Heroine 5 : Valentine's Day

13 3 7
                                    

"Napakabusy ko mga gh0rl!" stressedt na bati ko sa mga friendship kong nagbbreak na pala sa may canteen.

Galing ako sa student council duty ko. Lahat kami may mga booths na naka-assign. Nagkataon na sa Marriage Booth pa ako napunta. My goodness! Andaming hilaan na nagaganap bago ikasal. Mas napagod pa ako sa kakapilit sa mga ikakasal kaysa sa magbantay sa mismong booth.

"Hahahaha! Stay strong." nasabi nalang ni noona (Janelle).

"Andaming hearts sa paligid. Ang sarap tanggalin isa-isa." bitter na sabi ni Shane at lumapit sa isang heart na nakadikit sa wall bago tinanggal to.

"Huy ano yan ha?" tanong ko at lumapit sa kanya. Nakita ko kasing may isinusulat siya sa heart.

----------------

Hi! :)

           -Herat

----------------

Napatawa naman ako dun sa Herat. Naalala ko na naman yung time na seryosong seryoso ako sa paglalabas ng feels sa gc naming magffriendship, kaso imbis na 'heart', 'herat' nailagay ko. Naputol tuloy ang intensity ng pagdadrama ko bwahaha! Simula tuloy nun, lagi akong inaasar na Herat.

Naputol ako sa pagre-reminisce nang biglang magtanong si Shane. "Saan yung locker ni Eros?" tanong niya. Tinuro ko naman kung saan habang nalilito pa rin sa gagawin niya.

Naloka na lang ako nang maglakad siya papunta roon sabay idinikit ang heart na may sulat, sa locker ni Eros mismo. Napatingin naman ako agad sa paligid kung may nakakita. Fortunately, wala.

"Uy, hala ka diyan. Tanggalin mo na yan." nasabi ko sabay subok na alisin ang heart kaso hinarangan ako ni Shane na umiling.

"Bahala ka, ayaw mo bang mas makilala pa siya? Diba uso yan sa mga drama. Bwahhaa! Saka ako naman ang nagsulat eh. Hindi tayo papahuli." ani ni Shane.

Napailing na lang ako at napangiti sa kalokohan niya, mukhang supportive rin ang iba pa naming friendship sa paglagay nung note, kaya hahayaan ko na lang. Kasi deep inside, curious din talaga ako sa mga mangyayari after niyang mabasa yung note.

--------------------------

*Next day*

Nandito ako ngayon sa canteen para sana bumili ng snacks. Pabalik na rin sana ako sa room namin nang may mapansin ako sa idinikit ni Shane na note sa locker ni Eros.

Napatakip naman ako ng bibig sa gulat dahil sa nabasa ko. 

-------------

Hi! :)  HELLO!

          -Herat

-------------

Tumingin muna ako sa paligid. Nang mapansin kong walang nakatingin ay kinuha ko na agad yung heart at bumalik na sa classroom.

"MGA BESH!" excited na bati ko sa mga friendship ko. Napatingin naman sila sakin, bago pa sila makapagtanong kung ano ang chika ko, nagpatuloy ako.

"Nagreply na si Eros!" panimula ko. "OH?!" gulat at excited rin nilang banggit bago kami nagkumpulan para maipakita ko sa kanila yung reply. Tahimik naman kaming nag-iritan dahil sa kilig at excitement. 

"Ay, teka muna. Baka naman hindi si Eros yang nagreply?" doubtful na ani ni Naomi.

"Pwede, mamaya yung janitor lang pala yung nagreply. Tas kilig na kilig pa tayo." nasabi ko nalang na nagpatawa naman sa kanila.

"Hmm. Ang alam ko maganda yung sulat ni Eros eh. Check na lang natin." suggestion ni Naomi. Napatango naman ako. Naalala ko na kaklase nga pala ni Eros si Nathan na kuya ni Naomi. 

"Sige, check natin kung parehas yung style ng sulat for validity." tango ko.

"Kaso, dahil sa locker natin dinidikit. Di kaya mahihirapan siyang magsulat sa usual style niya? pagpapatuloy ko. 

"Sabagay.." nasabi nalang nila.

Umiling nalang ako bago ngumiti. "Sulat na lang uli tayo. Pero every note, hindi ikaw magsusulat. Sayo lang galing yung isusulat para safe." excited na suggestion ni Fritzie na tinanguan naman naming lahat.

"Okay sino magsusulat sa next?" tanong ni Harlene.

"Ako next!" pagvovolunteer ni Naomi na sinangayunan rin naming lahat.

"Okay, ano isusulat?" panimula niya bago nagready ng sticky note.

"Simplehan lang muna natin." sabi ko naman bago sinabi sa kanya ang isusulat.

----------------

Hi Kuya!

Kumusta po? huehue... :)

          -Herat

----------------

"Bwahaha! Bakit may huehue?" tanong ko kay Naomi.

"Para di boring. Bwahaha!" tawa niya rin. 

"Okay, wait na lang ulit tayo bukas sa result." ani ni Janelle.

"Ako na lang uli magdidikit mamaya." suggest ni Shane bago kami nagsibalikan sa mga upuan namin.

-------------------------------

*Next Day*

Katatapos lang ng klase namin at as usual, nandito kami ngayon sa court para magtrain ng mga Grade 9 students. Nagr-ready palang kami para sa talupan ng tumatakbong lumapit sa amin ni Naomi sina Fritzie at Pauleen na kapapalit lang ng C.A.T uniform nila. 

"Ate Phoebe!!" hingal na panimula ni Pauleen. 

"Nakita namin si Eros mo, nagsusulat sa locker!!!!" pagbabalita sakin ni Fritzie.

Napanganga naman ako sa chika at sabay sabay kaming nagsitilian sa realization. Although bigla na lang kaming napatigil nang lumapit samin ang ilan sa mga officers. Tawa at iling na lang ang naisagot namin nang tanungin nila kami kung bakit kami natili.

"Omg! So confimed na ha! Siya nga talaga ang nagsusulat!" excited na sagot ko.

Wala pang halos isang minuto after namin magtilian ng makita kong tumatakbo papalapit samin si Shane na dala-dala ang sticky note. Inabot ko naman agad ito at binasa bago magpasalamat.

-----------

Hi Kuya!

Kumusta po? huehue... :)

           -Herat

OK lang naman. 

Pakilala ka na :) :)

-----------

Dahil sa nailabas na namin ang feels kanina, pigil na tili nalang ang naganap nang mabasa namin ang reply. Napatigil na lang kami sa pagkumpol sa papel nang makarinig kami ng sigaw.

"Talupaaaaaaaaaaan!" sigaw ng cor namin kaya nagsitakbuhan na kami sa formation namin.

Pagkatapos ng announcement at nang masabihan na kami ng dismiss ay ibinulsa ko na muna ang sticky note bago nagsimula nang muli sa paggabay ng mga platoon.


Heroine's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon