Heroine 2 : Happy Birthday Naomi Dyosa!

20 3 6
                                    

Hey guys! Haha! So basically, compilation lang ito ng experience ko sa "ideal" ko. That's why I thought that I wanted to share this chapter of my life to all of you as well as the lessons that I've learned.

Salamat sa mga kaibigan kong patuloy na naghihintay at nagpu-push saking tapusin to. (Hey Micah!) Bwahaha! So here it is.

-----------

"Hala tokwa!" bigla ko na lang nasabi ng marealize kong naiwan ko pala ang wallet ko sa bahay. Napafacepalm na lang ako sa sariling kashungahan.

Lumingon naman ako kay Naomi na kasalukuyang nakikipagchikahan kay Harlene. "Naomi, samahan mo ako sa kapatid ko saglit. Hihingi lang ako pamasahe pauwi." ani ko.

"Sama ako!"pagp-presenta rin ni Harlene kaya heto at tatlo na kaming kasalukuyang tinatahak ang daan patungo sa room ng kapatid ko, which happens to be beside lang ng room nina Eros. Di ko tuloy maiwasan na magnakaw ng mga mumunting sulyap sa pinto na tila ba may lalabas 'dun na ikatutuwa ko.

"Yo, penge pera." bati ko agad sa kapatid ko matapos ko siyang i-excuse sa klase. Habang nage-explain kung pano ko naiwan ang wallet ko sa kanya, bigla na lang akong nakaramdam ng mahinang tulak galing kay Harlene. Napalingon tuloy ako sa direksyon niya, nang makita ko sa likod niya si Eros na nagtatapon ng basura. 

Pagkatapos ng tila halos  isang segundong pagtama ng tingin namin ay umiwas na ako ng tingin at inabot na ang perang galing sa kapatid ko.

"Sige, salamat." paalam ko sa kapatid ko bago lumingon muli sa direksyon niya nang makita kong nakapasok na pala siya sa room nila. 

--------------

Break na namin at bumaba na kami papuntang canteen para sana kumain ng makita naming puno na pala ito. May program nga pala kasi ang elementary, kaya naisip naming doon na lang sa mini forest namin kumain. 

"Uy, grabe. Havey kamo talaga kanina yung mga jokes mo." panimula ni Janelle nang matapos naming kumain. Naalala ko yung kalokohan ko nung nagroleplay kami.

"Oo nga, bwahaha! Para kang sabog eh." sunod na sinabi naman ni Shane na tinawanan ko nalang.

"Nagugutom pa ako." biglang sabi ni Naomi. At natuloy pa ang usapan namin tungkol sa roleplay namin sa Science, ng biglang umupo sa katabing table namin sina Marco at Nathan. Maya-maya lang ay nagsunuran na rin ang iba nilang mga katropa, hanggang sa dumating narin si Eros. 

Bigla naman akong natuod, kabado sagad na baka asarin ako ng mga friendship ko. "Ehem, ehem." panimulang asar nila na hindi ko nalang pinansin at patuloy pa rin sa pagkwento ng kung ano-ano habang todo iwas na mapatingin sa banda nila hanggang sa natapos na rin silang kumain at isa-isa nang naglakad paalis. (Oo, ang tagal naming magdaldalan bwhahaha!)

Nang masigurado kong lahat na ng tropa nila ay nakalayo na, katulad ng dati ay pinagmasdan ko na lang uli ang likod ni Eros hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

--------------

"Alam mo Phoebe, feeling ko hindi na ideal lang yan eh. Crush mo na talaga siya no?" biglang tanong sakin ni Janelle.

"Hindi po~ promise." sagot ko. As in parang paghanga lang kasi talaga sa idol 'tong nararamdaman ko. Kung baga, walang pinagkaiba ang feels ko sa kanya sa nararamdaman ko para kay Lee Min Ho na idol ko noon sa pag-acting.

"Sus, baka naman indenial ka lang." asar niya pa.

"Hahahaha! Hindi rin." muli kong sabi habang patuloy sa pagsulat ng mga mini moments namin sa isang lumang notebook.

"Nga pala, naalala niyo pa ba nung birthday ni Naomi?" tanong ni Christine.

"Haha! Oo, di ko makakalimutan yun!" tawa ni Naomi.

"Tanda ko noon, umagang umaga napaparamdam na agad si Naomi na birthday niya. Hahahah!" natatawang saad ko.


FLASHBACK

"Harap sa likod, Rap!" malakas na utos ni Fritzie na siyang platoon leader at agad namang humarap sa likod ang mga cadet niya. Tuwing Lunes at Miyerkules ay nagaganap ang training namin sa C.A.T. para sa mga upcoming grade 10 students.

"Uy, Phoebe! Andiyan na yung mga Grade 11. Kelan natin sisimulan yung surprise?" tanong sakin ni Janelle. 

Tumango naman ako bago sumagot. "Maya-maya siguro. Maghihintay lang muna kami ng tiyempo para magpaalam." pagbibigay alam ko at ibinaling ang tingin sa direksyon na sinenyas niya kung saan kasalukuyang nakatayo ang tropa nila Justin, kasama na si Eros.

"Sige, bili lang ako saglit." paalam ni Janelle. Ngumiti naman ako bago tumango at binalik muli ang atensyon sa Alpha Platoon para gumabay. Noong nakaraang taon kasi, isa ako sa mga mapalad na napili para makakuha ng isa sa pinakamataas na posisyon na talaga namang pinagpapasalamat ko.

Kaya naman ngayon ay ginagawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para gawin at tapusin ang mga responsibilidad na kasama nang pagpili nila sakin.

"Phoebe, payag na daw si sir." pagbibigay alam sakin ng aming S2 na si Kathryn. Ngumiti naman ako ng malaki at agad nang tumakbo sa platoon na pinamumunuan ni Fritzie para ibahagi ang magandang balita.

"Orayt! Haha! Sige, teka." ani ni Fritzie bago ibilin ang platoon niya sa isa sa mga available officers.

"Syckle, Montenegro, i-pull out niyo na sila." utos ko kina Naomi at Pauleen na siyang executive officers naman namin. Bagamat walang idea sa nagaganap, si Naomi, kasama si Pauleen ay pinuntahan na ang mga platoon na kinabibilangan ng mga friendship namin at pinull out na sila.

"Luminya kayo." utos ni Fritzie, at agad namang luminya sina Janelle, Shane, Christine, Harlene, at Ailee. "Tatakbo kayo." pagbibigay alam ni Fritzie.

"Ngayon na." panimula ko at nagsimula na silang tumakbo ng nakalinya palabas ng court kung saan kami nag-ttrain.

"If I die in a combat zone~" kanta/sigaw nila habang natakbo, agad rin naman kaming sumunod sa kanila.

Maya-maya'y nakarating na rin kami sa tindahan kung saan naghihintay sina Justin. "One , two, three!" bilang ni Cain at nagsimula kaming kumanta.

"Happy Birthday to you!" sabay sabay naming bati matapos kumanta at nagpalakpakan.

Nang matapos, ay mahina namang itinulak ni Shane si Naomi paharap para mas mapalapit kay Justin na kasalukuyang may hawak na cartolinang may nakalagay na "Happy 16th Birthday Naomi Dyosa!"na ginawa namin kanina lang dahil sa pagtatampo niya. Wala man lang daw kaming surprise sa kanya.

"Ayiee!" asar namin.

"Speech! Speech!" cheer nila Eros at katulad ng mga nakagawian ay tahimik lang akong nagnanakaw ng mga sulyap sa direksyon niya. Agad naman akong nag-iba ng tingin ng magawi rin sa direksyon ko ang tingin niya.

Pagkatapos ng speech at pagbibigay ng gift ni Justin kay Naomi ay muli na naman silang nakatanggap ng asar mula sa aming lahat.

Bilang remembrance ay nagvideo at nagpicture kami, pagkatapos ay bumalik na rin kami agad sa court para ipagpatuloy ang naudlot na training nila.

>Naomi<

>Naomi<

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heroine's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon