Phoebe Adrianna's POV
"Phoebe! Lingon ka sa likod, daliiiii!" impit na sigaw ng mga kaibigan ko.
Tumigil naman ako sa paglalakad at lumingon sa direksyong tinutukoy nila nang biglang nagtama ang paningin namin. Kahit gulat, ay patay malisya akong lumingon sa kaibigan kong si Naomi at nagtanong. "Bakit?" tanong ko at bahagyang tumabi sa daan para makaraan siya.
Nang makalagpas siya ay agad naman akong nakatanggap ng mga makahulugang tingin sa aking mga kaibigan. "Kayo talaga." natatawang nasabi ko na lang sa kanila nang makalayo na siya.
"Sige na, mga bibe. Una na kami." paalam namin ni Janelle sa kanila at nagsimula na kaming maglakad palabas sa school.
"BYE PHOEBEEEEEEE!" paulit-ulit na sigaw ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa kanya na tila ba may nais silang ipahiwatig.
Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Pfft. Ang kukulit talaga. "Hahaha! Bye guuuys!" muli kong paalam sa kanila at pagkatapos ng isa pang habol na tingin sa kanya ay kumapit na ako sa braso ni Janelle at nagsimula na uli kaming lumakad.
Parang kailan lang talaga~ Hays! Ang totoo niyan ay dati talaga akong sirena na nangangarap magkaroon ng paa at makatapak sa lupa. Pero syempre charot lang. Ibang story na pala 'yon. Bwahahaha!
Eto serious na, hehehe. Habang naglalakad kami palabas ng subdivision ng school namin ay papakilala na muna ako. Ako nga pala si Phoebe Adrianna Smith. Phoebe for short. At katulad ng iba ay isa rin naman akong ordinaryong estudyante na ang nais lang ay maipasa ang lahat ng subjects at matapos ang lahat ng mga requirements ng hindi lalampas sa deadline.
Medyo mas nakakaloka lang ng kaunti yung akin, dahil secretary ako ng Student Council sa school namin. Ay echos lang, hindi pala kaunti, nakakaloka talaga ng bongga lalo na kapag may mga biglaang proposal at letter silang nais. Minsan nga ang sarap na lang bumirit ng 'I will survive!' Pero keribumbumbells ko pa rin naman. Stay strong na lang talaga.
Mabalik tayo sa kanya. Actually, lagi ko na talaga siyang nakikita sa school dati pa lang. Wala nga lang akong pake sa kanya noon. Dito na kasi ako nag-aral simula nung mag-grade 1 ako at kung hindi ako nagkakamali, ay dito naman siya nagpre-school. A year ahead sila sa amin. Bale, Grade 10 na kami at Grade 11 naman na sila ngayon. Sino nga ba siya? Siya lang naman si Leighton Kazuo Bleu.
BINABASA MO ANG
Heroine's First Love
ChickLitHeroine - a woman admired or idealized for her courage, outstanding achievements, or noble qualities First Love - one's first experience of the feeling of romantic love Madali ang mag-assume, pero mahirap ang masaktan. Tokwa, paano nga ba natin mal...