung maniwala siya. Pero kasi kainis talaga ang Grumpy na yon.

"Oh!--"

"Bakit nandito ka pa . One hour lang ang binigay ko sayo. Kaya umalis kana" tinapunan ko ang masamang tingin si Kai.

"No. Stay! Darating na sina Mama mamaya you should meet them" sinabi ko yon na hindi inalis pagkatitig kay Kai. Nainis ako sa kanya. At naawa kay Van. At ang loko  kinindatan lang ako.

"Monterey you should fight fair. Hindi mo ako masindak hindi porket close na kayo ni K---"

"Who told you to called her that name? Call her Mondragon, K? Kami lang ang may karapatan ma tawagin siya nun.."

"KAI?!" Matalim na talaga ang boses ko.

"Darating ako diyan Monterey. Don't worry. Ahh...'Kiezha time for me to go. May gagawin pa ako sa pharmacy ni Mama"

"Okay. Pasensya kana talaga" agad siyang umalis na nagmamadali.

This time humarap na ako kay Kai at pinagkuros ko ang dalawang braso sa aking diddib habang nakataas ang  aking kilay.

"What?" Inosente niyang tanong.

"Bakit mo ginawa yon? Kai magrespeto ka naman sa tao." Inilapag niya ang remote at saka matalim na tumingin sa akin.

"Bakit bunny? May respeto naman ako kaya nga kita tinawag diba?"

"Pero 30 mins  na siyang nandito at saka mo ako tinawag. Hindi ka na naawa doon sa Tao?"

"Sa akin ka iniwan ni Cole. Kaya dapat sa akin muna dadaan ang gago na yon bago sayo"

Magsalita na sana ako nang malakas na boses ni Mama ang napatigil sa akin.

"Baby, why so beautiful?" At niyakap niya ako.

"You exactly a replica of your mother Princess. Pa hug na rin si Daddy".

"Ako din baby girl"

"Ako rin bunso----"

"Back off Quinn. Bakit ka makikikayakap?"

"Na miss ko lang si bunso, bro"

"Tss."

Okay na sila na ang OA kung maka react. Gusto ko sanang isigaw 'anong meron at ganito kayo? Niligawan lang ako! Niligawan'. Kung makayakap kasi sila sa akin e parang saan ako galing.

"Baby girl, nasalubong namin si labanos sa labas nanligaw parin ba siya?."

"Bilib din ako sa tapang nang gulay na yun, ilang pananakot na kaya ang ginawa mo Tol para lang tigilan si Bunso?" Nakita kong nakasimangot si Grumpy habang nakasandal sa upuan. 

I glared at him when he is looking to me.

"What's with the outfit baby? I never know na bagay pala sayo ang nightgown ko. Your so beautiful" dito na mas umarko ang kilay ko. Kung makapagsalita kasi si Mama parang hindi siya ang may gawa nito. Kung ganun?

"Yow.. Brother sumusobra kana sa pambabakod mo ah.. pati damit ni Mama dinamay mo" kantiyaw ni Kuya habang inakbayan si Grumpy na nakakatutuk sa TV.

And then Dad's laughter echoed the house. Ou ayaw ko sa room kasi nga malaki yung sala namin at sa lakas ba naman nang tawa nang Ama ko e yumanig na ang buong mansion. And suddenly he hug me.

"Ang bilis mong lumaki Princess." Nakiyakap narin ako. Kahit mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay ramdam ko parin ang pangulila sa bawat yakap nila sa akin. Pangungulila na hindi nila ako naalalagaan at hindi nila nakita ang paglaki ko.

"I love you Daddy" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka pinahid ang luha. Bumaling ako kay Mama and a single tears escape her eyes. "I love Mom too, and Kuya too..All of you" this time humagulhol na ako. Masakit parin e. Kahit anong pilit kong paglimot, kahit anong pilit kong maging masaya pero pakiramdam ko mas lumalim ang sakit mas mahirap kalimutan.  Minsan naisip ko bakit ang unfair nang buhay. Kung may mawawala may dumating. Hindi ba pwedeng pagsama-samahin nalang? Bakit kailangan pang mawala ang Papa ko saka ko matagpuan ang tunay kong pamilya? Bakit kailangan pang mag magbuhis nang buhay para lang mailigtas ang taong mahal nila. Masakit e sobrang sakit.

A warm hug calm me down.

And I hug him too. Kahit hindi ako titingala para makita ko ang mukha niya alam ko na kung sino ang nagmamay-ari nang mainit ma yakap na yon. A man who can wake everything about me. The only man who can bring this chills to me.

The man I love the most next to my two Father's.

"Let's go"

"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong nang bigla nalang niyang hinila ang aking kamay at inakay palabas nang mansyion. Nang lingunin ko sila Mama ay kapwa lang sila nakangiti ni Papa habang sinusundan kami nang tanaw. Si Kuya naman walang pakialam at nakatutok lang sa phone niya samantalang si kuya cutie ayun nanood na naman nang paborito niyang Tom and jerry.



Nagpahila nalang ako kay Kai hanggang sa huminto kami sa paanan nang pinto nang tree house. Ni  hindi ko nga namalayan kung paano kami nakaakyat sa mataas na hagdan. Boses niya ang nagpabalik sa akin sa katinuan.


"Welcome to our humble abode my bunny!" Saka niya ako kinintalan nang halik sa labi.

 The search of the Mondragon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon