Mula kay Otor:
Wow! So three years na ang nakalipas since I published the final chapter of Macho Hearts 3, and 2 years ago after ng MH4. Matagal na rin pala ang ipinaghintay ng mga sumusubaybay sa kwento nina Yuu at Kiyo.
Actually, sobrang dami talagang factors kung bakit sobrang delayed na ako sa updates. And I always say na busy pero sa totoo lang hindi na naman matatapos ang pagiging busy eh. Pag lagi ko sinabi sa sarili ko na busy ako kaya hindi ko kaya mag update, wala na--- hindi na matutuloy ang mga pending stories ko.
So ayun, gagawin ko na ang final book ng MH series and don't worry, kung may delay man (sana wala masyado) hindi ko pa rin isusugal ang quality ng bawat chapter. You can expect to see the same level ( or even higher) of passion as when I wrote the previous books.
And omg, sobrang dami ko nang kailangan pasalamatan.
Unahin ko muna si EmiliaRuruVillavivi na syang naging dahilan kung bakit nasimulan ang book 4. Alam nating lahat na kung walang book 4 eh wala ring book 5 na mababasa natin ngayon. So Emilia, mabuhay ka!
Salamat din kay Manrvin, ang aking kaibigan dito sa Wattpad. Sa mga panahong tamad na tamad ako magsulat, binabasa ko ang Secrets of the Night mo at nagsisilbi syang inspirasyon para wag akong sumuko. Knowing na may mga taong mas busy pa sa kin pero nagagawa pa ring mag update really helped me a lot to carry on.
Sa mga matiyagang nag flood votes, comments, and nag follow-up ng updates, sorry kung hindi ko kayo maisa-isa: three years will make it a very long list but I just want to thank you sincerely kasi hindi kayo sumuko. Salamat sa inyong pagtitiyaga.
Wag na natin pahabain ito. Let's start with a quick intro to MH5:
From time to time, the story will be moving back to the past (continuation of MH3, Sakura Hearts) and to the present (continuation of MH4, Generation H).
There will be four parts in this book namely Season 1: Winter, Season 2: Spring, Season 3: Summer, and Season 4: Fall. Bawat season, sa isang main character magfo-focus ang story so medyo mababawasan na ang pagkalito ng ibang readers na sanay na nababasa muna kung kanino yung POV. Although as a tip, madali nyo malalaman kung kaninong POV ang ginagamit ko kasi madalas (and I think lagi namang ganon) na kung sino yung unang pangalan na lalabas sa chapter, ibig sabihin POV nya iyon.
As promised may new characters din na darating and they will bring colors to the supposedly monochromatic life of our characters. Kasi ideally, perfect na ang lahat: Yuuto is now living a happy and satisfied life sa piling ni (toot-toot), and YuKi is on cloud nine as well for finally getting to be with Nicholo. But watch out sa mga mangyayari dahil sa final book na ito, walang forever.
Hay naku, baka kung ano pa ang ma-reveal ko so stop na muna ako. Sya, heto na and huling tibok ng mga pusong palaban!
Desmond Fox (a.k.a Xross Kyuuketsuki) proudly presents:
Macho Hearts 5: Seasons of Hearts (drum roll)
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 5: Seasons of Hearts
General FictionAng huling pagtibok ng Macho Hearts series ay pumintig na. Published on 30 April 2017