Phoebe Adrianna's POV
"Nga pala, sure na yan ah? Mangangaroling na talaga tayo mamaya." paninigurado ni Christine.
"Hindi ako pwede eh. Gabi na kasi, saka ang layo ng bahay namin, hindi ako nakapagpaalam." ani ni Fritzie.
"Wala rin akong pera." sunod na sabi naman ni Ailee.
"Eh! Sayang naman yung mga outfit natin mamaya." nanghihinayang na turan ni Janelle.
"Edi kung sino na lang siguro pwede basta tuloy lang tayo mamaya. Haha!" suggestion ni Naomi.
"Sige, sige! Pagkatapos ng lang siguro ng event mamaya, aalis muna kami saglit ni noona (Janelle) para umuwi at magpaalam. Kita-kita na lang tayo sa bahay ni Naomi." sabi ko na sinang-ayunan naman nila.
-----------------
"Hala tokwa! Ako lang nakagreen?!" shookt kong tanong sa mga kaklase ko nang makita kong lahat sila ay naka-red.
"Hahaha! May extra akong red na damit. Gusto mo?" alok sakin ng kaklase kong si Mikee. Halos pumalakpak naman ang tenga ko sa narinig ko.
Agad naman akong lumapit sa kanya. "Waa! Okay lang ba? Salamaat!" pagpapasalamat ko at inabot ang damit.
"Nako, nakaayos na naman ako. Hindi ko na naman siguro makikita si Eros." naiiling na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung gigil lang ba talaga sakin ang pagkakataon o ano, kasi tuwing nakikita ko si Eros ay lagi nalang akong haggard. Tas pagayos na ayos naman ako, saka ko naman hindi nakikita kahit anino man lang niya.
-------------
*After performance*
"Hahaha! Nagkatotoo nga yung sinabi mo." tawa ni Janelle. Tukoy niya sa event na hindi talaga namin nakita ngayong araw si Eros.
"Sanay naman na ako eh. Saka medyo inaasahan ko na rin yun." pagdadrama ko pa.
"Chos!" react nila na tinawanan ko naman.
------------
*Fast Forward*
"Kanino naman tayong bahay next?" tanong ko.
Kasalukuyan kaming nangangaroling sa mga bahay-bahay dito sa subdivision nina Naomi. Yes, natuloy talaga kami this time. Bwahaha! Tokwa lagi kasing drawing.
Pagkatapos ng hindi matapos-tapos na rehearsal namin sa bahay nila Naomi, sa wakas mayroon na rin kaming matinong performance na natapos.
"Kila Eros tayo!" aya ni Naomi.
"Waaa! Oo nga! Hahaha!" segunda naman ni Harlene.
Kaming anim lang nina Harlene, Naomi, Janelle, Shane, Pauleen at Christine ang magkakasama ngayon. Hindi raw kasi pinayagan sina Fritzie at Ailee.
"Hala wag! Nakakahiya." nasabi ko na lang.
"Okay lang yan!" pampalubagloob sakin ni Janelle at tuluyan na nga kaming pumunta sa bahay nila Eros. Or more like, hila-hila nila ako papunta.
After ng mahinang countings, nagstart na kami. " Jingle bell~ Jingle bell~ Jingle bell rock~" panimula namin.
Dahil na rin siguro sa sobrang kahihiyan ko ay hindi kami halos lahat nakakanta ng maayos. Maya-maya lang rin ay nakita na naming sumilip ang kapatid ni Eros at ang mama nila. Lalo tuloy ako kinabahan at naisipan ko nalang na magtago sa likod ni Janelle.
Dahil sa reaksyon ko ay hindi na napigilan nina Harlene ang tawa nila. Di nagtagal ay lumabas ang mama ni Eros at nakangiting lumapit sa amin.
"Ulitin niyo uli, tapos galingan niyo." nakangiti niyang sabi. "Bibigyan ko kayo." pagpapatuloy niya pa. Kaya nagsimula uli kami from the top with matching blending pa. Fortunately, bongga na ang performance namin.
Napadaan tuloy ang tingin ko sa may bintana kung nasaan nandun si Eros at nanonood rin pala. Umiwas naman ako agad ng tingin mapabaling siya sa kinaroroonan ko.
"Maraming salamat po!" nakangiting pasasalamat namin ng abutan niya na kami ng pamasko.
"Welcome!" balik na bati naman niya bago kami nagpaalam sa kanya isa-isa.
Puno naman ng asaran ang paghihiwa-hiwalay namin pagkatapos naming maghatian ng mga napamaskuhan. Habang naglalakad pauwi kasama si noona (Janelle), hindi ko na lang tuloy napigilang maglabas ng feels na mainly about sa kahihiyan hahaha!
BINABASA MO ANG
Heroine's First Love
Chick-LitHeroine - a woman admired or idealized for her courage, outstanding achievements, or noble qualities First Love - one's first experience of the feeling of romantic love Madali ang mag-assume, pero mahirap ang masaktan. Tokwa, paano nga ba natin mal...